15 kuya “Para kang…” bitin na sabi ni Nicko nang nakahiga pa rin ako sa ibabaw ng mesa at hapong-hapo pa rin pagkatapos nang mga ginawa niya sa akin. Napailing na lamang ito nang silipin ako. At ganoon din ang pagtitig ko sa kanya. Nginitian ko siya, na parang sinasabi kong okay lang ako—na hindi naman ako masyadong napagod. “Ibang klasi,” namamanghang komento nito bago hinaplos ang aking pisngi. “Ikaw yata ang magiging dahilan nang maaga kong pagkamatay, Ro.” Biro niyang nagpakurap sa akin. Mahinhin akong natawa na mas lalo niyang ikinatawa. Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago hinayaang bumaba rito. Nakabuntot ako sa kanya kahit na ang totoo nanginginig pa rin ang mga hita ko at hindi maituwid ang paglalakad. Nagmumukha tuloy akong na-sprain at kailangan pa nang alalay. “Yon pa n

