Nakatitig lang sa akin si Nicko nang nakalabas na ako mula sa Univ Campus, nagtataka siguro kung bakit ang tagal ko sa loob. Usually naman kapag uwian na ay eksaktong alas kwatro bago mag-5 ay nandito na ako. Ngayon lang naman nangyari ito dahil may activities pa kaming tinapos. “I’m sorry, I’m a bit late.” Yuko ko rito. “Okay lang, nag-aalala lang ako.” Ngiti niya. Nginitian ko rin siya, akala ko magagalit pero mukhang di naman tulad nang iniisip ko. Hinawakan lang nito ang kamay ko nang mahigpit bago iginiya para makaalis na roon. Inabot pa nito ang mga dala kong libro kaya hinayaan ko na. Ilang lakad lang ay nakarating na kaagad kami sa apartment nito. Medyo napagod ako sa pinaggagawa namin kanina kaya naupo na muna ako rito sa sofa, mukhang nakakahalata siya dahil tumabi kaagad sa a

