30

3306 Words
"Puta!" Nagulat ako hindi lang sa pagmumura ni Kuya Rameil kundi roon sa mabilis na pagdagit nito sa kwelyo noong kasama ni Alfonso. Muntik pang nasuntok kung hindi lang kaagad pumagitna itong huli. "What the... anong problema mo?!" Sigaw ni Alfonso. Halos idiin nito ang mukha sa galit na galit na si Kuya Rameil. Nanginig ako sa takot at mabilis na hinawakan sa braso si Kuya Rameil na tulad ko e nanginginig din sa galit. Inis na inis din naman ako sa lalaking 'to ngunit mas importante sa'kin na wag mag-away ang dalawa. Hindi nadadaan sa ganoon at mas mabuting pag-usapan namin sa tahimik na paraan. Hindi yong binibigyan namin ng palabas ang mga nakakasaksi. "K-kuya, wag dito please." Bulong ko rito dahilan kung bakit parang natatauhan na rin ito sa nangyayari. Medyo kumakalma na nga ngunit hindi pa rin sapat para bitawan nito ang kwelyo. Basta na nga lang hinila paalis doon kaya nakasunod din ako. Si Alfonso ay tahimik ngunit halatang nakikiramdam na rin sa nangyayari. Parang nagtataka pa nga kung bakit ganito ang inaasal ng isa. Na kahit ako eh ngayon ko lang din nakitang ganito kung magalit si Kuya Rameil. Nagkatitigan kami no'ng lalaki isang beses ngunit mas lalo itong hinigit ni Kuya Rameil. Galit talaga at hindi siguradong huhupa iyan hanggang sa matapos ang komprontasyon. "Damn! Huwag kang tumitig sa kanya!" Warning nito. Kaya hanggang doon lang talaga. Nakasunod lang kami. May nakakasalubong pang nagtataka sa nangyayari ngunit hindi na nagtanong. Kahit sino ay talagang matatakot na magtanong kung ganito naman kadilim ang mukha ni Kuya Rameil. Kailangan niyang kumalma. Kung hindi... mas lalong magkakagulo. Nagulat ako noong dinala niya ang lalaking 'to sa likod ng junk shop at biglang tinulak kaya natumba ito. "Kanina ka pa, Kuya Rameil! Anong problema mo?!" Nanghimasok na rin si Alfonso na tinulak pa sa balikat si Kuya Rameil na hindi man lang natitinag. Hindi nito pinansin ang pangingialam ni Alfonso at mas sinamaan pa ang titig doon sa lalaking labis kong kinatatakutan. Hindi ko siya maalala... wala akong kilala na kamukha niya. Kaya imposible talagang kilala rin ako nito. "Who are you?!" Duro nito sa lalaking nakasalampak pa rin doon. "T-teka," itinaas nito ang kamay at parang sinasangga kahit na wala pa namang ginagawa si Kuya Rameil. Lumingon pa itong muli sa akin, ilang segundo lang dahil tinakpan na ako ni Kuya Rameil. Natawa naman ang lalaking iyon na mas lalong ikinapiksi ni Kuya Rameil. Galit na galit. Samantalang hindi ko naman mapangalanan ang lahat ng negatibong nararamdaman ko ngayon. "T-teka lang, inutusan lang ako!" Depensa nito. Napasinghap ako at hindi makapaniwalang may gagawa noon. Para lang ano? Para siraan ako kay Kuya Rameil? May nakaalitan ba ako noon? O di kaya'y... "Yong Gelda... siya, siya ang nag-utos." Napanganga ako at hindi makapaniwalang yon ang totoo. Naikuyom ko ang kamay sa biglang pagsibol ng inis. Palalagpasin ko pa sana ang mga ipinagkakalat nitong boyfriend niya pa rin si Kuya Rameil... kaya lang, iba na ito. Pakiramdam ko nadungisan ako sa nangyari. Pakiramdam ko hindi lang iyon ang mangyayari. At hindi ko alam kung magiging ligtas ba ako noon. "What?" Pati yata si Kuya Rameil ay nagulat sa narinig. "Inutusan lang ako noon. Ewan... wala naman akong balak na masama. Mukhang mabait iyang girlfriend mo kaso gusto ko si Gelda. Kaya nagawa ko..." tumayo iyong lalaki habang nakatitig kay Kuya Rameil na mas lalong nag-igting. Galit iyan. Sigurado. At natatakot ako para sa galit na nararamdaman nito. Nanlalamig ako ngunit mas kailangan ng pampakalma ni Kuya Rameil. Galit ako. Kaya lang mas galit si Kuya Rameil. At hinawakan ko ito sa braso para lang kumalma. Iyon lang ang natatangi kong magagawa ngayon. "What?" Noon na rin napatanong si Alfonso na hindi yata makapaniwala sa narinig. "Sorry bro, bet ko iyong kinahuhumalingan mo eh. Noon. Hindi na ngayon." Sagot noong lalaki. Naririnig ko ang malalim at marahas na paghinga ni Kuya Rameil. Ilang minuto. Hanggang sa kumalma. Kaya napanatag ako. Na humuhupa na ito sa galit na nararamdaman. Lumapit ako at idinikit ang katawan sa braso nito. Para lang humanap ng kaluwalhatian. Kailangan naming kumalmang dalawa. Oo, kailangan iyon. Dahil pati ako ay nagalit. Hindi lang sa lalaking nasa harapan namin. Kundi kay Ate Gelda. Siya ang may pakana. Ganoon din ba sa mga inakala kong pictures at video noon. "f**k off, Bata. Yon na ang huli. Kapag inulit mo pa ay baka sa kung saan kita dalhin." Banta ni Kuya Rameil at tinulak muli ang lalaking parang papel lang na natumba ulit. Tahimik si Alfonso nang daanan namin ito. Hawak naman ni Kuya Rameil ang isa kong kamay. Kailangan naming umalis doon. "Galit ka pa rin ba?" Bulong ko rito nang dumikit ako sa kanya. Pumikit ito at muling dumilat. Naglalakad pa rin kami. At hindi ko alam kung saan. Walang direksyon. At wala akong ideya kung saan nga ba talaga. "Sinusubukan ko." Tumango ako. Sige. Hindi na ito galit. At sana matapos na 'to. At kailangan naming kausapin si Ate Gelda. Hindi maganda ang ginawa nito. Paano kung narape ako noon? Hindi niya na maibabalik kapag nangyari sa'kin yon. "Pakalmahin mo nga ako..." utos nito nang tumigil kami sa likod ng puno ng mangga'ng may bench na upuan. Paharap ito sa malawak na lupain. Na walang ibang pwedeng pamasyalan. Mabuti at maaga pa. Mabuti at kami lang ang taong nandito. Kaya... kaya hinalikan ko siya sa paraang alam ko. Naramdaman ko pa ang pagngiti niya bago lumalim ang halik na iyon. Matunog at basa. Labanan ng mga dila. At nakakaapoy ng kalamnan. Umagang-umaga pero umaalpas ang init ng aking katawan. At mukhang alam nito dahil humaplos na sa hita ko ang isa nitong kamay. Natapos kaming ganoon lang. Hindi kasi pwede. At wala kami sa Maynila. Hindi kami malayang gawin ang kung anumang nasa isipan. "Kakagigil." Halakhak nito bago dumampi ang labi nito sa sentido ko. Natawa na lang din ako. Kumakalma na nga siya. Alam ko. Kapag nagiging pilyo siguradong kumakalma na iyan. "Kakausapin ko si Gelda." Paalam nito sa akin. Napalingon ako at naghintay. Sasama ako. Kailangan kong malaman kung bakit nagawa nito iyon. Na alam ko namang dahil kay Kuya Rameil. Kaya lang gusto ko talagang marinig mula sa labi nito. At may isa pa akong gustong malaman... kung galing din ba sa kanya iyong mga pictures at video. "Sasama ako..." pinal na sabi ko rito na ikinangiti niya lang. Alas diez nang bumaba kami at magkahawak kamay na bumalik ng plaza. Kailangan na naming umuwi. At kailangan naming makiramdam kung nandito lang din ba si Ate Gelda. May ilang napapatitig sa amin. Paano ba naman kasi, iyong kamay ni Kuya Rameil halos ayaw bumitaw. Doon lang iyon. Mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. Alam din naman yata ng lahat at hindi na nagtanong pa. Saka. Ang mahalaga lang naman sa akin ay ang malaman din ng pamilya ko. "She's not here..." pinal na sabi ni Kuya Rameil. Sinubukan na rin naming dumaang sa bahay nito kaso halatang wala namang tao. Bumuntong hininga na lang ako at hinawakan sa braso si Kuya Rameil. Saka na lang siguro. Kung may pagkakataon. Umuwi na kami muna sa bahay dahil tanghali na naman at kailangan naming maghanda para sa pananghalian. Doon kami sa bahay. At tumulong din si Kuya Rameil sa paghahanda. Nakasilip nga si Mama at parang nanunukso. Samantalang namumula naman ako sa hiya. Si Papa nasa sentro at boundary. Mamaya pa iyon uuwi. Kaya kami lang ang nandito. Si Israel nga ay nasa sala at tahimik na naglalaro. Si Mama naglilinis naman at panay ang silip sa'min. Di ko tuloy alam kung kasali ba roon ang pagbabantay. "Material wife," bulong ni Kuya Rameil habang magkadikit kami sa sink. Ngumuso naman ako habang nakatitig sa kanya. Ngumisi naman ang huli. "Saka masarap sa kama..." bulong nito, sa mas mahinang boses. Na ikinatakot ko kasi baka sumakto at sumilip si Mama. "Oy, Kuya Rameil. Tumigil ka nga." Namumulang saway ko rito. Humalakhak naman ang huli. Na parang nakakatawa iyon samantalang kabado bente ako. Paano kung narinig iyon ni Mama? "Stop calling me, Kuya... Baby. Baka anong isipin ng ibang makakarinig." Saway nito. Ngumiti lang ako. Nakasanayan na kasi. Saka doon ako komportable. Pakiramdam ko secured ako kapag ganoon. "Minsan lang naman, nakasanayan ko na kasi." Bulong ko rito. Sumimangot ito. Natawa na lang din ako at naalala iyong mga nangyari... alam kong gustong-gusto nito. Lalo na kapag... ano... uhm. "G-gusto mo kaya iyon," bulong ko pa. Lumingon siya. Nagtataka sa sinabi ko. Pulang-pula naman ako. "L-lalo na kapag... ano, uhm, nagcum ka." Namilog din ang mga mata niya bago natawa. Pinisil niya tuloy ang bewang ko na ikinapiksi ko. "Bakit alam mo?" Tawa ito ng tawa. Pulang-pula naman ako at sumilip sa bulwagan. Baka kasi abutan kami ni Mama. Nakakahiyang marinig nito ang pinag-uusapan namin. "A-ano... ah, wag na lang natin pag-usapan!" Iling ko. Nahihiya na sa panunukso nito. Tawa naman siya ng tawa. Ilang segundo pa bago ito kumalma. "Haynaku, ewan ko ba, Baby." Iling nito. Humalik pang muli sa pisngi ko bago nag-usap ng ibang topikong hindi katulad noon. Dito na rin kumain sina Romana. Nagdala lang ng mga pagkain. Maliit lang talaga ang kusina namin kumpara sa kusina ng mga 'to. At tulad noon masayang nag-uusap ang mga matatanda. Tahimik pa rin si Romana. Ganoon na talaga ang personalidad nito. Hindi na mawawala. Kami naman ni Kuya Rameil ay sumisingit din minsan sa pinag-uusapan. Hanggang sa dumako iyon sa Tatay ni Kuya Rameil. Na sa totoo lang ay mailap din sa tao. Tulad ni Romana. Sa tuwing umuuwi ito ay minsan lang lumalabas. Si Ate Alexa ang higit na palakaibigan. "Uuwi ang mga yon sa bakasyon. E paano, napag-usapan naming mag-asawa na magbeach. Pwede kayong sumama, nabanggit ko si Kelsey, na girlfriend ni Rameil. Kaya inaaya na rin kayo." Napabaling ko rito. Gusto ko! Di dahil sa maganda ang paanyaya. Gusto ko lang kasi makilala pa ang Tatay ni Kuya Rameil at ganoon din si Ate Alexa. Kinabukasan maaga kaming nagising. Magsisimbang gabi dahil besperas na ng pasko. Mas maaga nga lang nagising si Kuya Rameil na binungaran ni Papa. Sumama rin si Nanay Minda, ganoon din si Romana at syempre si Mama. Maiiwan si Papa dahil magbabantay kay Israel. Laging ganoon ang nangyayari habang nagbabakasyon kami sa probinsya. Pag-umaga at wala naman kaong ginagawa ay madalas kong kabonding si Kuya Rameil. Hindi nga lang kami pumupuslit. Mahirap na. At mukhang nakakaintindi rin naman si Kuya Rameil at hindi namimilit. Bumawi na nga lang ito pagkatapos naming bumalik sa Maynila. Pagkatapos ng check up at ilang paalala ganoon din ang pills ay talagang sinulit nito ang mga araw na wala pang pasukan. Nakakapuslit kami. Lalo na at abala rin si Romana. Na mukhang at sigurado akong hindi nakakapansin. Yong dummy account naman, panay ang send ng kung ano-ano sa’min. Talagang desidido na paghiwalayin kami ni Kuya Rameil. Na kapag ganoon ay ipinapakita ko na kay Kuya Rameil. Gusto ko rin kasing malaman. “All those are old photos.” Kunot noong sabi nito, tumitig pa sa akin na para bang binabasa ako, “Magseselos ka ba?” Lunok nito. Kabado. Ngumiti ako at umiling. Past na. Hindi naman siguro kailangang pagselosan pa iyon. Tapos na. At wala pa ako noon. “Good, papatunayan ko naman.” Haynaku. Sinasabi ko na nga ba. Di na ako nagulat kung nandito na naman kami sa ibabaw ng kama. Tinotoo iyong unli na sinabi nito. Palibhasa kasi hindi na ito natatakot na baka mabuntis ako. Ganoon din ako. Nang nagbakasyon ay umuwi rin kami kaagad. Dahil uuwi ang Tatay ni Kuya Rameil pati ang kapatid nitong babae. Galak na galak nga si Ate Alexa at yumakap pa sa akin. Natutuwa siguro. “Finally! Finally! Gosh, mabuti tumino ka na Rameil.” Naniningkit ang mga matang tumitig ito kay Kuya Rameil na natawa na lang. Hindi pa nga kami nakakapagpahinga ay kinabukasan umalis na kami roon para mag island hopping. Nagdala lang ako ng ilang sleeveless at swimsuit. Iyong sakto lang kaso mukhang may balak na iba si Ate Alexa na ngising-ngisi na ipinakita sa akin itong string na two piece. Sa tuwing ngumingisi nga ito ay naaalala ko si Kuya Rameil. Magkamukhang-kamukha. Mas higit na magkamukha ang dalawang ‘to kesa kay Romana. Nagmana sa Tatay. Napilitan akong magsuot at namamalikmatang nagpabalik-balik ang mga mata ni Kuya Rameil sa’kin. Tawang-tawa naman si Ate Alexa. “Aysus... ang mga mata, Rameil.” Natawa na lang din si Kuya Rameil. Akala mo naman... ano... hindi ako nakikitang nakahubad. Tss... Tuwang-tuwa si Israel. First time nitong makapagdagat kaya ganoon. Mabuti at hindi gaanong mainit. Saka nakakapag-enjoy kami. “Kailan ba ang kasal?” Biglang tanong ng Tatay nito pagkatapos naming magpahinga sa nirentahan naming cottage. Umiinom ito ng tubig. Ganoon din si Papa. Kaya nabilaukan. Natawa tuloy si Nanay Minda. Kanda ngiwi naman si Mama. “Naku, anong kasal? Pagkagraduate ni Kelsey. Makakapaghintay naman itong binata natin.” Tukso nito. Napakamot batok naman si Kuya Rameil. Ako? Hiyang-hiya. “Bakit pa patatagalin? Pwede namang magpakasal na?” Pilit nito. Namimilog naman ang mga mata ko. Si Mama pulang-pula. Si Papa mula sa pagkakagulat ay natawa na lang din. “Gagraduate pa itong anak ko.” Akbay nito sa Tatay ni Kuya Rameil. Bahagyang ngumiti ito. Saka tumitig sa akin. Para naman akong nauupos na kandila. “Gusto ko ‘tong anak mo para sa anak ko. Hindi iyong mga babae nitong pinangangalandakan noon. At bakit pa nga ba patatagalin?” Humalakhak naman si Kuya Rameil. “Pa, kaya ko nang buhayin. Kaya lang, may pangarap pa kasi ‘to. Kailangang siya ang masunod.” Nasamid naman si Romana. Na ikinalingon naming lahat. Ngumiti ito bago umiwas na namumula. Napangiti tuloy ako at minsan lang naman talaga nagpapakita ng reaksyon ‘to lalo na kapag maraming tao. “E di sige,” ngumiti na lang din ito. Hindi na nagpumilit. Ngunit panay ang tanong kay Papa na sinusuklian na lang din ng tawa mula rito. Tatlong araw kaming nandoon. Sinulit na lang naming mag-anak. Saka minsan lang naman. Doon ko rin nakilala nang mabuti ang Tatay ni Kuya Rameil. Masyado lang itong introvert kaya hindi gaanong nakikipagkaibigan. Parang si Romana. Pero mabait. Sobrang maalaga. Kaya nagtataka ako kung saan namana ni Kuya Rameil ang pagiging mahilig nito sa babae. Nang umuwi, nagulat ako nang nakatitigan si Ate Gelda. Naglalakad ito papunta sa kung saan. At dahil abala si Kuya Rameil sa pagbaba ng mga gamit kasama sina Papa at Tito ay hindi kaagad nito napansin ang sadya namin simula pa noong pasko. Bago pa man ito nakaalis ay hinila ko ang braso nito. Gusto pa sanang pumiglas kaya lang saktong sumilip si Kuya Rameil at nacorner namin ito. “We’ll just talk,” mahinahong sabat nito at hinila kami paalis sa lugar na yon. Kung titingnan para bang normal na magkasamang naglalakad lang kami roon. Kaya lang, nag-uumpisa nang magtanong si Kuya Rameil. At ako ang mamaya. “S-sorry,” nanginginig na paumanhin nito. Hindi makapagpokus sa pagtitig sa’min. Halatang nakokonsensya sa ginawa. “Sorry talaga!” Yumuko pa ito nang tumigil kami. Nagpipigil naman si Kuya Rameil. Ako nama’y kahit ayaw ko e pilit ko siyang iniintindi. Pinakakalma ko naman si Kuya Rameil sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito. Nahuli iyon ni Ate Gelda na napapikit ng mariin. “Pati doon sa mga photos, sorry... pangako. Hindi na mauulit.” Tumango ako. Magsasalita pa sana si Kuya Rameil ngunit pinigilan nito ang sarili lalo na noong nasilip nitong kalmado akong napatango. “I will make it slid this time, Gelda. Pero pag inulit mo pa... hindi ko na alam.” Mabilis na tumango-tango si Gelda at hindi na muling nagsalita. Iniwan namin ito. Nakahawak pa rin ako sa braso ni Kuya Rameil. Ayaw kong bitawan hangga’t sa hindi pa ito kumakalma. “Alam mo naman kung ano ang nagpapakalma sa’kin, Baby...” bulong nito. Sumimangot ako na tinawanan lang nito. Naging mantra na kasi na kapag nandito kami sa probinsya ay bawal magtabi matulog. Kahit walang sinasabi, parang alam naman naming pareho na iyon ang tamang gawin. Bumalik din kami kalaunan. Kailangan kasi ng early enrollment ngayon dahil hectic ang sched lalo na para kay Romana. Ni hindi man lang kami nagtagal ng isang buwan sa probinsya. Saka tama lang din dahil kailangan ng bumalik ni Kuya Rameil sa trabaho. At tuwing pasko at bakasyon lang kami nakakauwi. Mas madalas talaga ay nasa Maynila kami. Tumigil na rin ako sa pagtatrabaho. Ayon sa gusto ni Kuya Rameil. Hindi na rin kasi nagkakatagpo ang mga schedule namin dahil sa dami ng ginagawa. Pati ang trabaho nito ay hindi na tulad dati na maaga itong nakakauwi at nakakapagbonding pa kung gabi. Kaya siguro... pwede na. Kasi namimiss ko rin naman siya. “Malapit ka nang gumraduate, Baby.” Bulong nito habang nakaunan ako sa braso nito. Ngumiti ako saka sumiksik sa kanya. Rinig na rinig ko pa rin ang lakas ng t***k ng puso nito tulad nang unang napansin ko noon. Ang init-init niya. Tulad ng gabing malamig... gusto ko nito. Iyong nakayakap at nakatago lang ako sa kanya. “Tatlong araw na lang.” sabi ko rito habang nakasiksik. Natawa lang ito nang naramdamang mas lalo akong dumidikit. “Gusto mo nang regalo?” Tumingala ako sa kanya bago ngumingiting tumango. “Stop using pills, Baby... magreregalo ako sa’yo.” Sumimangot ako na lalo niyang ikinatawa. Nawala sa isipan ko iyong regalong sinabi nito. Basta ang nakakagalak sa mangyayari ay gagraduate na ako. Nakapagbook na rin kami ng flight para kina Mama’t Papa. Syempre matik ng makakasama si Nanay Minda. Pati nga si Tito at Ate Alexa ay dadalo. Gusto lang nilang makicelebrate. Pagkatapos ng graduation ay maghahanda lang kami sa condo ni Kuya Rameil. Ganoon din kasi at magka-College na si Romana. Dalagang-dalaga na. Mas matangkad pa nga sa akin. Kutis porselana. At mahiyain pa rin. Marami ngang nagpapalipad papel rito kaya lang masyadong strikto ang Kuya at hindi malapit-lapitan. Palibhasa kasi alam nito kung ano ang galawan ng mga kabarong katulad niya. “Congratulations, anak.” Tuwang bati sa akin ni Nanay Minda at humalik pa bago nag-abot ng regalo. Ngumiti ako habang inaayos ang dress. Nagkaroon din ng kaonting picture taking kasama ang buong pamilya. Pati nga si Israel nag-abot din ng regalo sa akin. Tuwang-tuwa kasi maraming tao ngayon. Limang araw din sila sa Maynila. Ipinasyal namin sa malapit bago sabay-sabay na umuwi. Sumama rin si Romana dahil gusto yatang magpahinga. Naiwan kami ni Kuya Rameil dahil sabi nito may open slot sa airlines nito at pwede na ako agad mag-apply. Kailangang maaga dahil may training pang gagawin. “Hmm?” Gigil na kagat nito sa braso ko. Ngumuso ako at itinupi ang mga damit namin. Kaso paano pa nga ba kung nandito na ako sa ibabaw ng mga damit at nakapaibabaw rin si Kuya Rameil. Solong-solo namin ang condo... kaya, siguro... walang inhibitions. Nasasanay na rin ako sa kamanyakan ni Kuya Rameil. Kaya... sige... gusto ko rin naman. Masyado kasing mainit ngayon. Nagbabaga yata ang balat ko sa pangingilabot. Ewan ba... “I love you, Baby. Let’s get married...” bulong nito pagkatapos na matalsikan ako dahil sa kapilyuhan niya. Bakit naman kasi kung ano-ano ang pinaggagawa kaya nagkalat tuloy. Kailangan kong labhan ulit itong mga damit na hinihigaan ko. Malay ko ba kung saan napunta ang iba. “Let’s get married...” ulit nito. Nakatitig ng malalim sa akin. Ngumiti ako. At nang tumango ay hubad na tumakbo ito sa sariling silid. Kaya nangunot ang noo ko at nagulat na sa pagbalik niya ay lumuhod na sa tabi ng sofa at inabot ang kamay ko. “Apat na taon na itong nakatago sa’kin. Dapat nang soutin.” Umiling ako nagpipigil pa rin ng ngiti. “Mahal na mahal din kita, Rameil...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD