29

2011 Words
Uuwi kami ng pasko. Kaya tuwang-tuwa ako dahil makakasama ko na ulit sina Mama’t Papa pati si Israel. Ilang buwan din bago yon. Kaya lang masama ang pagkakatitig ko kay Kuya Rameil na ngising-ngisi habang tinutulungan si Romana na mag-ayos ng mga gamit. Bakit kasi... hindi nito maintindihan na kailangan ko ring gumastos para sa sarili. “Ako na, bawi ka na lang sa susunod.” Bulong nito bago hinalikan ang sentido ko. Ngumuso ako at inayos ang mga gamit. Ilang araw lang kaming makakauwi at babalik din kaagad dito. May pasok pa kasi ako eh ganoon din si Romana. “Hm, naiinip na ako Baby Kelsey...” bulong nito habang nilalaro ang pagitan ng mga daliri ko. Na para bang yon na lang ang mapaglilibangan niya habang nanonood kami ng tv. Bukas na ang flight kaya hindi ako makatulog. Sapat na ang dalawang Linggo para makasama ko sina Mama’t Papa. Pagkatapos niyan ay babalik na kami rito para asikasuhin naman ang schooling. “Gawa na kaya tayo?” Tawa nito. Siniko ko nga! At kung ano-anong biro ang sinasabi. “Kailangan ko pang magtapos... wag kang makulit.” Saway ko rito. Na tinawanan niya lang at hinilig pa lalo ang ulo sa balikat ko. “I love you...” bulong nito. Suminghap ako at napatitig sa kanya na nakapikit ang mga mata at parang natutulog. Tama ba ang narinig ko? Imposible. Sa ilang buwang pagsasama namin e hindi ko pa kahit na kailan na narinig itong magsabi noon. Kaya siguro guni-guni ko lang iyon. Naghalo panigurado ang tunog mula sa pinapanood kong palabas. Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi na rin nakapagluto ng kakainin sana dahil nagmamadali na rin kami. Nagcheck na lang kami ng mga saksakan at ini-off ang kuryente rito sa condo saka kami bumaba at saktong nandoon na rin pala ang kaibigan nito at naghihintay sa’min. Ito ang maghahatid papuntang airport. Ilang oras lang ay nakalapag na rin kami. Iba ang pakiramdam, para akong nakakahinga. Iba nga talaga kapag sarili mong lugar. Nakakamiss. At uwing-uwi na ako. Kaya noong nakita ko si Mama at Papa ay binigyan ko na kaagad nang mahigpit na yakap. Pinugpog ko nang halik si Israel na nairita yata. Nagsalo-salo lang kami sa bahay nina Nanay Minda. May mga pagkain na pala doon. Ang ilan galing kina Mama at ang iba luto ni Nanay Minda. Kaya ganado ako habang nagkukuwento sa buhay ko roon sa Maynila. “Nakakahiya naman...” iling ni Mama habang nag-aabot ng sobre kay Kuya Rameil na umiling at pilit na binabalik ito sa Mama ko. “Okay na po, Tita. Saka ipinagluluto naman kami ni Kelsey kaya bawing-bawi na po.” Gagap nito sa kamay ko mula sa ibaba. Tinapik ko nga dahil baka may makahalata. Ala una nang nakapagpahinga na kami. Alas tres nang nagising ako at nagpaalam kina Mama’t Papa na pupuntahan lang si Fiona. Itinext ko na itong magkikita kami sa plaza. Miss ko na ang kaibigang yon. “Oh syet ka, Kelsey!” Tawang-tawa na tawag nito bago niyakap ako ng mahigpit. “Hoy! Anong meron sa Maynila at bakit para kang naghuhugis dalaga?” Panay ang pisil nito sa bewang ko. Umiling ako at natatawa na lang din. Ayaw ko namang sabihin na nag-eexercise kami ni Kuya Rameil sa tuwing nakakauwi ito. Baka masubunutan ako. “Yeee, kayo na no?” Biglang tanong nito pagkatapos na magdesisyon kaming maglakad-lakad papuntang kainan. Ililibre ko kasi minsan lang naman. “H-ha?” Nagulat ako sa tanong nito. “Usap-usapan na kayang kayo na.” Ngisi pa nitong lalo. Nag-init naman ang pisngi ko. May nakapagsabi ba? May nakapansin? Okay lang naman kahit malaman ng lahat. Walang problema. Hindi lang ako sanay na tinutukso. “Matagal na eh,” kamot batok na sabi ko rito. Kinilig naman ito at tinulak ang balikat ko. “Mamamatay-matay sa inggit si Ate Gelda. Ipinagkakalat ba namang sila pa rin ni Kuya Rameil.” Bulong nito na siyang ikinalingon ko. Hindi ko alam. At walang nakakapagsabi na may ganitong nangyayari rito. Dapat siguro tanungin ko si Kuya Rameil tungkol dito. Baka alam niya. Nagkita na sila noon ni Ate Gelda at di malayong baka may alam ito. Ilang oras din kaming nag-uusap ni Fiona. Tinatanong ako nito ng kung ano-anong bagay. At ako bilang kaibigan din ay nagtatanong din rito kung kumusta ang pag-aaral. Nabanggit ko nga rin ang tungkol kay Nadia na ikinatuwa niya dahil iyon talaga ang ipinag-alala niyang baka hindi ako makahanap ng kaibigan. “Ihahatid na kita.” Alok ko rito. Tumango ito kaya lumipat kami ng madadaanan. Iyong daanan na pauwi sa kanila at nang sa amin. Pagkarating sa tapat ng bahay nina Nanay Minda ay nandoon si Kuya Rameil at nakalaylay ang braso sa butas ng gate. Tawang-tawa tuloy ako dahil mukha siyang priso. “Okay ka lang?” Tawang-tawa pa rin ako habang nakatayo sa tapat ng gate. Ngumuso ito. Nawala ang ngisi ko at napatitig sa palibot bago lumapit saka dinampian ang labi nito. “Di ako sanay na hindi tayo magkasama sa iisang bubong.” Sumbong nito. Ngumiti ako at naupo sa ibaba. Sumunod naman ito at lumabas saka naupo sa tabi ko. Ni hindi man lang nag-aalala na ipinagdaop ang mga palad namin saka inabot ang likod para mahalikan. “Yon ang huling mag-aaway tayo sa maling akala, ah?” Bulong nito. Napatitig ako sa kanya na seryoso pala sa sinabi. Tumango ako at humilig sa kanya. Hinaplos niya naman ang mukha ko na ipinagtataka ko kasi hindi niya naman madalas gawin iyon. “Mahal na mahal kita, Baby Kelsey.” Napasinghap ako at dumiin pa lalo ang titig sa mga mata nito na seryoso nga talaga sa sinabi. Hindi lang guni-guni iyon. At totoong sinabi niya. Na hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin. “Let’s tell your parents about us...” sabi niya bigla. Nakagat ko ang pang-ibabang labi bago tumango. Ngumiti naman siya kaya kinagabihan di na ako nagulat kung nasa iisang hapag lang kaming lahat. Abala sa kinakain si Romana samantalang kabado akong nakahawak nang mahigpit sa kamay ni Kuya Rameil na nasa ibaba ng mesa. Alam kong pwedeng anytime ay bigla nitong sabihin ang relasyon namin. O ngayon na... “Sorry Tita at Tito, girlfriend ko na po si Kelsey...” itinaas nito ang magkahawak naming kamay na ikinalaki ng mga mata ko. Nagkatinginan sina Mama’t Papa na pareho yatang humahagilap ng sasabihin. Halata nga lang na para bang hindi na sila nabigla na ipinagtataka ko rin. “May ideya na kami kaso gusto naming kumpirmahin mula sa inyo,” biglang sabi ni Papa. Napalunok ako sa kaba. May ideya sila. Nakakaramdam silang ganoon ang nangyayari. “Kaya lang, kaya mo bang maghintay, Rameil iho? Gagraduate pa si Kelsey.” Kunot noong sabi pa nito. Mas lalo akong napalunok. Kasi sa totoo lang, nakokonsensya akong may pagdadalawang isip lalo na kung gagraduate nga ba ako ng nasa wastong taon o tulad ng sinabi ni Kuya na gusto niya akong bu— “Opo, kaya ko po. Tito, nangangako naman akong patatapusin ko muna si Kelsey.” Ngiting-ngiti si Kuya Rameil. Naitikom ko naman ang bibig at napatitig sa kanyang seryoso sa sinabi. Biro-biro lang pala ang panunukso nito sa akin noon sa tuwing naaabutan kami ng init. At napatunayan ko ngayon. Gagraduate ako. Sigurado. Tulad ng pangako ni Kuya Rameil at tulad ng pagpupursige ko. Kailangan kong gumraduate at nahihiya na ko kina Papa’t Mama na habang nandoon ako sa Maynila ay iba pala ang inaatupag ko. Lumabas din kami kalaunan ni Kuya Rameil pagkatapos ng iba pang masinsinang pag-uusap. Pinaalalahanan din kami ni Nanay Minda at parang nahihimigan ko iyong pagdududa sa boses nito. At kabado ako roon. Konsensyang-konsensya na tinatawanan lang naman ni Kuya Rameil. “I know what I am doing, Kelsey. Hindi ka naman mabubuntis niyan.” “Kahit na,” sabi ko rito. Ngumisi lang ito at tumitig sa daanan. Nakaupo kami roon sa isang puno at tinitingnan ang dilim ng gabi pati ang mga bituin sa kalangitan. “Alright! And if that will make you secured, sige... pag-uwi natin pacheck tayo sa OB. Magpipills ka.” Tumango ako. Okay na iyon. Ilang taon pa ang bubunuin ko at hindi ako sigurado kung hanggang kailan matitiis ni Kuya Rameil. Ayaw ko mang pangunahan pero pakiramdam ko ay yon ang mangyayari. Mas mabuting alam ko ang unang gagawin. “Tapos, unli...” taas-babang kilay na tukso nito. Suminghap ako at siniko siya. Mabuti at hindi masyadong nadadaanan dito kaya walang makakarinig. Saka... oo nga naman, unli nang hindi natatakot. Bumuntong hininga ito kaya nagtaka ako at napatitig sa kanya. Na parang malalim ang iniisip. At nag-alala ako. Na hindi naman pala dapat. “Hindi ako nakascore kagabi... I’m feeling horny right now, Baby.” Siniko ko nga ulit na ikinatawa niya lang saka dinampian iyong leeg ko. Na ikinakilabot ko naman at napatitig sa dulong bahagi kung saan tanaw ang ilaw ng bahay nina Kuya Rameil. “Pakasal agad tayo pagkagraduate mo.” Ito ang sinabi nito pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. Suminghap ako at napatitig muli sa kanya na seryoso sa sinabi. Matagal pa naman pero pakiramdam ko kakaumpisa pa lang ng buhay ko niyan. Hindi pa ako makakabawi kina Mama’t Papa. At may kapatid pa akong papag-aralin. “Let’s build a house to be our family’s home. Tapos bubuo tao ng pamilya. Gusto mo ng madami?” Tanong nito. Lumunok ako at humilig pang lalo sa balikat niya. Ayaw ko namang madisappoint ‘to kaso... kailan ko pa ba sasabihin? Kung kailan malapit na? “Pwedeng kahit tatlong taon pa pagkatapos kong gumraduate? Kailangan ko lang bumawi kina Mama’t Papa.” Bulong ko rito. Natahimik ito, para bang nag-iisip. Ramdam ko namang hindi niya ito gaanong ikinasama ng loob. Hindi siya mukhang tense at parang nag-iisip lang ng malalim. “Tutulungan kita, pwede naman iyon. Habang bumubuo rin tayo ng atin.” Napatingala ako sa kanya na malumanay ang ngiti sa akin. Kahit papa’no napapanatag ako. Pwede naman kaso ayaw kong iatang sa kanya ang mga pangarap ko. Na hindi niya naman responsibilidad. “A-ako...” “Shh, pangako tutulungan kita. Just be my wife then when that time comes.” Iba nga yata talaga kung magmahal si Kuya Rameil. Ramdam ko ang pagiging totoo niya sa salita. Minsan naiisip ko kung ganito rin ba ito sa mga exes nito. Hindi ko kasi alam kung paanong mahalin ng isang lalaki. Hindi pa naman ako nagkakaboyfriend maliban kay Kuya Rameil. “Uwi na tayo,” aya ko rito nang napansing masyado nang malalim ang gabi. Baka magtaka na sina Mama’t Papa. At ayaw ko namang abusuhin ang binigay nilang tiwala. “Goodnight, Kelsey.” Paalam nito pagkatapos na tumapat kaming pareho sa bahay. Ngumiti ako at tumango. Dahil gabi na ay mabilis din akong nakatulog at maaga ring nagising kinaumagahan. At maaga pa lang nandoon na si Kuya Rameil. Nag-aaya raw. “Magluluto pa ako, dito ka na kumain.” Aya ko rito. Kaso sabi niya maaga ring nagising si Nanay Minda at kumain na siya ng almusal. Sinabi ko na lang na hintayin niya ako at mabilis lang naman saka kami aalis papuntang plaza para roon manood ng mga batang maglalaro. Hinalikan ko lang si Israel pagkatapos kong maligo at mag-ayos. Kumain din ako bago umalis. Nilakad lang namin ang plaza dahil malapit lang naman talaga. Maagang-maaga pa kaya puro mga pet lovers ang nandoon. Nilalakad ang mga alaga nila. Samantalang naupo naman kami ni Kuya Rameil sa Bench habang pinapakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin. “Iba talaga dito.” Himig nito. Tumango ako at sumang-ayon. Iba talaga rito. Malamig ang simoy ng hangin at masarap sa pakiramdam na langhapin iyon. “Kels?” Tawag ng kung sino. At nang lingunin naming pareho ay si Alfonso pala. Mukhang galing sa gym at pawis na pawi. Nagbasketball panigurado. Kaso hindi iyon ang ikinagulat ko kundi ang kasama nito. Pamilyar na pamilyar. Siya yon! Siya yong kasama ko noon sa video! Nakaramdam ako ng inis at gusto sanang manugod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD