7 (Romana)

1725 Words
Tama ba iyon? Tama ba ang nakikita ng mga mata ko? Pero bakit at paanong sumisilip iyon? Namumutlang napalunok ako at inangat ang mga mata, nakita ko ngang nakatitig pala sa akin si Nicko. Dahilan para mapalitan nang pag-iinit ng pisngi itong namumutla kong nararamdaman. Ngumiti ako kahit mukhang ngiwi iyon, halata nga yata ako masyado dahil titig na titig pa rin sa akin si Nicko. Naibaba ko na lang tuloy ang mga mata at agad na namulagat noong nakitang kinapa niya iyong itaas at pilit na tinatago. Nickooo? Anong ginagawa mo? “Bihis lang ako,” Nanubig ang loob ng bibig ko dahil kabado at hindi maproseso ang paglunok. Lalo na nang binitawan ni Nicko itong kamay ko at umalis siya roon. Mukhang problemado nga ito at uugod-ugod ang kilos. Parang matandang lugi. Nakagat ko tuloy ang labi at napasandal sa sofa habang bumibilis ang paghinga, kabado at nahihiya. Bakit ko naman kasi paulit-ulit na tinititigan iyon? Baka di naman sadya, o baka naman di magkasya, kaya umusli. Napasapo na lang ako sa sariling pisngi na mainit na mainit ngayon, parang pandesal na bagong luto, tapos ito pa... pabalik-balik din sa isipan ko iyong makinang niyang ulo. Actually, ang cute pala noon sa personal. Parang laruan na makintab. Ngunit natigilan din ako sa iniisip, para akong... manyak. Naman, di ako ganito! Natigilan lang ako sa pag-iisip nang bumalik na si Nicko at nakajersey short na ito. Kaso namumukol din naman. Suminghap ako at umiwas, tapos kunwari ay nagbibilang ng mga stars na nandoon sa kisame, imaginary stars. Kasi wala naman talagang nakadikit doon. Si Nicko ay bumalik naman sa tabi ko, hinuli ulit ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. Gusto ko siyang matitigan pero nauunahan ako nang kasalanan at hiya, kaya mananatili akong nakatingala hanggang sa matapos o humupa itong nararamdaman ko. Pansin ko, kahit hindi naman dapat pagtuunan nang pansin iyon, ay mahilig maglaro si Nicko sa alinmang daliri ko. Pipisilin, hahaplusin tapos pabirong kukurutin. Ganon ang mga estilo niya. “Bilang manliligaw mo, Ro.” Putol nito sa iniisip ko. Nakasandal ang ulo ko sa itaas ng sofa nang lumingon sa gilid para matitigan si Nicko na malalim at seryoso pala ang titig sa akin. Nag-init naman ang pisngi ko. “Di ka ba magtatanong sa naging buhay ko noon? Sa naging trabaho ko? Sa mga naging karelasyon ko?” Lumunok ako, pwede naman... pero kasi, di ko masyadong iniisip iyon dahil ang mahalaga lang naman sa akin ngayon ay ang ngayon. “Okay lang, kahit wag na, Nick. Kilala naman kita, di kita madedefine dahil lang malalaman ko ang nakaraan mo. Kilala naman kita at yon ang mahalaga.” Unti-unti itong ngumingiti, “Still, gusto ko pa ring malaman mo.” Ngumuso ako, natigilan ito sa pagngiti at napaiwas. Ba’t kaya? “May naging tatlong seryosong girlfriend ako, Ro. Isa noong highschool, isa ng College, at isa noong nagbarko na ako.” Napakurap ako at umayos nang upo para matitigan ko siya nang maayos. “Nagbarko ka?” Wow, akala ko ganito na talaga ang trabaho niya. Pero pwede namang cook siya roon, masarap itong magluto kaya sigurado marami ang magiging interesado. “Apat na taon, nagbarko ako... seaman, totoong seaman.” Napaawang na nga ang labi ko at lumapit pa sa kanya. Gusto kong malaman iyon. Ang galing, ni hindi ko naisip na ganoon pala ang trabaho ni Nicko noon. “Galing naman, bakit tinigil mo?” Nagtatakang tanong ko. “Hindi ko na kinaya ang homesick, mas importante sa’kin ang pamilya ko kaya tumigil na ako. Marami naman akong kayang gawin kaya alam kong masusuportahan ko pa rin sila. Saka, that time, naging malabo kami noong huling girlfriend ko kaya napilitan din akong bumaba.” Tumango ako at nakipagtitigan sa kanya. “Pwede bang... pwede bang, uh.” Napailing-iling ako sa iniisip. Ngumiti ito tapos parang batang hinaplos nito ang ulo ko. Parang sinasabi na okay lang, na pwede kong sabihin kung anuman itong iniisip ko. “Ah, magagalit ka sigurado.” Halakhak ko. Nawala ang ngiti nito at naging seryoso, namutla naman ako sa transition ng reaksyon nito. “You aren’t going to watch another pōrn movie, right?” Napanganga ako at mabilis na umakyat ang dugo. “Hindi!” Sinapak ko nga ito sa braso. Pagkatapos niyang makahinga ay tumawa na ito. Ngumuso naman ako at hinaplos itong mabalbas niyang panga. Tumigil siya at napatitig na sa akin. “Gusto mo na ba ako?” Wow! Ang straight nang pagkakatanong! Ni walang kagatol-gatol at walang pag-aalangan. Nag-iinit na ulit ang pisngi ko. Medyo nawawala sa isipan ko iyong plano ko sana. “I... I think, I’m interested to you.” Lumawak ang ngiti nito tapos ay hinuli niya itong kamay ko at dinala sa labi niya para mahalikan. Kaso napapaso ko namang binawi iyon kaagad. Natawa lang ito at pilit na inaabot ulit ang kamay ko para panatilihin sa pisngi nito. “Masyado nga yata akong mabilis, masaya lang ako Ro. Na kahit papa’no interesado ka na sa akin. Di mo alam kung anong dulot noon sa puso kong naghintay nang matagal.” Pakiramdam ko ay pinapapak ng mga langgam itong pisngi ko. Mainit na parang nangangati. “Ganyan ka rin ba sa mga naging exes mo?” “Ah, seryoso rin naman ako sa kanila. Pero pakiramdam ko ito na ang pinakamalalim na pagkakagusto ko sa isang babae. Noon, pag ayaw ng babae sa akin ako na ang nagkukusang umiwas. Pero ikaw, sa’yo ko lang naranasan iyong napakaraming rejection. At heto, bumabalik pa rin ako sa’yo.” Napaiwas ako. Grabi naman kasi itong si Nicko, masyadong malalim magsalita. Kaya itong puso ko nagsisirko sa loob ng dibdib ko. Parang natuwa pa yata at parang bata na nagtatalon. “Ano... gusto mo bang, uh...” napaiwas pa ako lalo. Tapos hinuli ni Nicko ang pisngi ko. Napilitan akong makipagtitigan sa kanya, pulang-pula pa rin ang pisngi. “Ano yon, Ro?” Lumunok ako, wala pa naman akong nagugustuhang ibang lalaki. O iyong umagaw talaga sa atensyon ko. Saka komportable rin kasi talaga ako kay Nicko kaya... hindi naman na ako bata, kaya... “Sagutin na kita?” Lakas loob na tanong ko. Namimilog naman ang mga mata nito, at unti-unti ring bumalik iyon sa normal. Ngumiti siya at mabilis na tumango. Napatango rin ako. Sakto para hilahin ako ni Nicko at mabilis na niyakap. Sa laki niyang tao, nagmukha lang akong laruan na naiipit sa gitna. Ang lakas at ang bigat ng braso niya. Tapos... ang bango nito. “I’ll set a rule,” biglang singit nito pagkatapos niya akong niyakap. Kumunot ang noo ko. May patakaran pa? Bakit? “I want you clean and pure until our wedding night.” Sabi nito. Namimilog naman ang mga mata ko at nalaglag ang panga. What?! Teka lang, bakit biglang ganito? “Girlfriend na kita, Ro. At pwede kong sabihin sa’yo nang diretsahan ang mga napapansin ko. Pasensya na, medyo may pagka-istrikto ako at alam ko lahat nang nangyayari sa’yo. Di ko pwedeng gawin ang ginawa ko sa mga girlfriend ko noon. You are too young to do that. At hindi ka lang bastang girlfriend ko. Malaki ang respeto ko sa’yo.” “Ha?” Mulagat ako. Umiling ito, nakangiti, “Sa susunod, ipapaliwanag ko nang maayos. Sa ngayon, sa sobrang saya ko e baka buong araw lang tayong nakaupo rito. Kaya kailangan kong kumalma.” “T-teka lang Nicko! Nakakainis ka, wag kang ganyan.” Mahinang sabi ko. “Iyon lang ang hinihingi ko, Ro. We can do necking and petting, pero bawal lumagpas doon.” “Ha? Anong necking and petting?” Ngumiti ito, “Nicko! Anong necking at petting?” Wala pang nag-iisang oras ang relasyon namin ay marami nang rules. “Cuddle, romansa pero walang sèxual intercourse.” Simpleng sabi nito na sobrang ikinainit ng pisngi ko. “Nicko! Iniisip mo bang sinagot kita dahil do’n?” Siya na naman ang napakamot batok at alam ko nahiya rin ito sa iniisip. “Nitong mga nakaraang araw, Ro. Pansin ko ang pagbabago sa’yo. Ang bilis mong mamula at minsan tulala ka pa. Sigurado ako iniisip mo iyong mga porno ko diyan—“ turo nito sa ibaba, “— hindi—“ “— Kaya kahit nagdadalawang isip ako sa pagsagot mo sa akin ay sige lang, tatanggapin ko pa rin. Dahil ito naman talaga ang pangarap ko sa’ting dalawa. Kaya okay lang, kahit hindi ako sigurado sa nararamdaman mo. But please, no penetration until marriage.” “Nicko!” Nagtataas-baba ang dibdib ko sa sobrang intense ng paghinga ko. “Romana, para sa’yo rin naman ito.” Sabi pa niya. “But Nicko...” nakangiwing sabi ko. “Masarap din naman iyong hihimurin kita diyan sa pu— diyan sa ibaba,” ibinaba nito ang mga mata. Namilog naman ang mga mata ko at mabilis na namula. Tama ba ang pagkakarinig ko? “Ang bastos mo,” unang araw pa lang ha, wala pang isang oras. “Kulang sa kumbinse, Ro.” Pilyong ngiti nito. “Ang bastos mo!” “Kulang pa rin.” “Nicko!” Naiiyak na nagpapadyak ako sa inis doon. Nicko naman! Sinasadya niya yatang inisin ako lalo. Naiiyak nga ako dahil hindi naman ako sanay sa ginaganito. Si Kuya Rameil pag alam niyang masama ang loob ko e nilalambing naman ako, si Papa ganoon rin.. lalo na si Ate Kelsey. Tapos ito si Nicko, iniinis pa ako lalo. “Pwede kitang romansahin pero bawal ang lumagpas doon.” “Nicko...” nanghihinang suko ko na. Tumawa lang ito, “Ayaw mo pala noon, mabuti... ganyan dapat Ro. Hindi iyong makamundong bagay ang pinapangarap mo. Alam mo mali iyon e. Kaya dapat mainis ka kapag binabastos kita. Tama lang ang reaksyon mo.” Buang na! Tinest lang pala ako? “Nakakainis ka, para akong masusunog sa inis at hiya.” “I’m sorry,” panlalambing nito tapos hinalikan itong pisngi ko. “Hindi naman ako ganoon, sinubukan lang kita. But I’m serious when I said that I want you pure and clean until the wedding night. Kaya natin iyon, ikaw pa.” Sumimangot ako. Tinawanan lang ako tapos niyakap ulit. Halata ang tuwa. “Iyong putol na sinabi ko kanina... gusto kong ishave iyang balbas mo. At wala kang magagawa roon.” Bulong ko. Tumawa lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD