Pansin ko parang gusto na akong kausapin ni Nicko pero siguro nag-aalangan ito dahil sa nakita kanina. Hiyang-hiya pa rin ako at hindi makapagsalita ng kahit ano.
Ano na naman ang sasabihin ko? Na pasensya at pinakialaman ko iyong pōrn collection mo at hindi ko natiis kaya pinanood ko?
Argh, no thanks. Pero hindi ko kaya.
“Male-late ka na,” sabi nito sabay silip sa suot na relo.
Namamanhid at natataranta ako sa pagkuha ng mga gamit ko. Muntik pa akong kumaripas nang takbo kung hindi ko lang naalala na hindi pa ako nakakapagpaalam kay Nicko.
Bumalik ako sa kanya tapos hinalikan ko siya pisngi na pareho naming ikinagulat. Halos lumuwa ang mga mata ko habang nakatitig din sa kanya. Umawang ang labi nito tapos kumipot din kaagad.
Napapikit ako nang mariin bago tumalikod.
“Alis... alis na ako,” nanginginig na sabi ko at para akong lumulutang paalis doon.
Gusto kong magtitili sa katangahan ko pero puro padyak lang din ang nagawa ko roon. Bakit hinalikan ko iyon sa pisngi? Ah, ikaw na talaga Romana.
I don’t know if I should have apologized. Pero naisip ko rin, bakit ako hihingi nang tawad kung alam ko namang gusto rin niya iyon?
Nag-init ang pisngi ko at lakad-takbo na naman ang ginawa ko. Hindi ako late, pero para akong aligagang daga sa itsura ko ngayon.
Buong hapon yatang mainit ang pisngi ko at minsan sa kalagitnaan ng lesson ay natutulala ako at napapapikit na lang nang mariin. May nakakapansin pero dahil alam naman nilang hindi ako namamansin at ilag ay hindi na nila pinuna pa iyon.
Pagkahapon ay doon na muling nagsink in sa akin, na lagi nga pala akong hinihintay ni Nicko. Para akong matutunaw habang tinatanaw itong nakaupo roon sa gilid ng saradong karinderya. Paano iyan? Kaya ko bang... ah, huli na para mag-isip. Papalapit na sa akin si Nicko... ang lamig ng buga ng hangin mula sa baga ko sa sobrang nerbyos.
“Hatid na kita,” simpleng ngiti nito.
Tumango ako at napahawak sa kamay niya. Pareho na naman kaming natigilan, binawi ko ang kamay pero mabilis niya itong nahuli at hinigpitan ang pagkakapit.
“Halika,” hila nito sa akin para mapalapit sa kanya, “Ang lamig-lamig ng kamay mo, Ro. Kinakabahan ka pa rin ba?” Tanong nito.
Umiling ako, syempre idedeny ko kung maaari. Pero parang hindi naman siya kumbinsido dahil hinigpitan pa nito lalo ang pagkakasalikop ng kamay naming pareho.
“Wag mo nang isipan pa iyon, Ro. Normal lang naman na maging kuryuso sa gano’ng bagay. And you’re a consent adult.” Ngiti nito.
Natitigagal pa rin ako sa tuwing may sinasabi itong English. Iba kasi iyong accent nito, hindi pilit at parang natural lamang ang bawat ang kataga. Pero that was the least of my concern right now. Itong usapin, tungkol sa porno... at sa pangingialam ko sa gamit nito. Gusto ko lang kasing malaman kung ano ang laman noon. Na pinagsisihan ko rin ngayon, dahil hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa isipan ko iyong mga eksenang nadatnan ko roon.
“Naka... nakakahiya kasi,” yuko ko.
Tumawa ito, hinaplos ng isang hinlalaki niya itong gilid ng isa ko ring hinlalaki. Parang way niya iyon para kumalma ako.
“Hindi ka nga dapat nanonood ng ganoon. Pero naisip ko rin kanina na hindi ka na bata para pagbawalan pa kita. Karapatan mo iyon... at kuryuso ka lang. Siguro ngayon ka lang nakapanood ng ganoon, ano?” Silip nito sa akin.
“Sinabi ko naman di’ba, first time ko iyon.” Umaangat ang dibdib na sabi ko rito.
Tinawanan lang ako at kinagat ko naman ang labi. Hinigpitan ko rin ang kapit sa kamay niya, tanaw ko na ang sakayan... magji-jeep nga yata kami ngayon... kakaunti lang ang sumasakay kaya siguradong hindi masikip sa loob niyan mamaya.
“Hindi ka naman magbabago di’ba? Pwede ka pa rin sa apartment ko.” Paalala nito.
Oo naman! Komportable ako roon, syempre nakasanayan na kaya mahirap nang alisin.
“Sa weekend doon ako, wala na akong gagawin dahil tapos na iyong mga aralin ko para sa Biyernes.” Sabi ko.
Ngumiti ito at tumango. Lumalago na naman ang balbas nito at nangangati akong ishave iyan. Bakit kaya ang hilig nitong magpahaba ng balbas? E nagmumukha siyang gorilya. Nakakainis iyang ganyan.
“Humahaba na naman ito,” sabay salat ko sa balbas nito. Bahagya itong natigilan at ngumiti rin kalaunan.
“Magti-trim ako mamaya pagkatapos kitang ihatid.” Sabi nito.
Tumango ako tapos pinaglalaruan ko itong balbas niya. Nginingitian niya lang ako at hinahayaan. Para akong batang kuryuso at pilit na inaaninag ang mukha nito sa ilalim ng mga buhok na nandito. Pagkatapos ay natigilan ako noong napansin na ang nipis ng labi niya. Ganoon din kung paano tumatakbo sa isipan ko iyong buong mukha niya, na walang balbas. Natulala ako at namutawi sa labi ko ang...
“Gwapo mo pala,”
Natutop ko kaagad ang bibig. Napaawang naman ang labi niyang naibaba sa akin ang mga mata. Ano yong nasabi at nakita ko?
Teka,
Oh My God!
Kasalanan ng mga CDs nito! Napaiwas kaagad ako at hindi na siya matitigan. Tahimik din ito at pareho kaming ganoon hanggang sa naihatid na ako sa tapat ng Condo ni Kuya Rameil.
Titig na titig ako sa kanya, ganoon din siya sa akin. Lumalakas na itong tìbok ng puso ko, parang gustong kumawala. Kinakabahan ako pero wala akong magawa. Ano na lang... ano na ang sasabihin ko?
“Sige... uh, sige akyat na ako.” Tango ko.
Hindi ito nagsalita, tatalikod na sana ako noong hinawakan niya ang kamay ko.
“Ro... pwede na ba ulit manligaw?”
Mahabagin. Parang aatakehin ako sa puso. Hindi naman ganito ang reaksyon ko noon ah? Nakailang reject na nga ba ako sa kanya? Minsan, kahit sa gitna ng pagkakaibigan namin ay naisisingit pa rin nito ang biro tungkol sa panliligaw. Tapos irereject ko na naman ulit.
Kaya lang iba na ‘to ngayon... he’s making a way, he’s marking me. He’s doing a lot of happy memories for me. Kaya kahit hindi ako sigurado ay tumango ako. Dalawang tango lang iyon pero mababanaag ang sobrang tuwa nito.
Banat na banat ang labi sa pagkakangiti. Inaninag ko iyon nang maayos, para maalala ko ulit iyong nakita ko kanina.
Hindi naman pala mukhang kapre. Malaki lang siyang tao, mabalahibo tapos balbas sarado pa... ngayon ko nga lang naiintindihan ang sinasabi ng mga babaeng nasa paligid ko.
Naiintindihan ko na.
At mukhang ganoon nga yata kapag lalo mong binibigyan ng atensyon. Kahit simpleng galaw lang nito, iyong paglalakad sa maliit na apartment nito... parang ganap nang napako ang atensyon ko sa kanya.
Ang bait pa. Kahit mukha siyang maangas. Ni hindi ko man lang ito nakitang nagalit, kahit sa mga kapatid nito kapag nagvivideo call ay malambing din siya. Minsan niya na akong naisingit at naipakilala sa pamilya niya. Lahat pala sila ay matatangkad, kahit iyong bunso nilang babae. Morena. Tapos ang lakas ng dating. Parang pwede nga sa Binibining Pilipinas. Biniro ko nga si Nicko tungkol dito pero ang tanging sabi lang ay patatapusin niya muna ng pag-aaral bago iyong iniisip ko.
Weekend, nakahanda na ang dadalhin ko. May dala rin akong ekstrang damit, kung sakali... tapos nagwithdraw din ako sa ibaba para makabili ng pasalubong kay Nicko.
Dumaan na muna ako sa isang Convenience Store at bumila ng ilang junkfoods tapos japanese sushi para kay Nicko. Tapos bumiyahe na ako, tinext ko rin naman si Nicko na malapit na ako.
Isang katok pa lang ay pinagbuksan na ako nito, sumalubong kaagad sa akin ang kaaya-ayang amoy ng apartment nito. Pansin ko nga na parang naglilinis siya at medyo namamawis pa. Pumasok ako noong pinadaan niya. Nakatitig pa rin siya sa akin kaya nagtataka akong tumingala. Ngumiti siya at sinabing,
“Ligo lang ako, amoy pawis na ako.”
Actually hindi. Amoy lalaki pa rin si Nicko, iyong hindi kulob. Natural na amoy nito, iyong lagi kong naaamoy. Minsan nagtataka ako kung may anghit ba ito sa katawan? I know for sure that hairy people are prone to body odor. Pero itong si Nicko, parang laging mabango.
Tapos ang linis-linis pa.
Nilapag ko nga ang pasalubong sa kusina niya. Rinig ko naman ang lagaslas ng tubig sa banyo. Tumigil ako at napalingon pero tinapos ko rin ang ginagawa at bumalik sa sala. Naupo lang ako, nanood ng English Series. Tapos maya-maya lumabas na si Nicko, nakapulupot lang ang maliit na tuwalya sa bewang niya. Sa sobrang liit noon tanaw na tanaw ko ang matitigas nitong hita. Combi ng pagiging maitim at moreno ang tunay na kulay ni Nicko. Di naman pala awkward ang talagang kulay nito. Mas bagay nga yata sa kanya ang ganito kesa sa pagiging tisoy. Mas malakas ang dating niya rito. Kaya napasinghap ako sa iniisip.
Wala naman akong paki noon, kahit tumabi siya sa akin na tanging boxer lang ang suot at balandrang-balandra ang mabuhok nitong katawan. Ngayon, para akong namamawis sa sobrang kaba. I can smell him so well, the combination of his natural scent and the soap and shampoo he used in the shower. Ang sarap amuyin. Para akong naglilihi na ewan,
Tapos hinawakan pa ni Nicko ang kamay ko, mas lalong dumoble itong nararamdaman ko. Naibaba ko ang mga mata, dito sa kamay kong hawak ni Nicko... pero nagpalipat-lipat ang titig ko rito at sa itaas ng boxer niya.
Namilog kaagad ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa nakita. O tama ba iyong nakikita ko?! Bakit may nakasilip?!!