7

2097 Words
Ito na ang ikatlong buwan na iniiwasan ko si Kuya Rameil at malapit na rin ang 18th birthday ko. Sabi ni Papa maghahanda raw kami ng bongga ngunit sinabi ko ring mas gusto ko ng simple dahil hindi na importante iyon. Malapit na’kong gumraduate at igagapang ko pa iyon. Ngayon pa nga lang ay naghahanap na ako ng scholarship. Pagkagraduate next year kailangang makapagkolehiyo na ako. At gagawan ko pa ng paraan kung paano ako mabubuhay sa syudad. Iniisip kong magtrabaho. Kakayanin ko naman yata. May ilang subject akong isasakripisyo. Bahala na kung aabutin man ng limang taon. Ang gusto ko lang talaga ay makapagtapos sa isang magandang eskwelahan. “Bakit mo kamo iniiwasan iyong bata? Nakikita mo bang naglalakad iyan ng mag-isa sa open field at siguradong hinahanap ka? Pulang-pula na nga o.” Turo ni Fiona kay Romana na palinga-linga sa paligid. Mas lalo akong nagtago at hinila si Fiona habang kumakain ng lunch. Mamaya bibisita ako sa computer room at maghahanap ng scholarship online. Sabi ni Ms. Guzman baka next week may dadayo para magpa-exam kaso mas mabuti na ang handa at nakapag-apply. Lahat na yata pinag-applyan ko na. Wala pa ni isang sumagot. Siguro dahil bago pa naman. Maghihintay ako. Binuklat ko iyong libro pagkatapos ng discussion. Tinitigan ko muna bago lumingon sa labas. At muling nagbasa. Malapit na talaga ang birthday ko. Isang buwan na lang at magtatapos na kami sa Grade 11. Pagkatapos niyan 18th birthday ko na at mag-Grade 12 na. Kaya pa naman... hanggang sa magkolehiyo. “Sabi nila kapag sobrang talino nabubuang daw...” tukso ni Benjie pagkatapos na mapansing nagbabasa pa rin ako roon kahit tapos na ang lahat, wala ng exam at naghahanda na lang kami para matapos ang pasukan. Umiling nga ako at nilingon si Fiona dahil mag-aaya sana akong mag-canteen kaso mukhang busy itong nakikipag-usap sa ilan naming mga kaklasi. Tinitigan ko na lang sa Benjie na ginilid ang ilang mahahaba ko ng bangs. Tapos inaya ko... go naman ang bakla. Bumili muna kami ng pwedeng papakin bago naupo sa sementong bench at tinitigan ang gate. Tanging ang guard lang ang nandoon. Tahimik ang paligid at nasa kanya-kanyang silid ang mga estudyante. Kaya laking gulat ko noong makitang naglalakad si Kuya Rameil pagkatapos na bumaba sa motorsiklo. Halos mamutla ako habang nakatingin rito. Malinis at amoy bagong ligo. Ngunit hindi iyon ang pinoproblema ko kundi kung paano ako tatakas ngayon. Hinawakan ko iyong kamay ni Benjie, na nagtatakang nakatitig sa akin. At hinigit ito patayo at mabilis na umalis doon. Hinahapo nga akong dumiretso sa likod na bahagi ng classroom at doon nagtago. Mamamatay yata ako sa kaba. Oo doon talaga. Lumapit sa akin si Fiona. Puno ng pagtataka kaya lang mas importante sa akin ang makatakas kay Kuya Rameil. Pakiramdam ko papapasukin iyon ng guard. Kilala na kasi ito noon, dahil sa public din nag-aral tulad ni Romana kaya di malayong papayagan ng guard. Kabadong-kabado ako. Iniiisip ko ang ilang buwang pag-iwas kay Romana... at ilang buwang pag-iwas ko rin sa Kuya nito. Paano na ngayon niyan? “Hoy? Nangyayari sa’yo?” Kunot noong tanong ni Fiona, na tumabi sa akin malapit sa lagayan ng mga walis. Napalunok tuloy ako at sumilip sa unahan, doon sa nakapaskil na bintana sa gilid. Pakiramdam ko makikita ko pa rin siya roon. “N-nakita ko si Kuya Rameil,” lunok ko. Napatanga si Fiona at napahagalpak ng tawa. Para namang may nakakatawa roon. Nasa bingit kaya ako ng kamatayan! Hmp! “Ay sige, iwas pa Best...” panunukso nito. Napanguso ako at talagang hinintay ang oras na matapos. Alas singko ng hinayaan na kaming umuwi. Kabado pa rin ako habang nakikisilip sa paligid. Nang dumaan kami sa gate ay tiningnan ko kung nandoon pa rin ba ang motor nito at halos atakehin ako sa puso noong datnan ko iyon. Nandiyan lang siya, sigurado, at hindi ko alam kung kailan magpapakita. “Huli ka balbon!” Napasinghap ako samantalang si Fiona nagmumura at kung ano-anong kabastusan ang lumalabas sa bibig. Nagulat din yata sa sumulpot sa gitna namin at humawak sa braso ko. Nang lingunin ko ay unang nakita ko si Romana na ngumiti ng alangan sa akin. Namumula ang pisngi at nahiya yata sa ginawa ng Kuya nito. Ako nga ay kabado at namumutla at kinikilabutan habang nakatitig kay Kuya Rameil na ngumingising nakatitig sa akin. “Mailap ka balbon, pinahirapan mo pa ako.” Ngising sabi nito, nakahawak pa rin sa braso ko. Sa halip na ngumiti ng hilaw, e kunot noong tinitigan ko lang ito. May ilang napapatitig ngunit mas piniling maglakad para makauwi na. May ibang nakatayo malapit sa gate at kunwaring may hinihintay habang pinupuno ang mukha ng pulbo at liptint, obvious namang nagpapapansin. Tsk! “Namiss kita,” sabi nito, at di na nahiya niyakap talaga ako doon sa harap ng maraming estudyante! Iyong yakap na may kasamang gigil! Saka langhap na langhap ko ang pabango nito. Iyong bango na may kasamang natural na amoy ng isang malinis na lalaki. E ang tanong malinis din kaya ang pagkatao? Nang humiwalay ito ay sinilip ko si Romana na yumuko habang pulang-pula ang taenga. Napaawang na lang ang labi ko at bahagyang sinipa ang binti ni Kuya Rameil. Hiyang-hiya ako sa ginawa nito! Pakiramdam ko bibitayin ako sa kahihiyan dahil lang sa kalandian nito. “Nakakahiya ka,” bulong ko. Natawa ito at hindi nagsalita. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Fiona na mukhang tatakasan pa ako dahil pilit na kumakawala sa akin. “Di bale, ang importante nakauwi ako’t nakita kita ulit.” Landiii! Hayop! Di ko tuloy alam kung ano pa ang sasabihin. Basta sumabog lahat ng katinuan ko dahil sa lalaking ‘to. Nakikipaglaro sa taong ayaw namang makipaglaro. Kainis lang. Umiling ako at naglakad palayo. Ramdam ko ang pagsunod ng dalawang magkuya. Ako nama’y walang pakialam at nakahawak pa rin kay Fiona na desidido yatang tumakas. Natigilan lang ito ng natanaw namin si Alfonso. Na nakatitig dito. Kumunot ko at napaawang din ang labi. Bakit ganyan yan makatitig. Galit? Oo galit pa rin iyan, lalo na at nabanggit noon ni Kuya Rameil na may namamagitan yata sa dalawa, kay Ate Gelda at Alfonso. Umiling nga ako at mabilis na naglakad ulit. Ayaw kong maabutan ng gulo dahil lang sa dalawang lalaki na’to. Labas na ako roon. “Naiwan ko ang motor...” narinig ko na sabi ni Kuya Rameil. Natigilan ako at lumingon. Mabuti na lang malayo na kami kina Alfonso kaya kahit papa’no pwede kaming tumigil-tigil. At ano ang sinabi nito? Nakakamot batok ito no’ng napagtantong naiwan ang nabanggit. Di ko alam kung maiinis ba ako o matatawa. “Sige, babalikan ko na lang mamaya. Ihahatid ko pa ‘to.” Tukoy nito sa akin. Napasinghap ako at sana ay magsasalita pa ngunit mas pinili kong manahimik ulit at naglakad. Tahimik din si Fiona, ganoon din si Romana... pero bakit ramdam ko ang panunukso ng dalawa? Kainis diba? Siniko ako ni Fiona pagkarating sa kanto. Nilingon ko ito na nakangising nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung para saan iyon. Basta ininguso nito ang katabi ko at nagulat na nandon si Kuya Rameil. Sa tabi nito ay si Romana. Basta ewan ko at kung paano kami nakarating sa isang kainan... at umorder si Kuya Rameil ng mga kakainin namin at nilapag sa mesa. Hindi ko tuloy malunok ang laway dahil sa kaba. Ramdam kong hindi magiging tahimik ang mundo ko dahil sa lalaking ‘to. At siguro nga... makapal lang talaga ang mukha nito. “Weekend na bukas, wala kayong pasok di’ba? Libre ko kayo sa City.” Aya nito. “Busy ako, gagawa ako ng gawaing bahay buong araw.” Bara ko rito. Sisikapin kong wag bigyan ng bakanteng oras ang isang ‘to. Akala niya yata nakakalimutan ko na ang sinabi nito noon sa akin. Ano? Ibabahay niya ako?! Di na siya nahiya at magkapitbahay lang kaming dalawa. Close ko ang Nanay nito at lalong magkakilala sila ni Papa... eskandalo yata ang hanap ng lalaking ‘to. “E di sa Linggo. O kung gusto mo pwede naman kitang tulungan sa mga gagawin mo. Kilala ko ang Papa’t Mama mo kaya sigurado papayagan ka noon.” Napatanga ako sa sinasabi nito. Ano ngayon? Talagang naghahanap ng paraan. Alam ko naman kung saan papunta ito... at wala akong balak na patulan ang mga gusto nito. Dahil gusto ko ng tahimik na buhay, na walang mananakit sa akin. “Wag na Kuya,” iling ko at nagstraw. Umiling-iling itong nakangiti. Hindi pa rin pumapayag sa paghindi ko. Hindi na ito nagsalita, hinayaan niya kaming kainin ang libre nito kaya akala ko sumuko na at laking gulat ko nang magising ng maaga at nakita ang hubad na likod ni Kuya Rameil. Nakasampay ang pinaghubarang damit sa balikat... at nagpi-flex ang mga muscles doon sa likod at braso. Nakapantalon na hapit at talagang nagmamayabang ang katawan. Kainis! Nangasim tuloy ako at nilingon ang paligid. Saktong pumasok si Papa na may dalang isang basket ng labahin. Ngumiti ito nang nakita akong nakatayo sa bungad ng kusina. “O? May lakad daw kayo, mabuti at mabait itong si Rameil kaya siya itong naglinis diyan. Pwede namang wag na, hindi naman kita pinagbabawalan.” Na ikinalingon ni Kuya Rameil. Tanned skin ito taliwas sa kaputian ni Romana ngunit napaawang ang labi ko noong nakita sa malapitan ang tetilya nito, hindi sa likod ng camera at hindi galing sa dilim. Ang liwa-liwanag ng paligid kaya laking gulat ko ng makita itong mapula-pula. Pagkatapos medyo makintab na rin ang mga matitigas na muscles doon sa tiyan nito... hulmang-hulma at hindi lang bastang sumilip. Parang pinagpaguran ng sobra. Kaya ganoon kalalim ang bitak at talagang namumutok. Napalunok tuloy ako sa kahihiyan at umiwas. Saka ko tinitigan si Papa na nilagay sa sofa ang mga labahin. Siguro tutupuin. Kaya hindi na ako nagkomento sa sinabi ni Papa. Hindi ko rin pinansin si Kuya Rameil kahit narinig ko itong bumati. Talagang hangin ang tingin ko rito. Baliwala, tsk! Nagpapansin. Tumabi ako kay Papa at nakikitupi. Kaso, “May lakad daw kayo, maghanda ka na... hindi pwedeng gabihin kayo sa daan lalo na’t sa City ang punta niyo.” Utos nito. Nagdadalawang isip pa ako kung gagawin ko ba ang gusto nito. Ngunit napansin ko ang pagdungaw ni Kuya Rameil sa pintuan ng kusina. Makikiusyuso pa yata... kaya mas lalo akong kinabahan at nagdesisyon na tumayo para sabihing maghahanda. Hindi ako makapag-isip ng matino. Nakakabaliw itong ginagawa ni Kuya Rameil. Palibhasa kasi ay magkapitbahay kaming dalawa kaya hindi na rin bago kina Papa’t Mama kung sakaling mapadpad ang isang yon. At inaabuso naman. Nagdesisyon akong magcrop top ng may sleeve na hapit na hapit sa katawan. At shorts na bulaklakin, na sakto lang at hindi masikip. Pagkababa ay hindi ko na nadatnan si Kuya Rameil. Napangiti tuloy ako at balak sanang magbihis na ulit kaso may bumusina sa labas... at nagmamadaling pumasok si Papa para sabihing nandiyan na sa labas si Kuya Rameil. Hindi ako makapaniwalang wala na akong takas ngayon. Ngising-ngisi si Fiona habang nakatitig sa kabuuan ko. Waring nasiyahan... nakalimutan niya na bang nasa iisang banda lang kami at laging naeexpose ang hita ko dahil kailangan? Ewan ko ba sa isang ‘to at lahat na lang ginagawan ng malisya. “Saan ako?” Hindi makapaniwalang tanong ko kay Fiona na nauna ng naupo sa likod. Gusto ko nga sanang makisiksik kaso nasilip ko si Romana na naka-candy color na shorts romper at ngumiti sa akin. “Doon ka... doon ka sa harapan.” Tulak nito. Hindi makapaniwalang nalaglag na lang ang panga ko lalo na noong buksan ni Kuya Rameil ang pintuan mula sa loob. Naramdaman ko tuloy ang lamig ng aircon. Wala ba akong choice? “Pasok na,” nakangising aya ni Kuya Rameil. Napalunok na lang ako at nagdesisyong magpatianod sa kung ano ang nangyayari... Isang oras ang naging byahe. Kumain kami, nagpakabusog... at naglaro sa timezone, at panghuli ang sine. Nilalamig na talaga ako. Ngayon ko pinagsisihan kung bakit pangseksi iyong sinuot ko e pwede namang hindi? Ah ewan. Bakit kaya si Romana parang hindi naman tinatablan? Siguro dahil sanay sa aircon? Mahirap talaga ang maging mahirap. Nanginginig na ako sa loob ng Sine. Katabi ko si Fiona, katabi ni Fiona si Romana at ako, sino pa ba? Katabi ko si Kuya Rameil na mukhang naramdaman ang panginginig ko. At sa halip na pakalmahin ako roon, kahit sa isang akbay lang. E iba ang ginawa... gumapang ang magaspang nitong kamay malapit sa singit ko na hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD