"Narinig ko tinanong ni Kuya Rameil kung kumusta ka na raw?" Natatawang tanong ni Fiona pagkatapos naming magpakita sa get together. Nakatanaw kami sa dagat habang nakahilata sa Lounge Chair at kakatapos lang maligo. Nagpapahinga na lang dahil mainit.
Itinakip ko nga ang malapad na summer hat sa mukha at tinalikuran si Fiona na mas lalong nang-inis. Wala itong ideya, sigurado, dahil hindi naman kita noong nag-usap kami ni Kuya Rameil.
"Ako tuloy ang kinukulit ni Romana... kung hindi lang siguro nahiya yon, baka sumama na sa celebration natin eh." Mahinang sabi ni Fiona.
Umiling ako at walang balak na lumingon. Hindi ko na talaga problema iyon at hindi ko obligadong laging makipag-usap kay Kuya Rameil. Pag may pagkakataon ibabalik ko ang 10k na ibinigay nito. Talagang wala akong balak na gastusin yon.
"Tara ligo," aya ulit ni Fiona pagkatapos na mapansing makulimlim na ang kalangitan.
Umayos ako ng upo at nilapag ang tuwalya sa tabi at hindi na nahiyang naglakad papunta sa dalampasigan kahit nakasuot lang ng rashguard one piece swimsuit. Mabuti na lang talaga at pantay lahat ng kulay ng balat ko kaya di awkward tingnan.
Nagsabuyan kami sa mababang bahagi ng dagat at kumuha na rin ng ilang pictures. Sabi ko kay Fiona gawan niya na lang ako ng copy dahil wala rin naman akong social media kaya hindi niya rin ako mata-tag doon.
Kinahapunan ay nag-ayos na kami. Naligo ng mabuti at siniguradong walang maiiwang gamit. Basang-basa pa ang buhok ko nang sumakay sa likod ng malaking sasakyan. Kaya natawa si Fiona pagkababa sa Barangay. Iyong buhok ko kasi naninigas. Pati nga ako ay natawa na lang din at tinulungan din ako ng ibang kasama na suklayin iyon.
Naglalakad na ako pauwi ng bahay nang datnan kong nakaupo si Romana sa tapat ng kanilang bahay at dinuduyan ang sarili. Napatayo ito pagkakita sa akin, natataranta tuloy ang kalooban ko ngunit mas pinili kong tumayo roon at hintayin ito sa gagawin. Di nagkamali at naglakad ito papalapit sa akin. Kinakabahan man ay talagang pinilit kong hintayin si Romana.
"Kinukulit ako ni Kuya, Ate Kelsey... kailan mo daw siya ulit kakausapin?" Nakasimangot na tanong nito.
Habang tumatagal mas lalo kong nakikilala si Romana. Mabait na bata at talagang masunurin. Napapansin ko noon, laging mag-isa ito... kaya kahit alam kong mabait talaga ito ay para bang nagdududa akong baka may masamang ugali kaya walang kumakaibigan. O baka naman ayaw lang nitong makipagkaibigan? At napatunayan kong walang dahilan, namimili lang talaga ito ng kilalanin. At ayon nga wala talaga akong maipintas. Maliban sa kakulitan nito.
"Binawasan iyong allowance ko," bulong nito habang bahagyang dinuduyan-duyan ang sarili, parang batang nagtatampo o kaya'y batang humihingi ng pabor.
Hinayaan ko ang sariling kumalma, natatawa ako kaya lang mas pinili ko ang maging seryoso.
"Hindi ko pa nagagastos ang perang binigay ng Kuya mo. Pwede kong ibalik."
Napaangat ito ng kaonti, nagulat at nakanganga. At mabilis na umiling-iling pagkatapos na intindihin ang suhestyon ko.
"Mas lalong magagalit si Kuya, Ate!" Lumayo ito ng kaonti.
Napatikhim tuloy ako at saka napabuntong hininga. Paano ko ba ipapaliwanag na hindi naman ako interesado sa pera at lalo na sa Kuya nito? Matagal ng patay ang pagkakagusto ko roon sa tao. At hindi na ito mababago pa.
"O sige, sabihin mo i-oon ko ang cellphone mamayang gabi pagkatapos kong magcharge. At saka sabihin mo wala akong pang-internet kaya hindi ako sigurado kong masasagot ko."
Napangiti ito ng pagkalapad-lapad saka parang hindi mapakaling nagsulat sa isang pirasong papel na bitbit nito kanina. Saka inabot sa akin.
"Password ng wifi ng bahay... Kausapin mo po a?"
Tumango na lang ako at nagpaalam na kailangan ko ng pumasok dahil magluluto pa ako ng hapunan kahit pagod na pagod ako sa ginawa kanina.
Isang oras pagkatapos kong tapusin ang trabaho ay siyang dating ni Papa. Nilalaro ko pa noon si Israel sa sofa kaya dumungaw din si Papa at nilaro itong bunso namin na sobrang nakakaaliw na dahil nakakakita't at nagreresponse na sa kakaonting pang-aaliw. Pinatulog muna ito ni Mama bago kami kumain. Mabilis din kaming umakyat dahil siguro pare-parehas kaming pagod.
Kaya lang naalala ko ang pangako ko kay Romana. Dapat talaga kausapin ko na si Kuya Rameil at ipaintindi rito na walang saysay ang pangungulit nito sa akin. Dahil wala ng halaga, kupas na at matagal ko ng kinalimutan ang pagkakagusto ko rito.
Alas otso ng natapos ang charging. Alangan pa ako ng binuksan ito. Pinakawalan ko muna ang hanging nabuo sa kaba bago naki-connect kina Nanay Minda. Gumawa kaagad ako ng f*******: at ini-add si Fiona, Benjie, Romana at syempre si Kuya Rameil. Saka ko na iisipin kung sino pa ang pwede. Isa lang naman kasi ang tukoy ko rito.
At bago ko pa napindot ang call ay tumunog ang messenger at nakita ko ang mga ipinasang pictures ni Fiona. Lahat galing sa kuha kanina... at may huli pa itong ipinasa na may kasamang utos pa yata eh. Gawin ko raw'ng profile dahil siguro nakita nitong walang laman na kahit na ano ang dapat na profile picture.
Tinitigan ko muna ng mabuti ang sarili. Lumunok ako at nagdadalawang isip sa gagawin. Ako kasi iyon, nakaluhod sa buhangin, apart ang mga hita at nakadantay ang mga kamay sa hita habang seryosong nakatitig sa harap kung nasaan sigurado si Fiona.
Bumalik tuloy ako sa wall ko't pinindot ang bilog at piniling lagyan ng profile at sinunod iyong utos ni Fiona. Napahinga ako nang malalim at binalikan si Kuya Rameil para sana tawagan kaso namamatay kaagad.
Napasimangot na lang ako at nahiga sa kama. Siguro offline ito, o siguro abala, o baka nga nasa himpapawid? Ay ewan.
Tumunog ang notif at nakitang maraming nag-aadd. Madalas ay mga kaklasi ko lang din kaya mabilis kong inaccept. At nagulat na lang ako na puro notif ko ang nag-iingay at pare-parehong nagdidirekto sa profile ko sa tuwing pinipindot ko.
Puro komento, puro reacts... at kung hindi, kinukulit ako sa messenger. Napapikit na lang ako at inalala kung kailan ba nagsimulang naging maingay ang buhay ko? Simula siguro ng pinili akong maging isa sa mga active sa school. Kasi nga gusto kong mangarap ng matayog, iyon bang—
Napamulagat ako noong tumunog ang cellphone at nakitang tumatawag si Kuya Rameil. Napaismid tuloy ako at hindi kaagad sinagot. Ikalawang tawag na ay doon na ako nagdesisyon. Nakasimangot pa rin kaya sa halip na batiin ako ay natawa na lang ito.
"I missed seeing your face, Kelsey. Uwing-uwi na ako."
Mas lalo akong nangasim at tinitigan ito ng mariin. Kaso nanlalaki na lang ang mga mata ko ng napansing hubad na naman ang pang-itaas nito. At sa huli pinaningkitan ko ito ng mga mata. Na napansin yata nito at natawa na lang.
"I'm alone, Kels... no girls, I swear."
Umiling ako at hindi nagsalita. Klarong-klaro ko ito sa screen. Siguro dahil maganda ang signal at kuha ng camera kaya ganoon. Ewan ko.
"Kuya," tawag ko rito, umayos pa ito ng upo kaya nasilip ko iyong malapad nitong dibdib, napalunok tuloy ako sa kaba at nagdesisyon na sabihin ang iniisip, "Binablackmail niyo ho si Romana, pinipilit mong kausapin kita kahit ayaw ko na..." nakangusong sabi ko rito.
Napatikhim ito at parang may inayos ulit. Marahil nag-iisip kaya ganoon na lang katagal ang sasabihin din nito.
"What you saw that day... hindi ko naman dinedeny, Kels... I'm still a man."
Napaawang na lang ang labi ko sa dahilan nito. Dapat diba... teka nga? Bakit naman ako mag-iisip ng tungkol sa'ming dalawa? Nasabi na ba nito ang tunay na pakay sa akin kaya ganoon na lang ang disappoinment ko sa narinig? Teka nga, ano ba kami? Diba una pa lang klaro ng pinaglalaruan lang ako nito.
"Tss, pwede mo namang ienjoy ang sarili diyan at tigilan na ako." Iwas ko rito.
"Hindi pwede."
Mas lalong nangunot ang noo ko pagkarinig noon. Ano bang gusto ng lalaking 'to? At bakit hindi nauubusan ng enerhiya sa pangungulit sa akin? Alin ba doon ang hindi maintindihan nito?
"Wala kang makukuha sa pangungulit sa akin,"
"Meron," pilit nito.
Naniningkit na ang mga mata ko sa pagdududa dito. Ano nga ulit?
"Tinitigan ko muna ang profile mo kanina bago kita inaccept... ganda ng pagkakakuha, sarap non titigan." Komento nito.
Napaawang ang labi ko at hindi kaagad nagsalita. Pinangilabutan ako sa pinagsasabi nito. Kung maka—
"Kinis mo pa do'n, saka bagay na bagay ang sout mong pangligo... parang dugtong na rashguard saka panty?"
Naitikom ko ang bibig ng mariin. Saka umalpas ang tawa ko sa pagkakadescribe nito.
"One pieace swimsuit kasi yon!" Natatawang sabi ko rito.
Natawa na lang ito, hindi yata makapaniwala na sa haba ng pagkakadescribe niya roon sa sout ko e ganoon lang pala ang tawag.
"Mabuti na lang longsleeve, kahit papa'no hindi gaanong nakaka-ano..." tawang-tawa na sabi nito.
Natigil ako sa kakatawa at pinanood itong tumatawa. Naaaliw yata sa iniisip, samantalang ako e nadudumihan ng sobra-sobra.
"Tsk," natigilan ito pagkatapos marinig sa'kin yon.
"Binabastos mo ba ako, Kuya Rameil?" Hindi na nakatiis na tanong ko rito.
Tumikhim ito at nagkamot ng batok. Mas lalo akong nagduda dahil talagang iyon ang naiisip ko. O tama kaya ako?
"I'm still a man, Kels... nakakabuhay ang suot mo diyan."
Talagang nalaglag ang panga ko sa pag-amin nito. Hindi ako nagsalita talagang hinayaan ko lang ang paligid na maging tahimik. Tinatantya ko ang mangyayari. Hanggang sa hindi ito nakatiis at bukas na sinabi nito ang nasa isipan.
"When was the last time you saw your whole appearance in a mirror, Kels?" Tanong nito.
Hindi ako sumagot, kunot lang ang noo ko at nagdesisyon na hindi na magsasalita. Kung gusto niyang sabihin lahat ng nasa isipan niya. Okay, sabihin niya na habang mabait pa ako.
"Dalaga ka na Kelsey... you've grown, full. Kaya nga nabigla ako noong paglabas ko e nadatnan kitang hinehele iyong kapatid mong baby. Akala ko anak mo... di sa iniinis kita noon. Talagang inakala ko dahil umiba iyong shape ng katawan mo. Nagkalaman ang pang-upo at dibdib... na malayong iba sa katawan mo noong huli kitang nakita. Siguro dahil bata ka pa noon. Ngayon..." umiling ito. Nakangiti at hindi nakangisi. Talagang seryoso sa sinabi nito.
Kaya kahit ang gusto ko lang naman ay marinig ang sasabihin pa sana nito... hindi ko na naiwasang magkaroon ng reaksyon. Totoo yata... dahil simula noong nagbuntis si Mama hanggang sa nanganak ay hindi ko na maalala kung kailan ko ulit sinipat ang sarili sa tapat ng salamin.
Kaya lang ang hindi ko matanggap ay ganoon pala ang tingin sa akin ni Kuya Rameil...
"Mukha ba akong nanganak?" Hindi makapaniwalang balik tanong ko rito...
Natawa ito, kung sa tingin nito ay biro lang ang tanong ko na iyon... ako, seryoso at talagang gusto kong malaman kung ano ang iniisip nito.
"Hindi sa negatibong iniisip mo, Kels... you just grew good with your boobs and butt. And I'm liking it so much." Hindi ito nagpanggap man lang. Talagang seryoso nga sa sinasabi.
"Ano?" Kabadong tanong ko ulit. Baka kasi nabingi lang ako kaya ganoon kapangit sa pandinig ko ang sinabi ni Kuya Rameil.
Tumawa muna ito at sumandal sa sofa. Ineexpose sa akin ang mga muscles sa namumuo sa tuwing gumagawa ito ng kakaonting kilos. Sadya man o hindi, talagang lumalabas. Siguro abunado ito sa gym. Ewan.
"Hindi mo siguro napapansin, Kelsey. No'ng umuwi ako diyan, lagi kitang pinapanood. Dalagang-dalaga ka na... at hindi lang ako ang nakakapansin noon. Marami kami..." iling nito, mukhang nainis din sa sinabi.
"Kaya dapat kapag Kolehiyo ka na. Dito ka sa akin. Mas ligtas at malayo sa masasama." Kindat nito. Nakangisi.
Nagdududa na ako sa nangyayari. Ba't ba pinipilit nitong doon ako? Di'ba pwedeng maghanap ng ibang pwede?
"O sige... I'll be honest with you," tikhim nito. Idininantay ang isang braso sa uluhan ng sofa.
"Gusto kitang ibahay... Kelsey, gustong-gusto. Gusto kitang hawakan—" pisil nito sa hangin doon sa harap ng camera, nasitindigan tuloy ang mga balahibo ko sa katawan, "—gusto kong malaman kong mainit ka ba talaga sa kama tulad ng iniisip ko."
Naibaba ko tuloy ang hawak na cellphone. Mabilis pa sa alas kwatrong nai-off ko iyon. Black ang screen habang nanginginig ang kalamnan ko sa kilabot. Kilabot na hindi nagpatulog sa akin... na iniyakan ko ng ilang oras.