Kunot na kunot ang noo ko habang nakatitig kay Romana na nakangiting nakikipagkuwentuhan kay Fiona. Inabot nito ang cellphone kanina kaya lang dahil sobra akong nainis sa sinabi ni Kuya Rameil noong isang araw ay talagang pinanindigan kong wag itong kausapin. Ikatlong araw na ito ngayon! At natutuwa ako sa usad. At mukhang si Romana itong namomroblema sa ikaapat na araw.
Nasa canteen na naman kami at lukot ang mukha ni Romana habang inaabot sa akin ang cellphone.
"S-sige na po Ate, mawawalan ako ng allowance."
Hala?! Bakit magiging kasalanan ko pa yata?! Aburidong Kuya Rameil, nagiging obligasyon ko pa tuloy ang tanungin si Romana kung magkano ang allowance nito para lang maiwasang makipag-usap kay Kuya Rameil.
"A-akin na," kabadong sabi ko pagkatapos na marinig ang sagot ni Romana. Kaya pala ang kulit, kaya pala sunod ng sunod kaya pala nagpapauto sa kuya! Ang laki ang allowance! Di ko kayang bayaran.
"Ano na naman ba?" Nayuyuping tanong ko rito, pinaglalaruan ko ang ituktok na buhok habang nakatitig kay Kuya Rameil na nakaputi lang at mukhang nakaupo.
Ngumisi ito, proud yata sa pang-uuto. Bakit ba ang kulit nito? Simula nang umuwi ito ay talagang hindi na ako tinantanan sa kakulitan.
"Namiss kita."
Nangasim tuloy ang pakiramdam ko at lumingon. Tinitigan ko rin si Romana na ngayon nga'y kakuwentuhan si Fiona. Mukhang di naman narinig ninuman, sinigurado ko talagang hindi maririnig. Dahil nakakahiya.
“Ako ba ay namiss ka?” Taas kilay na tanong ko rito, nangasim nga lang ako noong napansing napatitig si Fiona sa’kin. Nagtataka ngunit tinuloy din ang kuwentuhan kay Romana. Nagiging malapit na ang dalawa, lalo na siguro kapag tumagal.
“Siguradong hindi... pero ipipilit ko.”
Bumuga ako ng hangin saka tinitigan ng mariin si Kuya Rameil. Nagpapahinga yata, pakiramdam ko, wala sigurong trabaho.
“Kuya alam mo, hindi lang naman ako ang babae sa mundo na pwede mong kulitin. For sure maraming magaganda diyan.” Iling ko.
Humalakhak ito at sumandal. Tawang-tawa sa suhestyon ko. Totoo naman! Siguradong sa klasi ng trabaho nito ay talagang marami itong makakatagpong babae.
“Mas nagagandahan ako sa’yo, Kels...”
Nanigas ang pisngi ko pagkarinig noon. Nilalandi talaga ako... totoo! Bakit ba kinukulit pa rin ako ng lalaking ‘to? Hindi naman ako interesado. Marami akong ginagawa at wala ito sa priorities ko.
“Ewan ko sa’yo Kuya! I’m still minor.”
“Hmm?” Napakamot ito sa baba, waring nag-iisip pero ang totoo tutuksuhin lang din pala ako pagkatapos.
“Iyon nga ang maganda, minor ka... fresh at hindi pa nagkakaboyfriend.”
Di makapaniwalang nagkasalubong ang mga kilay ko rito. Tinutukso ba talaga ako nito? O baka...
Suminghal nga ako at napagtanto kung ano ang ginagawa nito.
“Wag mo ‘kong minamanyak nang ganyan...” halos hindi ko marinig na sinabi ko iyon, takot akong baka marinig nina Fiona na nagkakaasaran na.
Humalakhak ito, natuwa yata sa narinig o talagang hindi pa tapos sa panunukso kaya ganoon ang klasi ng pagkakatawa.
“Bakit ba ang tingin mo sa’kin manyak?” Natatawang tanong nito.
Nanigas ako at inalala ang nangyari pitong taon na nakalilipas. Di ako sigurado noon, dahil bata pa talaga, ngunit dala-dala ko iyong alaala hanggang sa magdalaga. At ng nagkaisip ay doon ko napagtanto kung ano ang ginawa nina Ate Gelda at Kuya Rameil. Espegi! For adults only! Ersit!
Kunwari ay natawa na lang ako at tinitigan ang labasan. Yong iba pabalik na sa kani-kanilang silid samantalang hindi pa kami tapos.
“Kuya, tapos na po ang break.”
Tumango ito at hindi na nagpumilit na kausapin pa ako. Agad ko itong ibinalik kay Romana at sinabing tapos na. Tumango ito at kinausap sandali ang kapatid at nagpaalam din kalaunan.
Napabuntong hininga ako habang naglalakad kasama si Fiona na tawang-tawa dahil halata yatang pinoproblem ko si Kuya Rameil.
“Di ka na lugi, best... sobrang gwapo kaya ni Kuya Rameil, tapos may stable job pa. Kung kaedaran lang natin ‘to matagal ko ng pinatulan e.”
Umiling ako saka inubos ang chuckie at itinapon sa nadaanang basurahan at nagdesisyon na kalimutan ang pangungulit ni Kuya Rameil. Hindi ko na yata problema iyon.
Sabado, itinapat ko na naman sa araw si Israel dahil maagang umalis sina Mama at Papa upang ihatid ang mga bagong harvest na pananim mula sa farm, mabilis lang iyon kaya agad ding nakabalik ang mga ‘to. Kinahapunan nga ay nag-ensayo na naman kami para sa nalalapit na kompetisyon. Nakapagbayad na ako lahat at naiayos na rin ang susuotin ko para sa araw na yon. Hinihintay na lang namin ang isa pang buwan para sa totoong kompetisyon. Pagkatapos niyan pokus na ulit sa pag-aaral. Isang taon na lang gagraduate na ako at magkokolehiyo.
Napag-usapan din namin nina Mama’t Papa iyon. At medyo nalungkot ako kasi totoo namang mahirap ang gusto ko. Sabihin na nating pwede kong igapang ang scholarship ngunit paano naman daw ang allowance?
“Diyan ka na lang sa malapit, Kels...” sabi ni Papa bakas iyong lungkot sa mga mata.
Natigilan ako at tinitigan si Mama na ngayon nga’y nakatitig kay Papa na medyo nalungkot din sa katotohanan.
“Sige po,” I gave up.
Kaya siguro wala akong gana noong inabot muli ni Romana ang cellphone. Tinitigan ko lang si Kuya Rameil, hindi ako nagsalita at malungkot na tinitigan itong nakangisi. Wala talaga ako sa mood para makipagkulitan dito.
“May problema ka,” maya’y tanong nito pagkatapos na magtaka kung bakit puro tango o iling ang naging sagot ko sa mga tanong nito.
“Eh kasi...” nag-aalangang sabi ko rito. Dapat ko ba talagang sabihin?
“Pwede ko bang ibenta yong cellphone na bigay mo?” Medyo natatawang tanong ko rito.
Tumango ito, seryoso! At talagang nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. Nagbibiro lang naman ako at wala akong balak na pakialam pa iyon.
“If you need money, sure you can. Pwede nga papadalhan na lang kita. Just tell me how much.”
Namilog tuloy ang mga mata ko at hilaw na natawa. Nagbibiro lang talaga ako pero mukhang sineryoso ng isang ‘to. Hindi ko gamit yon kaya wala rin akong balak na pakialam.
“Nagbibiro lang ako,” sabi ko na lang.
Umiling ito at may kinuha sa isang tabi. Hindi ko na nakita dahil sadyang hindi abot ng camera nito. Umiling na nga ako at tinitigan ang dalawang nagchichismisan. Paano ko ba ipapaliwanag na gustong-gusto kong mag-aral ng kolehiyo sa Maynila kaso pinoproblema naman namin ang allowance? Masyadong malayo ang kinikita rito doon kaya di na nakakapagtaka kung magiging mabigat ang mga expenses.
“May problema ka nga... tell me, Kelsey.”
Napakurap ako ng isang beses dahil sa pagkakatulala. Tinitigan kong muli si Kuya Rameil na tulad ko e nagmumukhang may problema rin.
Umiling nga ako, para maintindihan niyang hindi niya namang kailangang malaman. Malayo pa, at higit sa lahat hindi ko naman siya kaano-ano para malaman pa yon.
“Wala Kuya, kulit nito...” natatawang saway ko na lang.
Para siyang hindi kumbinsido sa sinasabi ko. Oo nga hindi naman talaga kaso hindi niya nga problema yon. Kulit ng apog!
Mabuti na lang at tapos na ang canteen time kaya ibinalik ko na ito kay Romana na napatitig sa akin bago napatango. Oo nga naman, sino ang hindi makukulitan sa araw-araw na tawag ng Kuya nito? Parang naging routine na lang na isa sa mga requirements na kausapin ko nga ang kapatid nito.
Pagkatapos ng klasi ay nagpractice na ulit kami at di na naman ako nagulat na nandoon si Romana at nakatayo. Nanonood at siguradong hinihintay na naman kaming matapos para makausap ako ni Kuya Rameil. Alam kong kukulitin lang ako noon hanggang sa makauwi. At minsan nasasanay na lang ako na ganoon, tatlong buwang ganoon. At talagang kahit papa’no nakakalimutan ko iyong mga nasaksihan ko pitong taon na ang nakalilipas.
Tumitig muli si Romana sa akin, hapon ng Linggo at nandito kami sa Sentro kasama si Fiona. Nag-aaya kasi si Romana na samahan daw namin siyang pumunta dito sa Sentro. Ayaw ko nga sana dahil aalagaan ko pa si Israel kaso nakiusap din si Nanay Minda. Para namang kaya kong tiisin iyon.
“Bigatin, dami nito Romana!” Natutuwang sabi ni Fiona habang tinititigan namin ang mga pagkaing nasa mesa.
Ngumuso ako at sinubo ang fries. Tumitig din ako sa mga dumadaang tricycle sa labas. Malapit kami sa pila ng ATM dahil nagwithdraw si Romana. Mabuti pa ‘to underage pero may ATM card.
“Bigay ni Kuya,”
Napatalon ako noong nilapag ni Romana ang isang sobreng may laman sigurado ng pera. Namilog tuloy ang mga mata ko hindi makapaniwalang tinitigan si Romana. Ngumiti ito, ngiting totoo at parang inaanyayahan pa akong tanggapin iyon.
“Kunin mo na Ate, magagalit si Kuya tapos mababawasan pa ang allowance ko kapag hindi mo tinanggap iyan. Magtatampo ako, sobra... hindi kita papansinin.” Nguso nito, naglulungkot-lungkot.
Napalunok tuloy ako at nanginginig ang mga daliri na binuksan ng kaonti ang bunganga ng sobre at talagang literal na napamulagat ako noon sa kumpol ng lilibuhing pera. Mas lalong ayaw kong tanggapin!
“Ibalik mo iyan,” kabadong utos ko rito. Pinangilabutan ako sa pagbibilang. Diosko parang isang taong kailangan kong pagtrabahuin iyan! At ano naman ang gagawin ng isang hamak na estudyanteng tulad ko sa perang yan?
“Ate tanggapin mo na please? True to his words si Kuya Ram-Ram. Kapag nalaman niyang hindi mo tinanggap iyan, mawawalan ako ng allowance.” Naiiyak na sabi ni Romana.
Ilang beses ko bang nilunok ang laway sa loob ng isang minuto? Ano bang nakain ng isang yon? Mukha ba akong bayaran para bigyan nito ng lilibuhing pera? At ano kamo ang gagawin ko doon?
Hindi na ako nakipagtalo kay Romana ngunit sumenyas akong abutin nito ang sariling cellphone. Agad kong hinanap sa messenger ang pangalan ni Kuya Rameil at nagdial kahit alam kong inactive ito. Sakto kahit inactive nagri-ring at tatlong ring lang ay agad na sumagot si Kuya Rameil, nakabuka ang bibig at magtatanong pa yata sana kaya lang nagulat noong ako ang nabungaran.
Umismid ako, nakatitig sa mukha nitong kagigising lang yata mula sa panghapong tulog. Ngunit iba yata ang tumatak sa isipan ko ng masilip sa gilid na may sumilip na babae na agad nitong tinulak palayo.
Naningkit tuloy ang mga mata ko. Kung hindi ba naman marumi ang isipan ko ay baka iisipin kong wala lang iyon. Pero paano nga ba kung nakita ko itong nakahubad ang pang-itaas at may nakasabit na undergarments sa likod ng sofa nito?
Nainis ako bigla at tumikhim saka inabot ang nakasobreng pera. Inis na hinawakan ko ito ng mahigpit. Wrong timing ang pagkakatawag ko, mukhang may session itong ginagawa.
“Salamat dito ah? Di bale babayaran ko na lang kapag nagkatrabaho na ako.” Ipinilit kong maging malumanay, ayaw kong mahalata nitong naiinis ko sa nadatnan. Tsaka matagal na kaya akong nakapagmove on.
Ngumiti ito at tumango-tango, parang nagustuhan pa ang pagtanggap ko nitong pera. Samantalang nagpupuyos ang kalooban ko sa nangyayari.
Narinig ko pa nga ang singhap ng dalawa kong kasama. Nagulat yata sa desisyon ko. Baliktad sa ginagawa ko kanina. Sadyang nilukob na ako ng inis. Talagang... pabling ang walanghiya.
“Yong nakita mo, wala lang iyon Kels...” paliwanag nito.
“Ba’t ka nagpapaliwanag? Okay lang... wala akong paki, kahit ilan pa iyan... dapat nga magpasalamat ako sa’yo kasi binigyan mo’ko ng pera. Iipunin ko para sa pagkokolehiyo. Alam mo namang mahirap ang buhay dito, saka hindi kami mayaman. Pinoproblema ko nga kung paano sa Metro kapag nagkolehiyo na. Kaya laking tulong nito... pag-iisipan ko na lang kung anong gagawin ko sa gagastusin kapag lumipat na ako diyan. Malayo pa naman, makakapag-ipon pa ako.” Nanginginig ang pang-ibabang labi ko habang naglilitanya. Ewan ko nga ba at bakit ganoon kahaba ang ipinaliwanag ko, pwede namang magpasalamat na lang ako. Kaso naiinis ako.
“Then, I’ll give you more next time.” Sabi nito. Nakakunot ang noo at parang nagtataka sa ginawa ko.
Hindi ako nagsalita, hindi ako sumang-ayon o humindi. Basta kagat ko lang ang pang-ibabang labi. Nanginginig ang mga daliri ko lalo na noong dumaan iyong babaeng hubad sa likod nito. Hindi niya yata napansin. Basta napapunas na lang kaagad ako ng pisngi.
“Are you crying?”
Bwisit na Kuya Ram-Ram! Manyakis talaga.