"Ano namang gagawin ko diyan?" Kunot noong hinawakan ko ang dulo noong cellphone at tinitigan ng matagal. Naka-off at hindi ako sigurado kung gugustuhin ko pa bang buksan gayong alam ko namang tatawag din kalaunan si Kuya Rameil?
At sa totoo lang, na ngayon ay nagigising na ako sa katotohanan, hindi ko na yatang gugustuhing makausap ang pabling na yon. Obviously, gusto lang nito ng mapagbabalingan ng lungkot. Naiiba rin kasi ang trabaho nito... umuuwi ng dalawang beses sa tatlong taon. Madalas nga ay umaabot pa ng apat na taon. Sabi ni Nanay Minda, tinatamad daw umuwi si Kuya Rameil dahil malayo nga ito sa Airport at malayo sa Manila. Alam ko na yata kung saan ito nalalagi, syempre iba pa rin ang City at iba rin kapag malapit sa mga nakakaaliw na bagay. O baka sa nakakaaliw na mga babae.
Namula pa ang pisngi ni Romana saka yumuko, nilalaro nito ang bawat dulo-dulo ng daliri. Kapag naggaganyan yan, matik ng kinakabahan iyan.
Napalunok ako at hindi naman ako palaaway na tao, nilingon ko ang paligid at dahil canteen time... di na nakakapagtaka kung maraming estudyante. Walang pakialam ang nasa malayo, itong nasa malapit kulang na lang ay mamaga ang taenga habang sumasagap ng balita.
“E-eh, ano... magagalit si Kuya kapag hindi mo ginamit at tinanggap iyan.” Naluluhang sabi nito.
Bahagyang umawang ang labi ko rito. Pakialam ko naman? Kung hindi lang ako naaawa kay Romana, talagang umalis na ako rito at iniwanan na lang ang cellphone sa ibabaw ng mesa.
“Anong kompensasyon ang ibinigay ni Kuya Rameil sa’yo?” Walang ganang tanong ko rito at sinubukan i-on itong cellphone. Bagong-bago pa at kaya lang wala na itong cellophane ay dahil pinakialaman na siguro.
“A-a-ano... sorry Ate ha, kasi pandagdag allowance ko po iyong ibibigay niya.”
Natigilan ako habang naririnig naming pareho ang opening sound noong brand. Tinitigan ko nang matagal si Romana na mas lalong pumula ang pisngi. Halatang nahihiya sa pag-amin. At magaling din si Kuya Rameil, magaling mag-uto ng bata.
Umiling ako at ibinaba ang mga mata. Saktong home screen na kaya iniangat ko muli ang mukha at tinitigan ng matagal si Romana saka bumuntong hininga.
“Sige, pero sponsor niyo ang load ah?”
Ngumingiting tumatango-tango ang kapatid nito at umalis na roon. As if naman gagamitin ko ang load, dagdag gastusin pa kaya nasabi ko iyon. Pinatay ko ngang muli at ibinalik sa lalagyan. Ano yon? Uubusin ko ang oras kay Kuya Rameil para lang mapagbigyan ang kapatid nito?
Tila simula noong umuwi si Kuya Rameil ay nagbago na ito. Hindi naman masyado itong namamasin noon. Si Nanay Minda pa nga ang madalas kong kausap sa kanila, close kami, at taliwas sa mga anak nito. At hindi rin naman ako interesado. At wala akong pakialam sa kanila, lalo na kay Kuya Rameil.
“Oy, ano yan?” Ngising-ngisi si Fiona habang tinititigan ang hawak kong supot.
Umiling ako at nilapag sa katabing bag ito. Halata naman yata kaya ganoon ang ngisi sa akin ni Fiona. Na para bang hindi ito nasaktan doon sa pangungulit noong ultimate crush nito. Na hindi ko naman pinapansin. Dapat nga mainis na ‘to sa’kin e.
“Iyan na ba ang bigay ni Kuya Rameil?” Pigil ngiting sabi nito.
Kulang na lang umirap ako sa inis ngunit pinili kong tanguan ito bago pa man dumating ang next subject teacher.
Pagkatapos kinahapunan ay nasa field na naman kami para mag-ensayo. Tinitigan ko nga si Romana na tumayo roon sa unahan. Nakikinood sa amin habang sumasayaw at tinataas ang baton. Gagabihin na naman ako kaya matic na alam na iyon ni Papa. Nakapagpaalam naman ako ng maayos kanina kaya siguro may ideya na ang mga yon.
Umuuwi na ang ilan, papalubog na rin ang araw. At ang ipinagtataka ko ay nandoon pa rin si Romana at talagang inugat na sa paghihintay. Di lang ako sigurado kung ako ba talaga ang hinihintay nito o sadyang naaaliw lang siyang manood.
“Okay, pack up na!” Sigaw ng trainor. Tumango ako at nilapitan si Fiona na hawak-hawak ang instrumento at pinagpawisan ng malala.
Tinulungan ko rin ito sa mga gamit saka lang kami parehong natigilan ng lumapit sa Romana. May na hawak na cellphone at kipkip ang mga libro.
“Uhmm, si Kuya.”
Napaawang ang labi ko roon at tinitigan ang nilahad nitong cellphone. Ah, nakalimutan ko nga palang i-on ulit ang bigay nito! Kahit na hindi naman ako gano’n ka-interesado.
“I can’t contact you,” bungad nito pagkatapos kong iangat ang cellphone.
Kunot noong tinitigan ko siya ng mariin. Saka pinasadan ang puting uniporme nitong may itim pa sa balikat. Mukhang papasok na ito sa work... para kasing bagong ligo.
“Pagkalapag namin, tinawagan kita kaso out of reach. Talaga bang binigay sa’yo ni Romana?”
Chala, demanding ang loko! Ako ang magdedesisyon kung kailan ko gustong i-on iyon! Hindi ako interesado sa aparatus, at lalong hindi ako gumagamit noon! Distraksyon lang sa pag-aaral ko iyon. At baka magulat sina Papa’t Mama kung sakaling datnan akong may gano’ng gamit.
“Ibabalik ko kay Romana,” irap ko rito. Iritable na sa pag-oobliga niya sa’king makipag-communicate sa kanya.
“No, don’t—“ naputol ang sasabihin pa sana nito ng may nilingon ito sa likod.
Mas lalong kumunot ang noo at tinitigan ang leeg nito... at saka tinitigan ko si Romana na kahit madilim at tanging poste’ng ilaw lang ang nando’n, ay talagang namumula ang pisngi. Mestisahin kaya ganoon, mana lahat sa nanay at tatay.
“Sabihin mo, i-oon ko pag hindi na ako pagod.” Kalabit ko kay Romana.
Mukhang nagulat pa nga sa pagbalik ko noong maganda niyang phone. Binalingan ko naman si Fiona na pangisi-ngisi habang sinusukbit ang bag sa likod. Umismid nga ako at tinitigan ang mailaw na covered court at nakitang nakikipagbunuan ng basketball si Clyde at Alfonso. Mukhang galit pa sa isa’t isa.
Nilingon kong muli si Romana na nakababa ang mga mata at nakatitig sa naka-on na phone, “Uuwi na kami, gusto mong sumama?” Anyaya ko rito. Mahirap na at madilim ang paligid, delikado kay Romana lalo na dahil sobrang puti nito at magandang bata.
Tumango ito at sumunod sa amin. Nagkakatawanan pa kami ni Fiona habang inoobserbahan ko si Romana na panay pa rin ang titig sa cellphone. Sinilip ko ngang sandali at nakitang may kausap si Kuya Rameil. Bastos talaga at hindi nito naisip na kay kausap pa ito kanina.
Umirap nga ako sa kawalan at kahit naunang nakarating si Fiona sa bahay nito ay talagang pinagtyagaan ko ang pagsama kay Fiona. Hindi yata masusundo kaya pareho kaming naglalakad na ngayon.
“A-ate,” tawag nito kalaunan, noong nakatapat na kami sa harap ng kanilang gate.
“Sorry ha...” nahihiyang paumanhin nito.
Tumango ako at muling ibinaba ang mga mata. Off na iyon at wala ng repleksyon ng mukha ni Kuya Rameil.
“Pakisabi ibabalik ko na iyong cellphone pag nagsawa na siya.” Natatawang sabi ko rito.
Umiling si Romana, mukhang nahihiya sa nangyari. Alam niya naman yata kung gaano ka-playboy iyong kuya niya. At sana wag na rin niya akong idagdag sa koleksyon niya dahil hindi naman ako interesado at lalong ayaw kong mapabilang doon.
He’s just my worst nightmare, char!
Maaga akong nakatulog sa sobrang pagod at maaga rin akong nagising kinabukasan. Kaya nang tinitigan ko ng matagal ang phone na nakalapag sa ibabaw ng maliit kong mesa ay para bang nag-aalangan na akong buksan iyon. Sigurado kapag ginawa ko nga ay baka hindi na ako tantanan ng mahilig na yon. Kasi naman, para bang umikot ang mundo ko at naging baliktad na ngayon. At sigurado rin namang laro lang ito kay Kuya Rameil. Siguro nakita nito na hindi na ako bata kaya ngayon ay ako naman ang pinupuntirya nito. Hindi na kasi fresh si Ate Gelda.
Pikit mata at hinayaan ko rin itong ganoon hanggang sa iniwan ko’t lumabas para ipaghanda ng almusal sina Mama’t Papa. Kaya laking ko noong bumalik at tadtad ng miscall at text ang phone.
“Footspa ka, Kuya Ram! Para namang akong nawawala.” Iritableng sagot ko rito.
Natawa ito sa kabilang linya. Tulala naman ako roon sa maliit na cabinet saka nagdesisyon na tumayo at kumuha ng susuutin. Kailangan ko lang talagang tapusin itong tawag dahil maliligo pa ako at may pasok na ako mamaya.
“Wag mo ng i-off, ah? Tatawag akong muli. Ganda ng boses mo.”
Umirap nga ako kahit hindi niya naman ako nakikita. Saka bumalik ulit sa pag-upo, kipkip ang pamalit para mamaya.
“Kuya Rameil, kung gusto mo ng laro marami akong maipapakilala. Saka hindi ako interesado, gusto ko pang mag-aral... distraksyon lang ‘tong binigay mo sa akin!” Hinahapong sabi ko rito.
Humalakhak lang ito at hindi nagpaapekto sa sinabi ko. Totoo! Distraksyon lang ito! Isang taon na lang gagradute na ako with flying colors, at balak ko talagang mag-FEU, UST o kaya’y La Salle kaya todo kayod ako sa pag-aaral. Scholarship lang ang makakapitan ko para gumraduate sa isang magandang eskwelahan. Igagapang ko talaga kahit na anong mangyayari. At hindi ako magpapadistract. Kahit sa lalaking baboy na ‘to.
“Bakit hindi si Ate Gelda ang kulitin mo?” Nangangasim na tanong ko rito.
“Sawa na ‘ko saka may estudyante na iyon, yong basketball player.”
“Yakss!” Sigaw ko rito na mas lalong ikinatawa nito. At tama yata ang hinua ko, si Ate Gelda st si Alfonso. Di ko alam kung nakikipaglaro rin si Alfonso rito pero obvious naman noong lumabas sila sa Brgy Hall na may something sa dalawa. Naku, chismis!
“Pinagsawaan mo kaagad?! Maniac ka talaga, Kuya.”
Humagalpak ito ng tawa sa kabilang linya. Hindi na ako nagkomento at lalong ayaw ko na ring magsalita na one time sinubukan nga ni Alfonso na dumiskarte sa akin. Hindi naman siguro nito papansinin iyon. Dahil wala lang naman... at alam kong tulad nito ay naglalaro rin ang isang ‘yon.
“Paano mo nasabi? Sinong nagturo niyan? Manyak talaga, huh?” Natatawang tanong nito.
Natigilan ako at napakamot sa noo. Nakalimutan niya ba? Nakita ko yong ginawa ng dalawa, at nahihiya lang akong ipaalala dito ang nangyari 7 years ago. Alam ko kung ano ang nangyari at alam ko rin kung anong ginagawa ng dalawa noon sa silid ni Kuya Rameil. Inosente’ng inosente lang talaga ako noon kaya binalewala ko’t nagtanim lang ng sama ng loob. Na hanggang ngayon ay umuusbong.
“Nevermind! Kuya ibababa ko na, maliligo pa ako.”
Natigilan yata ito kasi ang tagal sumagot. Hinintay ko para naman makaligo na ako pero puro hininga lang nito ang naririnig ko. Pagod yata.
“Kuya, sabing maliligo na ako. Ibaba ko na.” Ulit ko.
Tumikhim ito at humalakhak.
“Okay, Kelsey. Samahan pa kita kung gusto mo.”
Napatanga ako parang di makapaniwalang tinitigan ko ang hawak na cellphone at ibinalik din sa taenga.
“Hoy! Kuya Rameil, ang manyak mo!” Iritableng sigaw ko rito. Narinig ko pa ang tawa nito bago ko ibinaba at saka ini-off ang cellphone.
Nagmamadali na rin ako sa pagligo at muntik pa ako na-late kung hindi lang ako hinatid ni Papa! Kakainis na yon, pangdistract talaga ang cellphone kaya dapat lang na wag buksan maliban kung wala ng pasok. Kaso ang kulit ni Kuya Rameil at sinundan na naman ako ni Romana at inumang sa akin ang hawak na cellphone.
Nagsitaasan ang lahat ng balahibo ko sa inis. Nakaangat din ang kilay ko’t sinilip si Kuya Rameil na parang naglalakad. Naka-uniporme ulit.
“Ano bang kailangan mo?” Bulong ko rito, nakayuko at nakayupi pang nagtatago sa gilid. Tawang-tawa si Fiona habang pasimpleng tumititig sa akin. Si Romana nga at parang nasanay na rin kaya di na gaanong namumula ang pisngi. Inilipat din nito ang pagkain sa mesa namin at doon kumain. Nag-uusap silang dalawa ni Fiona at wala akong naiintindihan dahil nagsasalita si Kuya Rameil.
“Bawal nga ang cellphone, papagalitan ako ni Papa saka magtataka iyon kung saan galing. Alangan namang sabihin kong galing sa’yo? E di lalong nagtaka! We’re not even close! Duh!” Irap ko rito na mas lalong ikinatawa nito sa screen.
“Sabihin mo boyfriend mo’ko.” Pang-iinis pa nito.
Umiling ako at tinitigan si Romana na ngumiti noong nagkaabutan kami ng mga titig.
“Excited na ‘kong mag-Kolehiyo ka, Kelsey. Dito ka sa akin ha...”
Napatanga ako roon sa sinabi nito. Ibabahay ba ako?! Putsang Kuya Rameil! Naghahanap na naman ng kalaro.