18

2091 Words
Hindi na natuloy, ipinilit nitong hindi kami pwedeng maghiwalay. Kakaumpisa pa lang at sabi niya papatunayan niyang seryoso siya sa akin. Kaya, sinigurado ko na lang na hindi niya ako masasaktan. Hindi ko dapat magustuhan kung alinman ang ihahandog nitong magandang serbisyo. Dapat ilayo ko ang sarili. Kaso paano kung sa unang araw, dalawang araw bago matapos ang bakasyon nito, ay palihim niya akong dinate... at walang alam si Romana na nagpaiwan sa bahay dahil sabi ng bata ay may gagawin daw ito. Lumunok ako habang nakatitig sa mga pinamili sa akin ni Kuya Rameil. Mahilig ito sa maiiksing damit, yong kulang sa tela... croptop nga ang karamihan doon sa pinagkukuha niya sa rag. Hinawakan ko na ito sa kamay doon sa pangsampung kuha na. Sabi niya babayaran niya iyon para naman makakain kami ulit. “Tama na yan, Kuya. Masyado ng marami,” inangat ko itong dalang paperbag. Mas lalong lumapad ang ngiti nito at dumakwit pa ng isa kaya mas lalong naningkit din ang mga mata ko rito. Pagkatapos ay nagpahinga muna kami sa foodcourt. Request ko na rin dahil pakiramdam ko mas maraming kumakain ngayon sa resto. Mas mabuting nandito dahil hindi gaanong punuan. Makakapag-usap kami ng maayos ni Kuya Rameil. “Tama na ‘to Kuya... nalulula ako sa pinagbibili niyo. Halos kinulang pa sa tela. Kakabagin ako niyan at sobrang mamahal!” Irap ko rito na ikinatawa lang nito. Dumukwang pa nga sa akin kaya bahagya akong napapikit at umiwas. Nakontento na lang ito sa paghalik sa pisngi ko. “I want to spoil you, Baby.” Bulong nito. Lumunok ako at kunwari ay tinitigan na lang ang pagkain. Baka naman sumobra at hindi tamang lagi na lang ako ang masusunod. Sanay naman ako sa hirap kaya hindi na nito kailangan pang bilhan ako ng kahit ano-ano. “Mukha kayong sugar daddy, Kuya Rameil.” Ngumisi ako ron, mabilis lang. Tumawa ito, tawang-tawa yata sa iniisip ko. “It applies only for older men, Kelsey. And how many times do I have to tell you to stop calling me ‘kuya’? Dapat yata parusahan kita...” ngisi nito. Suminghap ako at umiling. Oo nga naman awkward kapag tinuloy-tuloy ko itong tawaging Kuya gayong sinagot ko na nga pala ito. “Ilang taon na nga pala kayo, Ku— uhm,” suminghap ako nang nakitang mas lalo itong napangisi pagkarinig sa tawag ko rito. “I’ll be turning 29 this November,” Namula tuloy ang pisngi ko pagkarinig doon. Sampung taon? Di naman masama dahil parang hindi naman tumatanda kung itsura lang ang pagbabasihan rito. “20,” naibulong ko na umabot pala sa pandinig nito. “Ang alin?” Tanong pa nito. Suminghap ako at napaisip. Dapat ko bang sabihin sa kanya? Na nagbilang ako ng taon kung kailan nahuli ko ito at si Ate Gelda? Doon sa kwarto nito? Pero boyfriend ko naman siya e! “10 ako noong nahuli kitang nag-aano, uh, kayo ni Ate Gelda... doon sa room niyo. Nakapatong siya sa’yo.” Amin ko, napakamot pa ng batok habang yumuyuko. Nang iangat ko ang mga mata ay nakita kong nalaglag ang panga nito. Waring di makapaniwalang umamin ako sa ganoong bagay. Wala ba siyang ideya? Hindi niya ba maalalang pinagsarhan niya ako ng pinto noon? Dito mismo sa tapat ng mukha ko. “Ikaw yon?!” Di yata ito makapaniwala at talagang gulat na gulat. Tumango ako at napakamot pa sa pisngi. “Ikaw pala yon, akala ko ibang bata Kelsey. Maitim ka noon eh parang binilad sa araw.” Namula tuloy ako at tama nga naman siya. Nabilad ako sa araw dahil bata kaya mahilig maglaro sa labas. Natuto lang akong manatili sa bahay nang pinagalitan na ako ni Mama. “Naninilip ka,” akusa nito na mas lalong nagpakawala ng komportable ko. “Sino ba naman kasing tanga ang hindi nagsisira ng pintuan? Bukas din ang pintuan niyo sa kusina.” Paalam ko rito. Natawa ito. Naaaliw yata sa sinabi ko. “Bata pa lang pala e dinungisan ko na iyang kainosentihan mo.” Proud pa yata, naningkit tuloy ang mga mata ko at sumubo ng buko salad. Tuwang-tuwa ba siyang dinungisan niya ako noon? Ang pangit kayang tingnan, habang tuwang-tuwa si Ate Gelda saka maingay ito, saka ang sagwa na talagang bumulwak iyong kalibugan ng babaeng yon. Kadiri! “Yang ekspresyon ng mukha mo, diring-diri.” Tawang-tawa pa nitong sabi. Lumunok ako at naalala ang itsura o sitwasyon ni Ate Gelda noon. Mas lumilinaw ngayon dahil nakikuwento ko na kay Kuya Rameil. “Tulad ba ng kay Ate Gelda iyong pinapakita ko pag-, uhm ano, ginagawa natin?” Bulong ko rito. Mas lalo yata itong nasiyahan at talagang tumawa na. Mabuti na lang malayo kami sa iba kaya hindi gaanong nakakahiya. Kung sakali mang maririnig iyong tanong ko. “She’s not innocent, Baby. Iyong sa’yo lalo na kapag lumulukot iyong mukha mo e, halatang inosente talaga. Nakakaturn on yong gano’n.” Nabulunan tuloy ako at tawang-tawa pa siyang inabutan ako ng tubig habang hinahaplos ang dibdib kong parang may bumara. “Saka, masyado ka ng sexy para ikumpara sa kanya. Nawala yata lahat ng taba mo at napunta sa balakang saka dibdib.” Kindat pa nito. Pulang-pula tuloy ako at napaiwas saka hindi sinasadyang napatitig sa malayong mesa. Kung saan may tatlong babae at isang lalaki ang nakaupo roon. At di maipagkakailang nakatitig sa’min. Nagchichismis yata. Napaiwas na lang ako at napatitig kay Kuya Rameil na nakatitig pala sa akin ng mariin. Nakangisi at waring nasisiyahan sa mukha ko. “K-kung makatitig, lagi naman tayo nagkikita sa bahay ah.” Iwas ko rito. Ngumisi pa itong lalo ng balikan ko ng mga mata. “Masyado ka lang talagang maganda, Kelsey saka ang cute-cute mo rin. Masarap kang titigan.” Masarap? Ano raw? Syet! Pumikit na lang ako ng mariin at hindi mapakaling ipinagkrus ang mga binti. Naramdaman niya rin yata iyon kasi ng idilat ko ang mga mata ay talagang nakangisi na ito ng pilyo. “Uwi na tayo? Mas gusto ko yatang magkulong sa kwarto mo.” Tukso pa nito. Lumunok ako at umayos ng upo saka tinuloy ang kinakain. Hindi ko na pinansin iyong huling sinabi nito. Bahala siya... kinakabahan ako sa pinagsasabi nito. Oo ganoon siya kalandi para maapektuhan ako ng ganito kalala. Maaga pa lang ay gumising na ako dahil ipagluluto ko pa iyong magkuya. Aalis na rin kasi si Kuya Rameil dahil may trabaho na at enrollment ni Romana ngayon kaya sasamahan ko na naman iyon isa. Alas cuatro pa lang e tapos na ako sa ginagawa. Naligo na rin ako kahit na maaga pa naman. Hindi naman kasi kalamigan ang tubig dito malayong-malayo sa probinsya kaya okay lang. Agad na rin akong nagbihis ng pambahay at basa ang buhok ng lumabas. Nagkagulatan pa kami ni Kuya Rameil na tapos na rin palang mag-ayos. Nakapolong puti saka slacks ito. Nakamedyas na rin at maayos na nakapinid ang buhok nito. Gwapong-gwapo! Syet na malagkit! Ganito pala ang itsura nito kapag nakauniporme. Nakakalaglag ng panga. Mas tumangkad pa ito lalo sa paningin ko at masyadong malinis. Amoy ko hanggang dito ang pabango nito. Lumulukob yata sa buong unit. “Manghang-mangha ka naman, Baby?” Natatawang sabi pa nito bago hinapit ang bewang ko at agresibong humalik sa labi ko. At ako naman itong dinantay lang ang palad sa dibdib nito at nakipagtagisan ng halikan. Ni wala pang ilang segundo ay basa na ang mga labi namin at maingay na rin ang halikan. Parang ingay... noong... uhm, yong daliri nito doon sa— “Nag-iinit ka yata,” sabi nito pagkatapos na putulin ang halik. Napakamot na lang ako sa pisngi. Pulang-pula. Kasi naging madumi ang isipan ko habang naghahalikan kaming dalawa. “Pagkatapos ng flight, mamaya ka sa akin.” Halakhak nito. Naitulak ko tuloy ito at saktong bumukas ang pintuan ni Romana at nagkukumahog itong may dalang damit at tuwalya. Ni hindi kami napansin nito at basta na lang naligo. Nagkatinginan tuloy kami ni Kuya Rameil na natatawa pa ito at humalik muli. Unli... unli kisses. Ay naku bakit ba? “Kung di ko lang iniisip na baka mahuli ako e baka dinala na kita doon,” nguso nito sa silid ko. Natatawang hinila ko na ito papunta sa kusina at pinaupo. Kung ayaw niyang ma-late dapat kumain na ito at hindi ako iyong kinakain niya. Syet! Nahawaan na. Nauna nang umalis si Kuya Rameil. Gusto pa nga sana kaming ihatid nito kaso dahil kailangan na siya sa trabaho ay sinabi ko na lang na maiintindihan naman namin. Saka nakapagbook na rin kami ng Uber na maghahatid at sundo sa’min. Di naman siguro kami ililigaw ng drayber. Pagkarating sa school ay tinulungan ko na rin si Romana sa mga kailangang requirements at papirmahan. Mabilis lang naman hindi tulad sa public. Sadyang may nag-aasikaso na at talagang alaga iyong mga estudyante. Pagkatapos no’n ay nilakad na lang namin ang cafe na pagtatrabahuan ko at nagpasa ng hinihingi nilang requirements. “Mukhang mayaman ka, iha...” sabi pa ng may-ari. Umiling ako at sinabing scholar ako sa UST kaya kailangan ko ng pera pangtustos sa mga kailangan. Mabuti at mabait iyong may-ari at sinabing okay lang kahit ilang minuto akong ma-late basta sisiguraduhin din nitong makakauwi ako ng maaga. Nag-aalala rin kasi itong baka hindi ko kabisado ang Maynila dahil bagong salta. “Wala akong part timer, bali ikaw lang. Kailangan ko kasi dahil may inaalagaang anak iyang isa kong serbidura. Kaya maghahati kayo ng oras.” Tumango ako at nagpirma na rin. Mabait talaga ito at nalaman kong maalaga nga ito sa mga katulad kong teenager. Wala kasi itong anak kaya buhos na buhos ang oras sa negosyo at talagang mababait sa mga staffs. May ipinakilala rin naman siyang ilan, iyong pumapasok lang sa office niya. At ang iba baka pag nakapasok na ako. Na sisimulan ko sa susunod na Linggo kahit hindi pa naman pasukan. Kailangan na kailangan na dahil kinuha na raw ng isang staff iyong anak nito sa probinsya. Pagkatapos noon ay naglakad na ulit kami ni Romana at sinabing kakain muna kami bago umuwi. Ako ang manglilibre kahit nagpupumilit iyong isa. “Ako na, minsan lang naman.” Sa tuwing nakikita kong napapangiti si Romana, naaalala ko talaga ang Kuya nito. Ganoon na ganoon ang ngiti nito. Kaay siguro kahit hindi naman kasama ito ngayon ay talagang naaalala ko pa rin ito. Magkapatid nga talagang tunay. Alas tres kami nakauwi, at nadatnan naming nagbabasa ng dyaryo si Kuya Rameil. Mas maaga ito kesa sa amin. Sabi niya ay Domestic flights lang ngayon kaya mabilis din itong nakauwi. Ngumiti ito sa amin pagkapasok, saka nilapag ang dyaryo at lumapit. Ginulo nito ang nakaayos na buhok ng kapatid kaya naglakad ito paabante para hindi na maabot ng Kuya. Kinuha niyang pagkakataon iyon para mahalikan ako panandalian kaya pinanlakihan ko na lang ito ng mga mata. Mabuti na lang talaga at nakatalikod pa rin ang isa kaya safe. Sinipa ko nga ang hita niya’t naglakad sa kusina para sana maghanda ng meryenda. Para rito. Dahil tapos na naman kaming dalawa ni Romana at mukhang napagod iyong isa. “Magluluto ka?” Tanong nito nang sumunod sa’kin. Parang tuko ngang nakakapit sa bewang ko. Siniko ko dahil baka mahuli kami at sobrang nakakahiya. “Ng meryenda mo.” Iling ko at nag-abot ng mantika. Napalingon nga ako sa gulat noong hinalikan niya ako sa pisngi. Para bang naglalambing. “Ipagluluto kita, tama na yan.” Iling ko. Tumawa lang ito at sumunod naman. Mabuti na lang talaga dahil hindi ako makakakilos kung laging kapit tuko ito sa akin. Hindi naman kami ilang araw na hindi nagkita. Ilang oras nga lang pagkatapos para itong makaaktong matagal kaming hindi nagkita. Ngumuso tuloy ako habang naghahanda. Saka inabot sa kanya ang inihanda ko. Kumagat ito habang nakatitig ng malalim sa akin. Kinilabutan tuloy ako’t yumuko. Pakiramdam ko binabasa niya ako gayong wala naman akong iniisip na iba. “Pakasal na kaya tayo?” Nalaglag tuloy ang panga ko. Hindi makapaniwalang nakatitig sa kanyang kunot ang noo at walang ngiti sa labi. Seryoso. Walang bahid ng panunukso. “Na-nag-uumpisa—“ bumuntong hininga ako. Grabi, nanginginig ang kalamnan ko sa kaba. Magkokolehiyo pa lang ako, mag-uumpisa pa lang ang buhay ko at hindi ko pa natutulungan sina Mama’t Papa. Kaya— “Habang inoobserbahan kita, Kelsey. Para ka talagang material wife. Kasal lang ang nasa isipan ko. Kaso kung ayaw mo pa, okay lang naman.” Ngiti nito, tulad ng ngiti kanina ni Romana. Napahinga naman ako ng malalim. Mabuti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD