1

1908 Words
"Kelsey! Ba't ka ba nagmamadali?" Tanong ni Papa habang nagdadrive ng Tricycle. Sinisilip ko nga ang labas. Baka sakaling madatnan ko man lang kahit sa labas ng bahay si Kuya Ram-Ram. Kahit isang silip lang sa isang araw. Kaya lang minalas at kahit sa pagparada ng tricycle ni Papa sa labas ng bahay namin ay hindi ko man lang nakita kahit anino nito. Di na nakakapagtaka kung inabot man ako ng tukso habang papasok ng bahay. Lalo na noong napagtanto na ni Papa kung bakit minamadali ko siya kanina. Tinitingnan ko kasi kung nandiyan pa si Kuya Ram-Ram. Kaya lang... umalis na yata. "Papa," saway ko kay Papa habang humihigop ng sabaw. Tawang-tawa si Mama. Sinapak pa sa balikat si Papa na tahimik nga ngunit panay naman ang tukso sa akin. "Ay Dioskopo!" Gulantang si Mama ng bumaba ako at nakaayos. Nakaayos nga ba talaga... kung ganito naman ang reaksyon ni Mama na parang nakakita ng multo? "Kelsey, ano ba iyan?" Kandailing na sabi ni Mama. Nilapag sa center table ang bitbit niyang lalagyan ng mga bagong labang damit. "Ano ka ba naman. Paano ka magugustuhan ng Kuya Ram-Ram mo niyan?" Ngisi nito habang pinupunasan ng gilid ng labi ko. Napanguso ako saka inayos ang nagulong buhok. Sabi ni Papa nandiyan na raw sa kabila si Kuya Ram-Ram. Bagong dating at nakauwi na rin sa wakas. Ilang buwan ko ba namang hinintay... at baka ilang buwan ulit ang hihintayin ko kung sakaling hindi ko na naman madatnan ito ngayon. "Ma! Alis na ho ako." Kunot noong paalam ko rito. "Goodluck baby Kelsey." Sumama iyong pakiramdam ko pagkasabi niya noon. Hindi na ako Baby at lalong ayaw kong maging baby. Ayaw noon ni Kuya Ram-Ram. Gusto niya yong katulad ni Ate Gelda. Isang College student na kahit malayo pa ay amoy na amoy ko na iyong pabango. Mukha pa siyang laging naliligo. Basa lagi ang buhok lalo na kapag napapadaan dito. Kaya dapat ganoon din ako. "O saan ang punta ni Kelsey?" Tanong ni Nanay Ameri. Nadatnan ko itong naglalakad sa tapat mismo ng bahay namin. Nakaipit sa kilikili ang wallet at may dalang isang supot ng mga gulay. Siguro dahil iluluto niya iyan mamaya... "Diyan po," turo ko sa kabilang bahay. Sa namumukod tanging may malawak na bakuran. At maganda ang pagkakagawa. Modern style daw sabi ni Papa. "Ah. Manliligaw na naman." Sumenyas pa itong goodluck. Ngumiti ako. Iyong malapad na ngiti. "Tao po," tawag ko. Walang lumabas. "Tao po," ulit ko pa. Imposibleng walang tao riyan. Sigurado si Papa na nand'yan si Kuya Ram-Ram. Hindi sinungaling si Papa. Kaya kahit alam kong mali, sinikap kong iakyat ang sarili doon sa bakod. Walang balakid. Dahil siguro kilala na ako ni Potpot at Pinpin. Iyong dalawang askal na alaga nina Kuya Ram-Ram. Gustong-gusto ko talagang makita si Kuya Ram-Ram. Kahit isang beses lang. Isang beses lang talaga at pwede na itong umalis ulit. Naiintindihan ko namang kailangan niyang magtrabaho kaya kahit isang sulyap lang okay na ako. Saka ang bata-bata ko pa para magpokus sa nararamdaman. Kaya kong maghintay. Kahit ilang taon pa iyan. Kayang-kaya ko. "Tao po," bulong ko habang tinutulak ang pintuan dito sa likod, dito sa dirty kitchen nina Nanay Minda. Walang sumagot kaya lakas loob ko nang pinasok ang bahay. Nilakad ko ang sala, na wala ring tao. Tinitigan ko ang tatlong baitang na hagdan. Alam ko iyan! Papunta yan sa tatlong silid. Isa kay Kuya Ram-Ram... alam ko kung saan iyon. Kagat ko ang pang-ibabang labi habang dahan-dahan na pinupunto kung saan iyon. Idinikit ko pa ang taenga... nagbabakasakaling marinig ko man lang iyong paghinga ni Kuya... kaso wala. Pinihit ko, kagat ang dila. Saka sumilip sa loob. "Ahh shit..." tumawa iyong babaeng nakatalikod sa akin. "s**t kaaa! Putaaa! Ang lakii," Kumunot lalo ang noo ko. Sinilip ko ulit, tinitigan iyong nakahigang lalaki. Si Kuya Ram-Ram! Napangiti tuloy ako at kumaway. Pero mukhang hindi niya ako nakikita. Pinihit ko ng pagkalaki-laki ang pintuan. "Aaahhhh, grabi ka Raaammmm! Ooohhh... ooohhh." Napanganga ako. Lalo na noong inangat no'ng babae ang sariling katawan saka parang gripo na umagos iyong puting parang tubig paibaba. Kunot na kunot ang noo ko. Napatitig ulit kay Kuya Ram-Ram na nanlalaki ang mga mata at napaupo. Mabilis pa sa alas kwatro na itinapis nito ang babae. Saka siya umalis sa kama. Nakatapis din at nagmamadaling lumapit sa akin. Pulang-pula ang pisngi ko habang nakatitig kay Kuya Ram-Ram na lakad takbo ang ginawa para lang pagsarhan ako! Mismo doon sa harap ng mukha ko! Ang lakas! Napanganga ako sa gulat... hindi ako nakakilos. Hanggang sa namuo ang luha sa mga mata... 7 years after... "Practice raw," turo ni Benjie doon sa open field. Tumango ako at sinubo lahat ng gummy bears na libre sa akin ni Fiona. Saka pinulot ang backpack at walang atubiling binitbit ang baton. "Ano iyan?" Tawang-tawa na hinila ni Fiona ang sout kong headband. Sumabog ang bangs papunta sa buo kong noo. Natawa tuloy si Benjie at ginulo ang bagong gupit kong bangs. "Ano ba?!" Aburidong saway ko rito. Padarag na iwinaksi ko ang kamay nitong nanggugulo. "Chill... ganda mo diyan." Hindi ko alam kung iniinis lang ako nito o totoong bagay nga ba talaga sa akin iyong bangs. Ngunit obvious naman yata na iniinis lang ako nito! "Tss," irap ko nga at tumakbo noong tinawag na kami ng bakla. Pumwesto ako sa unahan. Saka tinitigan si bakla na tinuro ang likuran. Saka ako pumito. Alas kwatro nag-uumpisa ang practice. At natatapos iyong ng alas sais. Mabuti na lang talaga at pwedeng lakarin ang eskwelahan hanggang bahay. At mabuti na lang din puno ng ilaw ang street kaya hindi nakakatakot umuwi ng mag-isa. Dapat susunduin ako ni Papa ngayon. Kaya lang kakapanganak pa lang ni Mama kaya hindi pwede. Hindi rin pwedeng hayaan si Mama sa bahay dahil caesarean at walang gagawa ng gawaing bahay. Kaya ko naman gawin lahat kaya lang may practice rin ako ngayon. Kaya si Papa ang gagawa pansamantala. Tumigil ako sandali at tinitigan ang mailaw na bahay. Kina Nanay Minda. Saka umismid at tumakbo sa papasok ng bahay. Tinulungan ko kaagad si Papa na naghahanda ng dinner. Ni hindi pa ako nagbibihis, ganoon naman lagi. Pag masama ang pakiramdam ni Mama... at lalo na ngayon. "Magbihis ka na." Utos ni Papa pagkatapos ng niluluto. Tumango ako at sumilip sa loob ng silid nina Papa... nakahiga si Mama. Mukhang tulog habang tulog din si Baby Israel. Naghalf bath na kaagad ako. Amoy pawis at usok kasi ako kaya kailangan talaga. Saka ako sumilip muli sa silid nina Mama. Gising na gising ang dalawa kaya pumasok ako. At tinanong si Mama kung kailangan nito ng tulong. "Bukas na Kelsey, labas kayo ni Baby Israel. Diyan lang sa bakuran habang nagpapainit." Tumango ako habang tinitigan ang bunso. Gwapo talaga... kamukha ko raw sabi ni Mama noong baby pa ako. Mukha nga. Maaga kaming natulog. Walang nagbalak na manood ng telebisyon. Ganoon din ako. Kailangang maaga akong magising bukas... ako muna ang bubuhat kay Israel habang nagpapainit sa labas. Kailangan iyon, traditional at maganda sa mga baby na nagyeyellowish... hindi naman ganoon si Israel ngunit kailangan pa rin. Pagkagising kinaumagahan ay inipit ko sa isang bungkos ang hindi pa nasusuklayang buhok. Sinilip ko si Mama na nandoon na pala sa sala at buhat-buhat si Israel. Ngumiti ako at nagboluntaryong ilalabas ang baby. Sinamahan ako sandali ni Papa. Ngunit bumalik din ito sa loob. Naiwan akong mag-isa. Hinihele si Baby Israel habang inienjoy naming pareho ang katamtamang init ng umaga. Tumagilid ako at hindi sinasadyang napatitig sa kabilang bahay. At doon, tanaw na tanaw ko ang paglabas ni Kuya Rameil. Tatlong taon ko siyang hindi nakita... at hanggang ngayon inis pa rin ako sa kanya. At talagang inis na inis. Kaya lahat ng pagkakagusto ko sa kanya noon, parang bulang naglaho. Nagtaka man sina Mama't Papa at ang mga kapitbahay namin sa pagmamaldita ko sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Kuya Rameil... wala namang nagtanong. Naalala ko, sinabi nilang baka nga graduate na ako sa mumunting pagkakagusto ko roon sa tao. Di nila alam... inis na inis pa rin ako hanggang ngayon sa mukha ni Kuya Rameil. Ikaw ba naman pagsarhan, talagang matatanggal lahat ng angas mo sa katawan. "Kels," tawag nito, nakatitig sa hawak kong sanggol. Dahil naiinis nga ako sa kanya, e isang irap ang ibinigay ko na ikinakunot ng noo niya. Marahil nagtataka. Na hindi naman dapat. Nakalimutan niya na ba ang ginawa niya sa akin noon? Umiyak nga ako eh... Sa sala nila. Ni hindi man lang ito nag-atubiling patahanin ako. Basta umuwi akong tinatago ang namamagang mga mata. "Kels," ulit pa nito. Lumabas na nga nang tuluyan sa sarili nilang bakuran saka umikot at tumayo sa harap ng bakuran namin. Gusto kong mainis, magdabog at palayasin ang gagong 'to kaso hawak ko si Baby Israel. Ayaw ko namang magulat iyong bata. "Anak mo?" Kulang na lang lumuwa ng literal iyong mga mata ko sa gulat. Laglag ang panga ko sa tanong nito. Mukha ba akong nanganak?! Saka desi siete lang ako! "Kapal mo! Pinagmumukha mo pa akong Nanay!" Mahinang sigaw ko rito. Natawa ito, ni hindi man lang natinag kahit ang sama-sama na ng titig ko sa kanya. Iyong nambubutas hindi lang katawan kundi kaluluwa nitong madumi. "Akala ko---" iling pa nito, idinantay nito iyong kamay sa tarangkahan ng gate saka tumitig sa hawak kong baby. Parang gusto niyang pumasok ngunit mas pinili yatang tumitig na lang doon. Ngumuso tuloy ako at hindi nakapagsalita, lalo na noong nagpaalam siya, "--- pwedeng pumasok? Gusto ko lang makita nang malapitan." Naningkit ang mga mata ko ngunit dahil ang kapal ng mukha nito ay talagang hindi na naghintay sa sagot ko at basta na lang pumasok. Inis nga akong lumalayo sa kanya dahil dikit ng dikit. Hanggang sa napanganga ako... Nanlalaki ang mga mata at kilabutan dahil sa madiing hawal nito sa'king bewang. Para maipirmi ako sa isang tabi. "Kamukha mo, sigurado ka bang hindi mo anak iyan?" At sa halip na intindihin ang nararamdaman, pinili kong titigan ng masama si Kuya Rameil na ang lapit-lapit ng mukha. Gusto ko ngang lumayo kaso lalong humihigpit ang kapit ng mga daliri nito sa bewang ko. Para bang gustong bumaon noon doon. "Di pwedeng kahit magkapatid lang e magkamukha?" Iritableng tanong ko rito. Napahalakhak ito dahilan kung bakit kumislot si Israel. Winarningan ko nga siya at inutusang tumahimik kasi nagugulat ang kapatid ko. Mukhang nakakaintindi naman at pinili na talagang tumahimik. Nakontento ito sa pagtitig sa kapatid ko. Hindi nagsasalita... Napatahimik tuloy ako. Mapapanis yata laway ko dahil sa lalaking 'to. Iyong inis ko e kinalimutan ko na lang. "Kailan ka pa nagdalaga, Kelsey?" Tanong nito. Nagulat ako sa kanya kaya napatitig ako sa mukha nito. Ang lapit-lapit talaga. Mukhang walang balak na lumayo. Dumikit pa nga sa akin. "Excuse me?" Nilipat nito ang mga titig mula sa kapatid ko direkto sa mga mata ko na ngayon nga'y gulat. Kakainis kasi natutunaw ako sa mga titig niya. Naiinis ako sa sarili... Dapat maalala ko pa rin iyong walang modong ginawa niya sa akin! "Gumanda ka lalo." Ngiti nito saka lumayo. Namilog ang mga mata ko sa gulat. Saka nauwi sa paniningkit. I don't trust his— "Baby!" Dahan-dahan naming nilingon pareho si Ate Gelda na ang lapad ng pagkakangiti. Na kinawayan si Kuya Rameil... siya nga iyong kasama nito noon... doon sa silid ni Kuya Rameil. Na nagkakabayuan. Mga baboy! Iritableng irap ko sa isipan. Di man lang naglock!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD