2

2098 Words
“Ma, may practice po kami mamaya.” Paalam ko kay Mama pagkatapos na hugasan ang pinagkainan. Nandoon sa sala si Mama at nakaupo habang buhat-buhat niya si Israel. Si Papa kanina pa nakaalis. Namasada para naman may maikain kami. Ilang araw din kasi siyang naging tambay sa bahay... lalo na noong nanganak si Mama. Naubos yata lahat ng ipon namin. Ganoon din ang ipon kong ibinigay sa kanila. Alas tres ng natapos ako sa pagligo. Basang-basa pa ang buhok at tumutulo ang ilang tubig. Mas umaalpas ang amoy ng conditioner kesa doon sa inispray kong pabango... galing pa naman iyon sa ibang bansa, bigay ni Aunt Beth. Natatakpan lang. Dahil malapit lang naman ang plaza ay nilakad ko na lang ang distansya. Nandoon na ang ilang mga kaibigan, ngunit hindi pa naman kompleto. Kaya nagkaroon pa kami ng oras para pumasok sa gym at manood ng basketball. Kilig na kilig si Fiona habang tinuturo si Alfonso. Na ang galing-galing talaga kaya di na rin nakakapagtaka kung varsity ito at hearthrob sa school. Lahat yata ng babae ay may gusto sa kanya. Pati si Fiona kinikilig kapag nakakapuntos ito. Ako nga, ewan... gusto ko lang panoorin ang smooth na galaw nito. Napatitig ako sa kabilang court. Nakita ko si Ate Gelda nakatayo at inaayos ang sout na spaghetti strap. Saka ito ngumiti at lumingon sa kabila. Kumunot tuloy ang noo ko at napatitig doon sa tinitingnan nito. Dahilan kung bakit para akong tinuklaw ng ahas at namumutlang tinitigan si Kuya Rameil na nakikipag-usap sa isang kaibigan. Ngunit hindi iilang segundo ay napalitan iyon ng pagngitngit. Sa tuwing nakikita ko ang dalawa, walang pagsidlan ang inis na nararamdaman ko. Pumito kaya naputol ang titig ko kay Kuya Rameil. Tinitigan ko si Alfonso na nakapamaywang at nakatingala. Hinihingal ng sobra-sobra kaya panay ang yugyog sa akin ni Fiona. Alam kong kinikilig iyan. Matagal na nito nasabi na kahinaan nito ang mga lalaking kumikining sa pawis. Ha? Nakuuu, total turn off sa akin iyan! “Gagong Rameil,” Natigilan ako sa pagtitig sa gitna ng court noong narinig ang pagmumura ng kung sino dito sa likod. Nanigas lang ako at wala talagang balak na lingunin ang mga tsismosang nandito. Kaya lang, kahit walang nabanggit na apelyido, alam kong si Kuya Rameil ang nabanggit na iyon. “Pagkatapos kay Rita e binalikan si Gelda, mukhang hindi naman sineseryoso.” Wait! Ano daw? Teka nga lang, sa pagkaalala ko matagal na sina Kuya Rameil at Ate Gelda. At sinong Rita naman ito? Hindi ko maalala kung sinong Rita nga ito. “Paiba-iba ng babae. Kinakama nga yata lahat-lahat.” Teka nga lang, sino ba kasi ang Rita na ‘to? Hindi ko yata kilala at wala akong kilalang Rita na taga dito. At ano raw? Kinakama? Di naman yata nakakapagtaka iyon. Kaya nga... diring-diri ako sa lalaki na yon. “Kelsey!” Tawag ng kung sino kaya naputol ang pakikinig ko roon sa pinag-uusapan. Tinitigan ko si Fiona na nanlalaki ang mga mata at pati butas ng ilong. Tinuro nito ang gitna ng court kaya kunot noong sinundan ko iyon. Kaya lang pati ako ay napamulagat. Tinitigan si Alfonso na sinuntok si Kuya Rameil! “Takte.” Napatayo ako roon at binalikan ng titig si Fiona na kulang na lang ay tumakbo pababa para lang makiawat. “Anong nangyari?” Kabadong tanong ko rito. Di pa yata nakakamove on sa nangyayari at halatang nagulat sa nangyari. Ako nga ay walang ideya kaya parang lutang na sumasagap ng balita. “Ewan ko!” Napairap ako roon at tinitigan ang dalawang nagpaawat naman. Galit na galit si Alfonso. Parang mangangain ng taong buhay. Samantalang si Kuya Rameil parang hindi naman natinag at pinunasan lang ang dugong kumapit doon sa gilid ng labi nito. “Ano ba kasing nangyari?” Ulit ko rito. Nilingon ako nito at inilingan. Halatang walang ideya sa nangyari kaya hindi ko na lang ipinilit. Pinaalis ang dalawang nag-away. May escort papunta sa brgy hall. Nakasunod lang ang mga mata ko roon sa dalawa, si Alfonso mukhang galit pa rin at ang bigat-bigat ng mga hakbang. Samantalang hindi pa rin natitinag si Kuya Rameil. Hindi na tumagal ang pakikiusisa namin sa totoong nangyari dahil tinawag na kami para sa practice. Nawala rin sa isipan ko iyon hanggang sa natapos kami. Umikot ako paharap sa kanila at pumito. Hudyat na tapos na ang practice. Tinawag ko si Fiona at sinabing magpapahinga lang kami sa tapat ng Hall at doon bibili ng makakain. Ngunit ang totoo gusto ko lang talaga makisagap ng balita. Hindi ako mapakali, pakiramdam ko ay may malalim na dahilan. Nakatutok ang mga mata ko roon sa nakasaradong pintuan. Maaga pa naman kaya siguradong nandiyan pa ang mga nasangkot sa gulo kanina. Malakas ang pakiramdam ko. Lalo na noong dumating si Ate Gelda at kabadong nakatayo sa harap noon. Umayos ako ng upo at muling tumitig sa nakapinid na pintuan. Ilang minuto pa ng bumukas at lumabas si Alfonso. Namumula ang pisngi at bahagyang natigilan, nakatitig na ngayon kay Ate Gelda na hindi ko alam kung anong klasing ekspresyon ang binibigay sa varsity player. At literal na nalaglag ang panga ko noong hinila nito paalis sa harap ng brgy hall at dinala palayo roon. Binalingan ko Fiona na mukhang nagulat din sa nasaksihan. Nakanganga, nakastock ang pagkain sa loob ng bibig at mukhang nagkatrauma pa! Ibinalik ko ang mga mata doon at nakitang lumabas na rin si Rameil na hinihilot-hilot ang panga. Nangasim tuloy ang pakiramdam ko’t tumitig sa open field. Tinitigan ko ang ilang band members na nagpaiwan at tulad namin ay wala pang balak na umuwi. Tinitigan ko muli ang harap ng Brgy Hall at kunot noong tinitigan si Kuya Rameil na naglalakad palapit dito. Tumigil nga sa harapan ko dahilan kung bakit napatingala ako rito. “Nakita mo?” Ha? Ano raw? Teka nga hindi ko maintindihan. Nilingon ko tuloy si Fiona na parang nadepress pa yata sa nangyari. “Kelsey...” tawag nito sa mahinahong boses, “Nakita mo ba?” Ulit pa nito. “Ang alin?!” Iritableng balik tanong ko rito. “I kissed Gelda.” Sabi nito sa mahinahong boses. Napanganga ako sa kanya, nakalimutan ko nga pala na kumakain ako ng meryenda kaya di nakakapagtaka kung hindi ko na subo iyon. “K-kaya ba—“ tinuro ko sa malayo si Alfonso, ngunit sa huli inilingan ko ang sanang tanong, bakit naman kamo ako makikialam? “—Nevermind,” iling ko’t bumaba sa sementong upuan. Tinapik ko muna si Fiona at sinabihan siyang uuwi na kami, kailangan ko pang magsaing at kailangan ko ring palitan sa pagbabantay si Mama. At kung anuman ang nangyari sa tatlong yan, labas na ako. “Teka!” Tawa nito nang pinigilan ako sa braso. Nanigas ako roon at binalikan ng titig si Kuya Rameil na halata namang pinagtitripan lang ako. “Nandiri ka naman diyan,” tukso nito. Napaawang na lang ang labi ko roon. I get it! Di ba obvious na nandidiri nga ako sa kanya? Sino ba namang nasa matinong pag-iisip ang hindi mandidiri sa lalaki na ‘to?! Buong kabataan ko siya lang ang natatangi kong crush noon! Pagkatapos... pagkatapos... Kulang na lang tumirik ang mata ko sa inis habang binibigyan ito ng nang-iinis na pangsna-snob. “Kuya...” tunog pangaral ang tawag ko rito, “... we’re not close! Tss.” Irap ko rito saka nagmamadaling hinila si Fiona na may aftershock pa rin sa nangyayari. Panay ang litanya ko sa sarili habang naglalakad kami pauwi. Dahil malapit lang naman ang bahay nina Fiona ay nauna na itong nakauwi. Naiwan akong mag-isang naglalakad. Maaga pa naman kaya noong nadaanan ako ni Papa ay libreng sumakay na ako pauwi ng bahay. Nilapag ko lang sa gilid ng sala door ang dalang baton saka nagmamadaling naghanda para sa pang-saing. Saka lang ako umakyat ng nakitang na-slice at naihanda na ang lahat ng kakailanganing kasangkapan mamaya sa lulutuin kong ulam. Pagkatapos ay mabilis ding bumaba para tingnan kung lutong-luto na ba talagang ang bigas. Binalikan ko si Papa na ngayon nga’y nakatayo sa gitna ng sala at hinehele si Israel. Tinitigan ko naman si Mama na nakakaramdam na yata ng kaginhawaan habang nakaupo sa sofa. Tumabi ako rito kaya malumanay niyang nginitian ako at hinaplos sa ulo. “Papa, dalaga na talaga ang panganay natin.” Ngumuso ako lalo na roon sa tawa ni Papa na parang tunog nanunukso. Ewan ko ba, kaya ganito ako kalimbang at masunurin kina Mama’t Papa dahil nasanay akong mag-isa noon. Hindi naman ako nakakaramdam ng selos, lalo na at mahal na mahal ko iyong bunso namin. Lalo na dahil gwapo saka ang cute-cute kapag naghihikab. “Kailan nga ulit ang kompetisyon niyo?” Tanong kaagad ni Papa. “Next month pa naman Pa, saka nakapagdown na ako roon. Inipon ko lahat ng baon ko.” Ngumiti si Papa parang nasiyahan sa ibinalita ko. Pag kaya ko namang bayaran, binabayaran ko na kaagad saka matagal na akong masinop sa pera lalo na ramdam ko ang hirap ng buhay. Hindi naman kami mayaman, at pamamasada ang unang puhunan ni Papa. Si Mama may kinukuhang kita doon sa Farm namin ngunit hindi naman palagian at sumasakto lang sa araw-araw naming pangangailangan. Pagkatapos kumain ay nanonood muna kami sandali ng telebisyon saka nagdesisyon na matulog dahil pareho kaming maaga pa ni Papa bukas. At pareho rin kaming nagigising ng umaga. Si Papa nagsasaing at ako ang nagluluto ng ulam saka pareho kaming maghahanda ng baon. Sinisigurado rin namin na may maiiwang pagkain para kay Mama. Saka kami babyahe at una nito akong hinahatid sa eskwelahan kahit pwede namang lakarin na lang. Ako ang mag-aaral buong araw, si Papa naman ay mamamasada sa Sentro. Gabi na rin ito nakakauwi kaya balik sa dating gawi, pagkauwi ako ang maghahanda para sa hapunan. Ganoon palagi. Okay naman, sanay na ako roon. Simula’t sapul hindi ako pinalaking spoiled kaya alam ko lahat ng gawaing bahay. “Mayaman kami, kaya kitang buhayin, Kels.” Pigil na pigil ang tawa ni Fiona habang kumakain ng mamon. Pinili ko ngang dito kumain sa malayo kasi tinatakasan ko si Clyde... pagkatapos wala pang ilang minuto sinundan na ako ng walanghiya. Ang sarap dabugan kaya lang nakita ko si Principal at sinisipat kami rito. Sigurado kapag ginawa ko iyon magiging isa ako roon sa ilang napatawag na sa Guidance dahil sa hinayupak na ‘to. Pasalamat siya’t anak siya nitong Principal at hindi pwedeng awayin. Tss... palihim akong umirap saka sinubo ng buo ang mamon at sinadyang maging walang manners habang sinasagot siyang— “Mhaahhg-ahahral pah thayoh...” Napagalpak tuloy ng tawa si Fiona. Mangingiyak pa nga habang pareho naming tinititigan si Clyde na napangiwi saka tumayo at umalis ng walang paalam. Dapat lang... tawang-tawa ako habang sinasapak sa balikat si Fiona na nabulunan na sa kakatawa. “Ang babaw noon,” Nanigas sa ere ang tawa ko at napalingon sa likod. There, nakatayo si Kuya Rameil kasama si Romana... iyong bunso nilang kapatid na ang fluffy-fluffy ng pisngi. Ang sarap kurutin saka sobrang bait niyan. Kabaliktaran sa balahura niyang kapatid. “Ano?!” Iritableng baling ko rito. Ngumisi ito... “Ang babaw ng manliligaw mo. Na-turn off kaagad.” Umismid ako at tinitigan si Fiona na napaiwas ng titig saka tinitigan si Alfonso na naglalakad doon sa quadrangle. Natatarantang binalingan ko si Kuya Rameil at aminado ako roon na kahit inis ako sa lalaking ‘to e nakakaramdam ako ng pag-aalala. Na hindi naman dapat dahil deserve niyang masuntok! “Pwede palang pumasok ang outsider?” Mas lalo itong ngumisi at binalingan si Romana na kahit hindi naman mainit at wala namang nakaka-awkward na pangyayari, ay talagang namumula ang pisngi. Parang puputok sa sobrang pinkish. “Sinamahan ko lang ‘tong kapatid ko. Ikaw? Bakit nandito kayo?” Turo nito sa palibot. Oo nga sobrang lapit na noon sa masukal na kakahuyan. Kaya nga wala masyadong lumalapit dito dahil maliban sa malapit ito sa office ng principal e talagang katatakutan ang dilim sa bahaging gubat... ang totoo, wala namang nakakatakot maliban na lang kapag may naligaw na ahas. “Malamang estudyante ako ng school na ‘to?!” Iritableng tayo ko rito. Napatalon nga si Fiona at lumapit sa akin. Namimilog din ang mga mata ni Romana. Nagulat pareho sa outburst ko. Gusto kong maiyak sa inis. Konting galaw lang ng lalaking ‘to para na akong bombang sumasabog. Mainit talaga ang ulo ko rito... “Chill,” tawang-tawa na pampakalma nito. “Chill mong mukha mo.” Irap ko’t nagmartsa paalis. Mas lalo akong nainis noong narinig ang tawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD