Family...

1229 Words
"Hija, you should give up the project with the Sandejas and and let your brother take over instead," malumanay na saad ni Mr. Pedralvez. Dahilan upang marahas na nag-angat ng tingin si JL. Pinatawag ang dalaga ng kanyang ama sa sarili nitong opisina ngunit hindi siya natinag dahil alam niya ang dahilan kung bakit gusto siyang kausapin nito. Hindi lubos akalain ni JL na ito mismo ang pupunta sa kanya. "What!" wala sa loob na naibulalas ng dalaga. "You should not be dealing with those kind of people anak," puno ng pag-aalalang sabi nito na nakatunghay sa kanya. May bumangong galit sa dibdib ng dalaga, "Dad, why are you doing this to me?" puno ng hinanakit na sabi niya. Ni hindi nga siya nito pinuntahan kahit nung birthday niya tapos biglang sasabihin nito na ibigigay sa kuya niya ang project na pinaghirapan niya. It's one of her tickets to become the CEO tapos gusto nitong ipamigay lang niya! "It's not what you think princess. This is for your own sake," nakikiusap na saad nito. Pumalatak ang dalaga. There he goes again, attacking her weakness. "If you're really concern about me, then you should be supporting me instead! And stop calling me princess! I'm no longer the little you used to sweet talk over the phone," pigil ang galit na pahayag niya. Naniningkit ang mga matang tumingin siya sa ama ngunit tila may mainit na kamay na humaplos sa puso ng dalaga. How long has it been since she gets to see him close like this. Mababakas na sa mukha nito ang edad nito, subalit sa kabila niyon ay hindi maipagkakaila ang taglay nitong kakisigan noong kabataan nito. His body is still fit. Alam niyang maalaga ito sa katawan. Sa edad nitong 65 ay suki parin ito sa gym kaya naman wala halos makitang taba sa katawan nito. She blinked back the melancholy that’s beginning to show in her eyes. Tila gusto namang lapitan at yakapin ni Mr. Pedralvez ang anak. Isa ito sa mga bihirang pagkakataon na nakasama ng matanda si JL. Kahit nasa iisang building sila ay bibihira lang nitong makita ang anak dahil sinasadya siyang iwasan nito. Kaya naman walang pinapalampas na board meeting ang matanda. Kahit hindi naman siya kailangan minsan ay dumadalo parin siya masulyapan lang ang dalaga. He knows how much she was hurt by him. He regrets all the things he had done. JL is right, she's no longer the sweet daddy's girl that he remembered. Nahiling nito sa sana pwede pang ibalik ang mga nangyari at itama ang lahat. Siguro hindi humantong sa ganitong sitwasyon ang relasyon nilang mag-ama. "Lorisse, I'm just worried about your safety. I know those people. I know what they are capable of, diba sabi ko sayo before na iwasan mong makatrabaho sa project ang kumpanyang iyon." Ang tinutukoy ng ama ay ang Sandejas firm. Isa itong middle scale contractor company na bagamat sikat ay napapabalitang madaming anomalyang nagawa sa kanilang mga proyekto. But none of those has been proven in the court as far as she can remember. "When did you start believing in gossips dad?" sarkastikong tanong niya sa ama. She cannot believe it, dahil lang sa mga sabi sabi nais nitong igive-up niya ang napipintong project nilang magtayo ng cultural center. Ito ang isa sa mga pangarap ng kanyang ina. Noong nabubuhay pa ito. Mahalig dumalo ang mommy niya sa mga art events lalo na sa mga auctions. Yung bahay nila sa Rochester ay punong puno ng mga mamahaling artworks. Balak ng dalaga na I-display lahat ang mga ito sa gagawin nilang cultural center sa oras na makumpleto na ito. She knows her mother would love that. "They are not just gossips, sadyang matinik lang ang may-ari ng kompanya kaya nalulusutan nila ang mga lawsuits," paliwanag ng ama. "I see. So now you are badmouthing them. Really dad?" "Hey! Juliana Lorisse! Don't you think you're being too much! Wala ka na bang respeto sa Daddy?" galit na boses ni Nicolo Pedralvez ang nagpatigil sa pagdidikusyon nilang mag-ama. Hindi nila namalayan ang pagpasok nito sa loob ng kanyang opisina. JL rolled her eyes. Oh great! At nadagdagan pa ang kontrabida na sisira sa araw niya. "And what brings you here again?" malamig ang emosyon niyang sabi sa kanyang kuya. "Watch your tone little sister, I'm still older than you!" matigas na saad naman nito. "Tell me, are you hear to coerce me as well to give up the cultural center project? Why, do you feel threatened now? Pati si daddy ginagamit mo na para lang makuha ang gusto mo!" bulyaw niya dito. Mas mataas ang pisisyon nito sa kanya sa kasalukuyan at alam niyang madaming pabor na investor upang maging CEO din ito. Ang pinaglalaban lang niya ay ang posisyon niya bilang legal heiress ng mga magulang idagdag pa na sa kanya ang pinakamalaking share sa kompanya. "You are taking this all wrong JL," anang kuya niya. "Ah, so what do you want me to think? Na concern kayo sa akin? Ha! Do you even really care about me? Specially you dad, you know that I'm doing this for my mom. Kahit ito nalang sana ibigay mo para sa kanya," nangingilid na ang mga luha niya. She can no longer bear the pain. Pinagtutulungan pa talaga siya ng mga ito. "You're wrong hija. We are not trying to stop the project. I just want you to hand it over to your brother so he will be the one to deal with the Sandejas. Iyon lang anak, ayoko lang mapahamak ka." "Dad what are you so concerned about them? They won the bid legally; in fact, they have the best price," inis niyang sabi. Hindi niya maintindihan ang punto ng ama. "What dad’s trying to say is that you shouldn't be associating yourself with them. Sinabihan na kita dati pa before signing the contract with them. The world knows what kind of people they are behind their masks." "Wow! I didnt know na nasa pamilya pala ako ng mga judgemental!" natatawang naiinis na bulalas niya. "Dad, this is pointless. I think we should go," baling ng kanyang kuya sa kanilang ama. Nanlumo ang mukha ng matanda. Alam nito na hindi siya bibigay sa kagustuhan nila. Tiningnan siya ng diretso nito. JL saw anguish and regret in his eyes. Pagkatapos ay inakay na ito ng kuya niya palabas ng kanyang opisina. JL felt like a heartless daughter. Her heart almost gave her up. Gusto niyang habulin ito at yakapin. Despite of his betrayal her dad still occupies the biggest part of her heart. Mabigat ang loob niyang napahugot ng hininga. Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata mapigilan lang ang paglabas ng kanyang mga luha. Napasandal siya sa backrest ng kanyang swivel chair at napahawak sa sentido. Kakasimula palang ng araw niya pero sirang sira na. Muling humugot ng malalim na hininga ang dalaga. Things would have been different if her dad told her about everything. But no, he chose to leave her in the dark. God knows she wanted to forget everything if only he would just say sorry and explain everything. “What a life!” mapait na bulong niya. Ipinilig niya ang ulo. She’s got tons of work to do and there’s no time to be despondent. Lingid sa kaalaman ni JL may tahimik na nakamasid sa kanya at lihim na nasasaktan. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD