I'm Home Dad!...

1321 Words
IN spite of the heated argument between her and her family, JL's day went by without any further trouble. Halos hindi niya namalayan ang paglipas ng buong araw. Alas-sais na ng hapon nang maisipan niyang gumayak upang umuwi. Nasa basement parking na si JL at busy siya sa paghalungkat ng kanyang bag para hanapin ang susi ng kanyang sasakyan nang maulinigan niyang may nagsalita. “Come on, let me drive you home,” anang pamilyar na baritong tinig. Nahigit niya ang paghinga. Akala niya ay kanina pa nakauwi si Marco. So far, she’s been successful on evading him. JL is aware that these past few days he is trying his best to talk to her privately. Perhaps, the reason is because of what happened between them. However, her mind is too occupied right now. Hindi pa siya handang pag-usapan ito. His offer is so tempting dahil wala siya sa mood magdrive. Kaya lang hindi niya makita ang susi niya. Kanina pa niya iyon hinahanap, nabuksan na niya lahat ng drawer ng kanyang desk pero wala ito doon. “I don’t know where my car key is,” saad niya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil doon. Hindi lingid sa binata ang pagiging makakalimutin niya minsan. Kumunot ang noo ni Marco sa narinig. Mabuti nalang pala at hindi siya umuwi kaagad. “No problem. Let’s use mine,” aniya at nagpatiuna nang maglakad patungo sa sariling sasakyan. Tahimik namang sumunod ang dalaga. Pinagbuksan siya ni Marco ng pinto sa may passenger’s side. Nag-aatubiling pumasok si JL at mabilis na isinuot ang seatbelt. Inihilig niya ang ulo sa nakasarang bintana ng sasakyan, bagay na nakagawain niya mula pagkabata sa tuwing nakasakay at kapag nais niyang makalimot sa mga bagay na bumabagabag sa kanyang isip. Nag-eenjoy siya sa nakikita niya sa paligid. Laking pasalamat nalang niya dahil hindi din siya kinikibo ng katabi niya. Nasaksihan nito ang naging diskusyon nilang mag-aama. Kahit pa walang imik lang nitong ipanagpatuloy ang ginagawa kanina alam niyang nasa kanila ang atensiyon nito. Umalis siya sa pagkakahilig sa bintana pagkatapos ay isinandal niya ang likod sa car seat. Bigla siyang iginaya ng antok. ************************************* MIA (Manila International Airport) 20** After 3 months of mourning, nagpagpasiyahan ni JL na sundin ang huling bilin ng kanyang mommy. Nagpaplano sila ng ina na magbakasyon sa Maldives sa kanyang kaarawan. Subalit, bigla itong manghina, isinugod niya ito sa hospital only to find out that her mom has a cervical cancer. Worst is that matagal na itong nasa critical stage. Labis ang sakit na naramdaman ni JL dahil wala siyang ka-alam-alam sa sakit ng ina. All those times she thought her mom was a strong woman and that nothing could defeat her. In 2 months', time, her mom's situation worsened, and a day before her birthday, she succumbed to death. JL felt so alone, her mom became her only companion when Nana Loring died. That was the darkest days of her life. Then her best friend came when she was about to give up. Halos mahigit isang buwan din siyang sinamahan nito hanggang makapagbabang luksa siya. On her deathbed, isa lang ang paulit-ulit nitong sinasabi, na umuwi siya ng Pilipinas at bawiin ang dapat sa kanya. That's why she's here. "Ma'am, taxi?" iyon ang tanong na pumukaw sa pagmumuni-muni ng dalaga. "Manong, sa building ng Pedralvez Holdings," wika niya saka sumakay. Namamanghang tiningnan siya ng driver. Marahil ay hindi nito inaasahan na marunong siyang magsalita ng Tagalog. Hindi naman baluktot ang dila niya, sadya lang na hindi niya maalis ang accent kahit pa patagalog siya magsalita. Kahit naman sa Amerika siya ipinanganak at lumaki ay hindi pumayag ang ina na hindi siya matutong magtagalog. Once a week ay mayroon siyang Filipino lesson kaya kahit papano ay may alam siya sa Tagalog. On the side, tinuruan din siya nito ng history at culture ng bansa. "Mabuti nalang nagtatagalog kayo Ma'am. Akala ko mauubusan ako ng Ingles buong byahe," magiliw na sabi sabi ng driver. Ngiti lang ang isinagot ng dalaga. Walang ka-ide-ideya si JL kung saang direksyon sila patungo. She didn't have time to look for her dad’s office address in the internet. The other day pagising niya, agad pumasok sa isip niya ang bilin ng ina, after a 26 hours flight with 2 stop overs, here she is. She didn't even bother contacting her father to let him know about her arrival. Maski ang kaibigan niyang matalik na si Elleana ay hindi din sinabihan ng dalaga. Tahimik lang siya buong byahe nila. Natigil sa pagninilay si JL nang tumigil ang taxi sa tapat ng isang malaki at matayog na gusali. "Ma'am, nandito na po tayo," maya-maya ay untag sa kanya ng driver. Nagpasalamat ang dalaga saka ito nagbayad. Nang makababa mula sa sasakyan ay sinipat ni JL ang kabuuan ng building. Kung ikukumpara ito sa mga katabing gusali ay di hamak na mas mataas ito at mukhang mas moderno. Sa tantiya niya ay aabot ito ng apat na pung palapag. "Pedralvez Holdings," usal ng dalaga. Hila-hila ang kanyang maleta, tuluyang pumasok sa building ang dalaga nang pagbuksan siya ng nakabantay na security. Tinanong siya nito kung ano ang pakay niya doon at sinabi niya ang pangalan ng ama. Biglang naging pormal ang tindig nito at sinabihan siyang tumungo sa reception area. Nagtungo naman ang dalaga sa direksyong sinabi nito. Batid niya na pinagtitinginan siya ng mga tao sa lobby dala marahil ng hila niyang travelling bag. Ipinagkibit balikat lang iyon ng dalaga. Agad nilapitan ni JL ang isa sa mga receptionists, "Miss, I'm here for Juan Antonio Pedralvez," aniya with her usual American accent. Bahagyang natigilan ito sa sinabi niya, "Pardon Ma'am?" Tila hindi ito sigurado sa narinig. "I'm looking for Mr. Pedralvez. Tell him his daughter Lorisse is here," pag-uulit niya. Nataranta ang receptionist sa sinabi niya. Mukhang narinig din ng ilang tao na malapit sa kanila ang kanyang sinabi. Biglang nagbulungan ang mga ito. "What's with these people!" tila may bumangong inis sa dibdib ng dalaga. "Miss Pedralvez, I have called the Chairman's office. One the of the staff will be here for you shortly," alanganing ngumiti ito sa kanya. Hindi makapaniwala si JL sa narinig. Chairman? Does it mean na pag-aari ng pamilya nila ang buong building? But how? Ang alam niya may kaya sila, but with this kind of wealth, tila nalulula ang dalaga. "Ok, thank you." maigsing saad ng dalaga. Hindi nito ipinahalata ang pagkabigla. Pagkatapos ng ilang sandali ay may babaeng lumapit sa kanya at nagpakilala. "Hello Miss, I am one of your father's staff. I was told to bring you home." magalang na sabi nito sa kanya. Bahagyang nalungkot ang dalaga. Akala pa naman niya makikita niya ang ama. Sa totoo lang hindi niya alam kung paano haharapin ito. Ilang taon na din ang nakalipas mula noong huli silang magkita.nHe stopped visiting her since her 13th birthday. She notified him about her mom's passing pero ni maigsing reply ay wala siyang natanggap mula dito. Hindi man harapang ipakita ng mga ito sa kanya, mula pagkabata ay alam niyang hindi maayos ang relasyon ng mga ito. But still, she expected him to at least be there for her. In all fairness sa mommy niya kahit tumigil na sa pagdalaw ang kanyang daddy ay never na nagsalita ng hindi maganda ang ginang tungkol sa asawa. Noong una ay sumama ang loob ni JL sa ama dahil palagi itong may dahilan ng hindi nito pagpunta. Pero sinabihan siya ng ina na huwag magtatanim ng galit, intindihin nalang umano niya ito dahil ang ginagawa nito ay para sa kinabukasan niya. Kaya sa kabila ng mga nangyari ay walang makapang galit sa dibdib ang dalaga. "Please follow me. The car is waiting outside." Wala siyang nagawa nang kunin nito ang kanyang maleta. Tahimik nalang siyang sumunod dito. Anyway, tiyak namang magkikita sila nito sa bahay. Magpapahinga muna siya. Mahaba habang pag-uusap ang gagawin nila ng ama pagkauwi nito. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD