Little Escapade 1...

1173 Words
JL woke up when she felt the car stopped. Ang buong akala niya ay nakarating na sila sa Luxurious Clover - isa sa mga hotel na pag-aari ng kanilang pamilya kung saan siya nakatira. Ngunit nagtaka siya nang mamulatan niyang wala sila sa harapan ng hotel. Bagkus ay parang nasa tuktok sila ng isang bundok dahil kita parin ang hamog kahit madilim na ang paligid. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang katabing binata, "Where are we Mr. Lopez?" "I brought you somewhere so you can relax. Fix yourself and come out when you're ready. I'll wait for you outside," anito bago lumabas ng sasakyan. Gustuhin man niyang kontrahin ang binata ngunit wala siyang nagawa nang tuluyan nitong maisara ang pinto. Umayos siya ng pagkakaupo pagkatapos ay ininaba ang dashboard mirror. Sinapat niya ang sarili, sinuklay ni JL ang nagulong buhok ng kanyang mga daliri at inayos ang nagusot na damit. . Nang masiguro niyang presentable na ang kanyang itsura ay saka siya sumunod na bumaba mula sa sasakyan. Luminga linga siya sa paligid, tama nga ang sapantaha niya, nasa bulubundukin sila banda. Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat niya. Sanhi nito, biglang pumasok sa isip ng dalaga ang paborito nitong season. Winter, nasa-isip niya. How she misses the snow. The only times she gets to be out of the country are just attending conferences and meetings. May planong nabuo sa isip ng dalaga. When she gets promoted this year she will go and see the northern lights. Nakaramdam siya ng lungkot nang maalala ang isang pangakong hindi natupad. "Shall we go on inside now? It's getting colder," yakag sa kanya ni Marco. Binalingan niya ito, ngunit may umagaw sa atensyon ng dalaga. Sa likod ng binata ay may nakita siyang isang parang bahay. Nang mabistahan niya itong mabuti, she realized that it was one of those traditional Japanese houses called minka. Hindi siya pamilyar sa lugar kaya hindi niya alam kung saang parte sila ng lungsod naroon, o kung nasa lungsod pa ba sila. "Where is this place?" muli niyang tanong dito. "This is my hidden paradise. Only a certain few people know about this place. Like what I've said I brought you here to relax." Nagpatiuna nang maglakad ang binata. Nang makarating sila sa mismong tapat ng nasabing bahay ay namangha si JL. Umupo si Marco sa may wooden veranda at nagtanggal ng sapin sa paa. Sa gawi nito, mahahalatang madalas ito doon. The structure was superb, it was like one of those houses from Japan na dinala dito sa bansa. It has large wooden sliding windows. There were several modern style chochin scattered around front. Hindi nagtagal ay naupo na din siya at nagtanggal ng sapatos. Kinuha ni Marco ang pares ng sapatos niya at dila sa cabinet na nasa malapit. Pagbalik nito sa kinauupuan niya ay may dala-dalang na itong bagong pares ng indoor slippers. May narinig siyang mahinang lagaslas ng tubig, hinanap niya kung saan banda ang pinanggagalingan nito. Sa may di kalayuan ay meron maliit na Japanese garden. JL suddenly felt excited. She wondered how does it looks inside. "Irasshaimase!" bati sa kanila ng dalawang babaeng nakakimono nang tuluyan silang makapasok. Nadagdagan pa ang pagkamangha ng dalaga nang makita niya ang interior structure ng lugar. The whole reception area was laid out with tatami floor even the hallway. The ambience is different inside, it is like you were outside of reality. The place speaks of tranquility and beauty. Ni wala kang maririnig na ingay sa paligid. Nagtaka tuloy si JL kung may iba pa bang guest maliban sa kanila. Ngumiti si Marco sa dalawang babae. Halata namang kinilig ang mga ito sa ginawa nito. Nanunukat na tinapunan siya ng tingin ng mga ito nang mapansing hindi nag-iisa ang binata. Nagmukha tuloy siyang unwanted guest sa mga ito. Napataas tuloy ang kilay niya, kahit saan talaga center of attraction ang loko. Hindi tuloy niya naiwasang sipatin ito ng tingin. Hinubad na nito ang suot na coat at nakatupi ang long sleeves nito hanggang siko, kita tuloy ang mamasel nitonv bisig. "I have a reservation," magiliw na sabi nito. "VIP po ba ulit sir?" tanong nang isa sa mga babae. 'Ulit?' So tama nga siya, base sa narinig ay mukhang madalas doon ang binata. "Yes," anito na may kasamang kindat. Both ladies let out a giggle. Tila hindi siya nakikita ng mga ito kung makakiri sa binata. "Follow me, sir," anang mas matangkad sa dalawang babae maya-maya pa. Nabigla siya nang hawakan ni Marco ang kamay niya at hilahin siya nito pasunod. Nakita niya ang gulat na rumehistro sa mukha ng babaeng naiwan sa reception area. Nang makarating sila sa may dulo ng pasilyo. Binuksan ng babaeng kasama nila ang sliding door at tumambad sa kanila ang loob ng silid. Magalang itong nagpaalam at pagkatapos ay naglakad na pabalik sa reception area. "Are we in an onsen?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Yep," maikling sagot nito saka tuluyang pumasok sa loob. Walang pag-aatubiling sumunod naman siya dito. Wow! Who would have thought na may ganitong lugar pala sa Pinas! "Really! Bakit ngayon mo lang ako dinala dito?" Tila gusto niyang mainis sa binata. After all these years, ngayon lang siya naisipang isama nito sa lugar na ito! "Easy Ms. Pedralvez, ang tanong sasama ka ba sa akin kung inaya kita 2 years ago?" Diretso itong humiga sa sahig at hindi pinansin ang tila bahagyang pagkianis niya. Nainggit siya sa ginawa nito at nakigaya din. The moment her back touched the floor her body began to relax. It was so warm that it melted all her anxieties and the tensions that built up inside her for so long. JL closed her eyes. Kung alam lang niya na may ganitong lugar baka matagal nang dito na siya nakatira. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Feeling better?" untag ni Marco sa nakapikit na dalaga. Napamulat siya nang marinig ang malalim na buntong hininga ni JL. Nakahiga na din pala ito sa tabi niya at pikit ang mga matang ninanamnam ang mainit na sahig. "Much, much better," nakangiting sagot nito na nanatili paring nakapikit. Malayang napagmamasdan ni Marco ang maganda at maamong mukha ng dalaga. He smiled when her nose twitched like a rabbit's. He suddenly had the urge to give it a gentle bite pero pinigilan niya ang sarili. He brought her here to unwind. "You want to know something interesting?" "Uhm-hmm," "The temperature of the floor adjusts to your body," aniya. "Really! Wow!" Napadilat tuloy ang dalaga. Natameme si JL nang mamulatan niyang nakatunghay sa kanya si Marco. He's on his side with his left arm on the floor and his left hand supporting his head. For a split second she saw tenderness in his eyes bago ito tila napapasong nagbawi ng tingin. Bumalik ito sa pagkakatihaya. Tumikhim siya upang walain ang awkwardness sa pagitan nila. "What's on the other side?" curious na tanong niya. Pansin niya kadi na parang may isang sliding door pa sa dulo. Hindi niya ito napansin kaagad kaninang makapasok sila. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD