"GO and see for yourself," misteryosong sagot naman ng binata na noon ay nakatingin din sa gawing dulo.
Mula sa pagkakahiga ay dali-daling tumindig ang dalaga at tinungo ang wooden sliding door.
Nang mahawi niya ito ay sumalubong sa kanya ang makapal na tila hamog. Ngunit nang mapagtanto niya, ito pala ay steam na nagmumula sa hot tub na gawa din sa kahoy.
Outside is an indoor open air hot bath!
"Wow! This place is really something!" walang pagsidlan ang kasiyahan ng dalaga. Mukhang mapapadalas ang pagbisita niya sa lugar na ito.
Kung may mas natutuwa sa kanilang dalawa ay si Marco iyon. Ngayon lang niya nakita ang inosenteng ngiti ng dalaga.
Not that she doesn't smile at all. Madalas nga itong ngumiti sa opisina lalo na kapag board meeting, pero yung klase ng ngiti na minsan ay nanunukat o di kaya naman ay sarkastiko. At sinasamahan pa nito ng pagak na tawa minsan.
"I know you would like it here," saad ng binata.
Nagniningning ang mga matang tumingin si JL kay Marco.
"No, I love it here. Thank you," aniya na marahang naglakad papunta sa noo’y nakatayo nang si Marco.
Nang makarating si JL sa tapat nito ay bahagya siyang tumingkayad at ginawaran ng halik ang pisngi nito.
He was caught off guard. If only he knew that he would be rewarded like this. Sana noon pa niya dinala dito ang dalaga. Hope began to blossom from his heart.
Perhaps if he surprises her and bring her to beautiful places more often, he will get more of these heartfelt and unexpected kisses.
Lalake siya pero tila may paru-paro siyang naramdaman sa kanyang sikmura dahil sa ginawang paghalik ni JL sa kanya.
MAGING ang dalaga ay nagulat sa naging gawi nito. Agad siyang umatras at tinalukuran ang binatang tila naengkanto dala nang pagkabigla.
"M-magpapalit lang ako," aniya at nagmamadaling pumasok sa isa sa mga kwarto na nandoon.
Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ni JL. Wala sa loob na napasandal siya sa sliding door.
Sa dinami dami ng pwede niyang gawin para magpasalamat bakit halik pa! She could've shaken his hands or just a simple thank you will do! Tsaka diba ilang araw niyang sinadyang iwasan ang binata dahil sa nangyari sa kanila noong birthday niya.
These past few days ay hindi na din maintindihan ni JL ang sarili kapag nakikita niya ito. Nandoon na iniiwasan niyang kausapin siya nito pero hinahanap hanap naman ng mga mata niya ang binata kapag wala ito sa tabi niya.
'Don't tell me you're falling for him girl! Remember wala iyon sa plano mo!' pagpapa-alala niya sa sarili.
Ipinilig niya ang ulo saka binuksan ang maliit na closet. Mayroon doon mga damit na halos lahat ay selyado pa maliban sa bathrobe at kimono. Pare-parehong baby pink ang kulay ng mga ito.
Mayroon ding mga undies at at free size bralettes. Noong nalaman niyang onsen ang pinuntahan nila ay nag-alala siya dahil wala man lang silang dalang kahit ano. Subalit hindi na pala iyon kailangan dahil kumpleto sa gamit ang pinuntahan nila.
Magsa-shower muna siya bago magpunta sa indoor pool. Hindi nila napag-usapan ni Marco kung ano ang kakainin nila, kunsabagay hindi pa naman siya nagugutom.
Naghubad siya ng damit. Tinupi niya iyon ng maayos at inilgay sa laundry basket na nasa loob ng kwarto. Kumuha siya ng pares ng undies at inilabas ang bathrobe. Pagtapos ay pumasok na sa banyo ang dalaga.
TAHIMIK ang paligid nang makalabas siya mula sa kwarto. Hindi na din niya nakita si Marco doon. Baka nagpunta na ito sa sarili nitong kwarto. Nagkibit balikat lang si JL. Mabuti naman kung ganun dahil tiyak na magiging awkward ulit kapag nagkita sila dala ng ginawa niya kanina.
Nagawi ang mata niya sa pinto kung nasaan ang steam pool. Gustong gusto na niyang ibabad ang katawan sa mainit na tubig.
She doesn't know but maybe because of her Japanese descent JL loves hot bath. Ipinarenovate niya ang dating banyo sa penthouse base sa gusto niyang design. Nagpalagay siya ng mas malaking tub kung saan kasya ang dalawang tao.
Three times week siya kung magbabad doon. Pero nagiging mas madalas kung stressed siya sa trabaho. Minsan kung ayaw niyang magisa ay inaaya niya si Elleana para magpa-spa.
Kahit basa pa ay pinusod niya ng bun style ang mahabang buhok. Ready na siyang magbabad!
"AY pwet!" naibulalas ni JL nang mapagbuksan niya ang binatang nakatalikod sa kanya at kasalukyang nagbubuhos ng tubig sa katawan. Marco is butt naked!
"What the hell are you doing here Marco!" singhal niya dito habang nakatakip ang kamay sa kanyang mga mata.
Napalingon si Marco sa napasigaw na dalaga. Bahagya din siyang nagulat dahil hindi niya akalaing lalabas kaagad ito. Napagpasyahan kasi niyang sa labas nalang magshower bago lumusong sa pool.
Kampante siya na wala namang makakakita sa kanya. Kahit pa open air ang kinaroroonan ng pool ay maroon namang bakod na nakapalibot dito. Gawa din ito sa kahoy at lagpas dalawang tao ang taas nito.
Kaya, walang anuman siyang naghubad ng mga damit. May nakita siyang bathrobe kanina sa closet kaya ito nalang ang dinala niya palabas kasama ng isang body towel. Malay ba niyang pareho sila ng nasa-isip ng dalaga.
Naalala niya, wala pala silang naging pag-uusap kung paano ang magiging set up nila sa hot tub. Sabagay malaki naman ang tub baka pwede na silang magsabay. Kung tutuusin ay kasya ang apat na tao sa loob nito.
Nagbubuhos siya ng katawang puro sabon nang marinig niya ang tili ng dalaga.
"Uh, I reserved this room remember? So natural lang na andito ako," aniya. Napangiti siya nang makitang nagtatakip ito ng mata. As if naman hindi pa nito nakita ang kabuuan niya.
"Why didn't you reserve another one!" asik ni JL sa binata.
"Last time I check kahit VVIP ka pa isang room lang ang pwedeng ipareserve," tila bale walang sagot niya dito habang tinatapos ang pagbabanlaw.
JL clicked her tongue. "Bilisan mo nang mag-shower!" Nakatakip parin ang kanyang mga mata, nanatili siyang nakatayo sa may pinto. Ayaw naman niyang kumilos dahil baka mamaya mamali pa siya ng hakbang.
"What's the fuss Lorrise? You've already seen me in my birthday suit." Nang-aasar pang sabi niya dito.
She was the first to call him in his name kaya siguro naman ok lang tawagin na tawagin nya din ito sa pangalan nito. Exception lang noon na siya ang naunang tumawag sa buong first name ng dalaga.
"Shut up and make it fast!" nanggigigil na sabi ni JL sa kanya.
Gulat na gulat ang dalaga sa nakita.
Malay ba niyang magkasama pala sila sa iisang room!
At bakit sa tagal nilang nag-usap kanina wala man lang itong mabanggit!
Nanadya ba talaga ito? Is he planning to seduce her again?
'Again? For all we know ikaw ang nangseduce nung birthday mo!' tila narinig niyang sinabi ng konsensya niya.
Ah! Whatever! She will not back out and let him dip first! Kasehodang magsabay silang magbabad wala siyang pakialam, tutal magkasama na sila at malaki naman ang hot tub!
To be continued...