Little Escapade 3...

1177 Words
"I'M all set," maya-maya ay narinig niyang sinabi ng binata.      "Sigurado ka ha! Don't you dare try making fun of me!" pagbabanta niya dito.      "Hey! What do you think of me!" reklamo naman nito.      Dahan dahan niyang tinanggal ang kamay na nakatakip sa kanyang mga mata. Nakalubog na ang binata sa pool pero tiyak niyang wala parin itong saplot.      "Why don't you take another room nalang kasi!" asik ni JL.      "In case I haven't told you yet, it took 2 weeks for this room to be available. Kung ayaw mong makisabay, feel free to go back inside and make a reservation on your own. Just set your expectations for another 2 weeks or so," kibit balikat na sabi ng binata.      This is so unexpected para sa kanya. Oo at nasanay na siyang nakabilad ang katawan sa binata and given na may history na sila. Still, this is different.    They can make an arrangement about the pool but with the looks of it right now malabong mapaahon na niya ito. At mas lalong ayaw naman niyang mag-antay sa loob hanggang matapos ang binata.    Dahan dahan siyang lumapit sa pool. Tahimik na nakamasid lang si Marco sa kanya.    Pinaningkitan ng mata ni JL ang binata, "Excuse me, I would highly appreciate if you will at least have the decency to turn around!"      Huhubarin na sana niya ang nakabalot na roba sa kanyang katawan, subalit ang damuho ni wala man lang yatang balak ihiwalay ang mga mata nito mula sa kanya.    Umismid lang ito sa sinabi niya pero tumalikod din. Inirapan naman niya ito kahit pa nakatalikod.    Nagmamadali ang kilos na hinubad niya ang roba saka inihagis sa upuang nakita niya. Bago lumusong ay hinubad din niya ang suot na bralette. She removed her undies nang nakalubog na ang katawan sa tubig. Hindi naman visible ang katawan niya dahil sa kulay ng tubig kaya ok lang.    The water felt nice. Sakto lang ang timpla nito para sa kanya. And just like earlier her body began to melt. Ipinuwesto niya ang sarili pagkatapos ay isinandal ang likod sa gilid ng tub. Hinayaan niyang namnamin ng katawan ang ginhawang dulot ng mainit na tubig. Hindi namalayan ng dalaga na napikit na pala siya.      "Can I turn around now?" tila nang - iinis na tanong ni Marco sa dalaga.      Ilang sandali na ang lumipas mula nang makalusong ito ngunit wala pa siyang naririnig mula dito. Nakatalikod parin siya kay JL.      "Huwag na ganyan ka nalang!" papilosopo naman nitong sagot. Pagharap niya ay nakita niyang prente na itong nakasandal na pikit pa ang mata. Halatang ine-enjoy nito ang pagkakalubog sa tub.      He's not sure when this kind of familiarity with each other started. Namalayan nalang niya isang araw na kapag after office hours na they began treating one another casually. Parang hindi na sila mag-amo kapag wala na sila sa opisina. Hinayaan nalang ito ng dalaga.    On JL's part, somehow it feels nice to speak to someone like a friend apart from Elleana. Pero lately lang sila naging first name basis.      "I was supposed to bring you here on your birthday kaya lang walang available na room," maya-maya ay saad ni Marco.      Oh my gosh! Bakit ba pina-alala pa nito ang pilit niyang ibinabaon sa kanyang isip. Napapikit tuloy siya ng mariin.      "It's ok, I think this is the most appropriate time to be here anyway," sagot niya.      Every time she gets reminded of what happened there's a foreign sense that wakes inside her.    Certainly, it's not lust but a bit deeper than that which she has no intentions of knowing.    Naulinigan niyang tumikhim ang binata at tila may nais sabihin. Inantay niyang magsalita ito ngunit wala siyang narinig mula dito. After a few minutes muli itong tumikhim na akala mo magsasalita ulit.    "Say it!" Hindi nakatiis ang dalaga.      "About what happened earlier I -," Panimula palang sana ni Marco ngunit agad na naputol iyon nang biglang magsalita ang dalaga.      "C'mon! Not you too!" marahas itong napamulat nang mata at tumingin sa kanya.      "Lorisse, can you please hear me out first. I'm not trying to stop you. Even if I want to, I know you won't give it up. What I want to say is that let me handle the meetings with the Sandejas, tutal parte naman iyon ng trabaho ko."      "Don't tell me you also believe those rumors?" nakaismid na sabi niya.      "It doesn't matter whether I believe it or not. Kung iyon lang ang paraan para hindi mag-alala ang Chairman, let me do it."      Napaisip tuloy ang dalaga. Pwede din naman para hindi na siya kulitin nito. But why is he concerned?      "There's nothing to be bothered about my dad. Alam naman niyang hindi ko igi-give up yung project,"      "I know, but still, let me do it. It's part of my job, remember?" pagpupumilit ni Marco sa suhestiyon. He is not also planning to back down.      Hindi kumibo ang dalaga.    Pagkatapos ng ilang sandali ay hindi parin niya sinasagot ito.    Si Marco naman ang hindi nakatiis at muling nagsalita.      "Lorisse, don't turn a deaf ear to what I'm suggesting. Anyhow, para din naman sayo," ani Marco      "I'm not asking you to. Like what I told them I can handle the Sandejas myself," pagmamatigas niya.      "Pati ba naman ito pagdidiskusyunan natin? Let me do my job or else ...,"      "Or else what?" she eyed him suspiciously.      Anu na naman kayang naisip ng lalakeng ito. Akala ba niya dinala siya nito doon para magrelax?    Bakit siya nito ini-stress ngayon!    "I'll be useless as your secretary and I'll be forced to resign,"      Nagpanting ang tenga ni JL sa narinig.      "Are you blackmailing me Mr. Lopez?" bahagyang tumaas ang tinig niya.      "Nope, I'm just telling you to let do my f*****g job!" Nauubos na din ang pasensiya niya sa katigasan ng ulo ng dalaga.      "Hey! Watch your words, I'm still your boss!"       "Well, we're not in the office right now,"       Tila hindi man lang ito natinag sa pagpapakita niya ng awtoridad. The audacity of this man! Bakit habang tumatagal tila mas lalong nagiging mas pakialamero ito pagdating sa mga desisyon niya?      "Fine! I'll let you handle this once. Pero sa oras na pumalpak ka you will never get your chance again!"      As usual siya na naman ang bumigay. This has been happening more and more lately.    Ngumiti si Marco nang may halong tagumpay.      "Don't worry. When did I ever let you down?" Mayabang pa na sabi nito.      Sa totoo lang wala siyang maipintas dito bilang secretary. Minsan pakiramdam niya kaya nitong basahin ang isip niya dahil kahit hindi pa man niya nasasabi ay tila alam na nito kung ano ang gusto niyang mangyari.     Nagtataka tuloy siya kung ganun na ba siya nito kakilala sa maikling panahon na nagkasama sila.    Hindi na siya muli pang nakipagdiskusyon dito. Pagbibigyan niya ito sa gusto nitong mangyari. Isa pa, baka maging daan din ito para hindi na siya kulitin ng ama na ipasa sa kuya niya ang project. Siguro naman wala na silang dahilan para mag-alala pa dahil hindi na siya ang makikipagkita sa mga Sandejas personally.        To be continued...   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD