The Secret About Her...

1205 Words
ILANG segundo na ang nakalipas nang pasara na sana ang elevator pero may mga kamay na biglang pumigil sa pinto nito. Kilala ni Antonio ang binatang nakaharang dito. Umasim ang mukha niya nang mapagsino ang naglalakad palapit sa elevator kung saan niya nakalulan. Ngumisi naman ito nang makita siya. "Kumpadre! How have you been?" bati nito sa kanya. Pumasok ito sa elevator at tumayo sa tabi niya. "Good morning, Robert," maikling saad naman niya at saglit na sinipat ito. Umalis ang binata sa pagkakaharang mula sa pinto at hinayaan itong magsara. Silang dalawa na lamang ang naiwan doon dahil sinenyasan niyang lumabas ang kaniyang sekretarya na kanina ay kasama niya sanang paakyat. Pareho sila ng pupuntahang floor. Today is the quarterly general conference of all the stakeholders of Pedralvez Holdings. And Robert Sandejas is among them. Kaya naroon ito ngayon sa ayaw man o gusto niya. They have been rivals ever since he can remember. And they have remained the same until now. Alam niyang malalim ang galit nito sa kanya dahil ito ang nobyo ni Clarissa noong nagpasya ang mga magulang nilang ipakasal sila sa isa't isa. *********** 19** "You have the guts to lay a claim on what's mine Pedralvez!" matapang na wika ni Robert na noon ay nakatayo sa tabi niya. Walang kamalay malay si Antonio na nakalapit na pala ito sa kanya. Ilang bote na din ng alak ang nainom niya at medyo lango na din siya. Wala siya sa mood upang kausapin ang kahit na sino man. Katatapos lang nilang magsagutan ng ama dahil gusto siya nitong ipakasal sa anak ng kumpare nito na magiging kasosyo sa negosyo. He hates this kind of life bakit kailangan pang makipag-merge ng ama niya samantalang hindi naman sila dehado. Kahit pa sabihing mas malaki nang di hamak ang kumpanya ng kumapare nito pihadong hindi naman pahuhuli ang kanila. "So, what are you going to do now? Magsusunod sunuran ka nalang ba sa mga matatanda?" tila nang-iinsultong sabi ng binatang nasa tabi niya. He's known Robert since their preschool days. They both belonged in the same world. Nalaman niya na nobya nito ang gustong ipakasal sa kanya. Lucky bastard, samantalang siya ni hindi niya kilala o nakita pa ang mapapangasawa. "Then what do you suggest that I should do?" naiinis na pakli niya dito. "You idiot! Bahag ba ang buntot mo! Bakit mo kailangang sumunod sa kanila, alam kong may nobya ka din! Bakit hindi mo siya ipaglaban!" "Sandejas mukhang huli ka na sa balita. Wala na kami ni Katrina. Iniwan na niya ako at naglahong parang bula," mapait na pahayag niya. He and Katrina have been steady for 4 years. Mahal na mahal niya ang nobya at balak na niyang pakasalan ito sa oras na siya ang maupong CEO ng kanilang kumpanya. "Then find her you bastard! Imbes na nagmumukmok ka dito hanapin mo siya anung silbi ng pera mo!" sigaw nito sa kanya. "Sa tingin mo ba hindi ko yon ginawa!" Hindi niya alam kung kanino nalaman ng nobya ang balita tungkol sa napipintong pagpapakasal niya. Sinadya ni Antonio na huwag muna itong sabihin dahil hindi niya alam kung paano. Ngunit mayroong makating dilang nagsabi nito dito. Isang maikling note na may nakasulat na 'Don't look for me' nalang ang naabutan niya sa tinutuluyan nitong apartment. Halos mawasak ang pader sa pagkakasuntok niya nang hindi na niya makita ito. Wala ding taong makapagturo kung nasaan ang dalaga. Hindi niya alam ang probinsya nito. Sa tagal nilang magkasintahan hindi ito mahilig magkwento nang tungkol sa pamilya nito. Hinayaan lang naman iyon ng binata. Ang nasa isip niya, balang araw makikilala din naman niya ang mga ito kapag nagpakasal na sila. Kaya gayun nalang ang labis na pagsisisi niya dahil hindi man lang niya tinanong ito ng tungkol dito. "Then talk to your dad na ayaw mong magpakasal! Na mayroon kang nobya! Do anything para hindi matuloy ang kasal!" anito sa kanya. Halatang aburido na din si Robert dahil sa sitwasyon. Funny dahil ito na ang pangalawang beses na mapapasakanya ang babaeng gusto nito. Una si Katrina na sabay nilang niligawan ngunit siya ang pinili. At ngayon naman ang nobya nito na ipapakasal sa kanya. "Teka, bakit mo ba ako dinidiktahan! Dapat ang kinakausap mo yung girlfriend mo! Sa tingin mo gusto ko ding magpakasal sa kanya!" "Damn you Pedralvez! You know where women in family like ours stand! Do you think may choice siya kapag daddy niya ang nagdesisyon!" nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa kanya. "I guess we both have no choice then," aniya na muling itinungga ang beer na hawak. "What do you mean Pedralvez! Dont tell me -" "Ituloy ang kasal!" biglang sigaw niya tsaka nagtatawa. Maybe he's completely gone crazy, nawala na ang babaeng pinakaiingatan at pinakamamahal niya. Sa sobrang galit ni Robert sa sinabi niya kinuwelyuhan siya nito sa binigyan ng malakas na suntok na tumama sa kanyang mukha. Dahil dito nadagdagan ang bitak sa labi niya. Nasuntok din siya nang ama dahil sa ginawang pagsalungat sa kagustuhan nito. Oh great! What a day! "Remember this Pedralvez! Hinayaan kong mapasayo si Katrina dahil ikaw ang pinili niya. But this time I will not let you have Clarissa too. She's mine! Itaga mo yan sa bato!" anitong dinuro duro pa siya. Tinawanan lang niya ang sinabi nito. "We'll wait and see," aniya na nakakalokong tumingin sa binata. Muli siya nitong binigyan ng isa pang suntok na naging dahilan ng pagkakatumba niya. Pagkatapos siya nitong tapunan ng nagbabagang tingin ay lumisan na ito. Nagsisimula na din silang maka-attract ng atensyon sa loob ng bar. Mabuway siyang tumayo pagkatapos ay dumukot ng pera sa kanyang wallet at inilapag sa ibabaw ng counter. He decided to look for Katrina for the last time pero kailangan niyang umuwi muna upang gamutin ang sarili. *************************************** “So, I heard that you’ve been reprimanding your daughter about the cultural center project. Are you that afraid na magkita kami ng anak mo?” pukaw nito sa pagbabalik tanaw niya. “Stay away from my daughter Robert!” mariing sabi niya dito na may halong pagbabanta. “Is she not still aware of the thing about her mother?” anito. Tila bale wala dito ang mga sinabi niya. “Huwag mong idamay ang anak ko sa problema nating dalawa!” nanlilisik ang mga matang binalingan niya ito. “Oh, now I'm the bad guy. Ito ang tatandaan mo Antonio. Kahit kailan hindi kita mapapatawad. Kung hindi dahil sayo sana kapiling ko parin si Clarisaa at masaya parin kami. Habang buhay mong utang sakin ang ginawa mo!” Punong puno ng pagkamuhi ang tinig nito. All these years hindi parin nito tanggap ang mga nangyari. Maging siya ay hindi din lubos maisip na wala na si Clarissa. Sinong mag-aakalang may itinatago itong sakit at malapit na palang mamatay. Alam din niyang kahit kailan ay hindi siya mapaptawad ni Robert. Ngunit hindi siya makapapayag na idamay nito ang anak niya sa galit nito sa kanya. Kailangan niyang muling kausapin ang anak upang huwag nang ituloy ang project sa pagitan nito at ng kompanya ni Robert Sandejas. Dahil kung hindi baka mas lalong mamumuhi sa kanya ang anak kapag nalaman nito ang tungkol sa ina. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD