Mom's Friend...

1013 Words
"AND that sums up the quarterly reports. Thank you for attending ladies and gentlemen," pahayag ni Nicolo. Ang binata ang tumalakay sa final leg ng presentation sa progress ng mga ongoing at upcoming business ventures ng Pedralvez Holdings. Nakahalukipkip lang na nakamasid si JL habang pinagkukumpulan ito ng mga board of directors nang makababa ito sa stage. "Huh! Look at them! Damn fvcking leeches!" Bulong niyang masama ang tingin sa mga ito. Bahagyang inilapit ni JL ang mukha niya sa tenga ng binata, "Tandaan mo yung mga pagmumukha nila. When I become the CEO, I will fire them one by one." Napabuga nalang ng hangin si Marco. Mukhang kailangan na naman nitong magbabad sa hot bath. Mabuti nalang at iilan nalang ang tao sa paligid nila. Masama niyan kung may makarinig pa sa boss niya. "Shall we go back now?" suhestiyon ni Marco sa dalaga bago pa ito makapagsabi ng kung anu pa. Lunes na lunes mainit na naman ang ulo nito. "Yeah, baka may masunog pa ako," anang dalaga na muling tinapunan ng masamang tingin ang grupo na kinaroroonan ng kapatid. Palabas na siya sa isle nang may kung sinong nakasagi sa balikat niya. Napapikit siya ng mariin bago balingan ito. She saw a man in his sixties just like her dad. Matangkad din ito. She cannot recall seeing him before. "I'm so sorry hija. Are you ok?" he said with an apologetic smile. Nakaalalay ang isang kamay nito sa likod niya. Kinastigo ni JL ang sarili, napakaaga pa pero nagpapadala na siya sa kanyang emosyon. "No, it's my fault sir. Please go ahead," aniya na bahagyang umatras. No matter how bad her mood is she always has her manners. That's how her mom lectured her. Always bring your manners with you at all times in all situations. Tila naririnig pa niyang kabilinbilinan ng ina. The irony is she loses it in front of her family. Nagtaka si JL dahil hindi kumilos ang matanda sa harap niya. Nang muli niya itong sulyapan ay titig na titig ito sa kanya. "You look just exactly like her," he muttered. "Pardon?" malinaw ang sinabi nito sa pandinig ni JL ngunit gusto niyang siguraduhin na hindi ito nagkamali sa sinabi. "Para kayong pinagbiyak na bunga ng mommy mo." Bibihira lang siyang makasalamuha ng mga nakakakilala sa yumao niyang ina kaya nakuha kaagad nito ang kuryosidad niya. "D-do you know my M-mom?" nautal pa siya. "But of course! We were - friends," anito. Mababanaagan ang lungkot na may halong sakit sa mga mata nito. Hindi sigurado si JL sa naiisip ngunit parang malalim ang naging relasyon nito sa ina. "And who are you again sir?" Walang pinapalampas na pagkakataon ang dalaga. All she did when she came back was to reconnect to people who knows her mom and her family. According to the reports that she received, wala nang nabubuhay pang immediate family ang mommy niya. Her grandfather died just before she was born. Galing sa isa sa mga mayayamang pamilya sa bansa ang mommy niya. In fact, her mom owns more than half of the Pedralvez Holdings na nasa pamamahala ng kanyang ama ngayon. Mas malaki ang asset ng kompanya ng mommy niya kesa sa daddy niya noong nagmerge ang mga ito. Malamang sa malamang business marriage ang nangyari. Kaya mas naintindihan niya ang distance sa pagitan ng kanyang mga magulang noon. "Ah, where are my manners, my apologies. Please let me introduce myself -," inilahad nito ang palad sa kanya. Ngunit bago pa man niya iyon abutin may biglang sumingit at nagsalita. "I-I'm sorry Ms. Pedralvez but the chairman is looking for you, he asked for you to go to him immediately," putol ni Marco sa pag-uusap nila. Iba di tumayming ang lokong ito eh! Tiim bagang binalingan ni JL si Marco. Sumulyap ito sa kinaroroonan ng kanyang ama na sinundan din niya ng tingin. Mukhang kanina pa ito nakamasid sa kanila. Puno ng tensyon ang mga mata nito at tila namumutla ang mukha. 'Is he sick?' may kabang naramdaman ang dalaga. Kahit abot langit ang galit niya sa ama hindi naman niya kayang tiisin ito. Ibinalik niya ang atensyon sa matandang kausap, "I'm sorry sir I need to go. Is it ok to have this conversation with you some other time? Can I have your card?" "I'm sorry hija I don't bring my business cards anymore. Anyhow I'm sure we will meet again. I'll drop by at your office one of these days." Tila batang natuwa si JL sa narinig. "That's great! I'm looking forward to meeting you again sir. I'll go ahead, " ani JL na kinuha ang nakababa nang kamay nito at saka kinamayan bago siya umalis. Napatawa nalang si Robert sa ginawa ng dalaga. What he told her about his card was a lie. His secretary always carries his business cards but he decided to let Antonio interfere this one last time. At the corner of his eyes, he saw him glaring at them. Tumingin din siya sa direksyon nito. Binigyan niya ito ng nakakalokong ngisi pagkatapos ay ipinagpatuloy ang paglalakad sa isle palabas ng conference hall. ‘I never thought that revenge against you could be this sweet Antonio' ani Robert sa isip. HINDI nakuha ni JL ang pangalan ng matanda dahil sa pagmamadaling puntahan ang ama. "I wonder what is it this time. Kapag binanggit pa niya ang tungkol sa cultural project, I swear I will never speak to him again!" naikuyom niya ang mga palad. Tahimik lang na nakasunod si Marco sa dalaga. Nagtaka siya nang ang chairman mismo ang tumawag sa kanya para sabihing putulin niya ang pag-uusap ng dalawa dahil nais nitong kausapin ang anak. Wala namang nagawa ang binata kundi sundin ang utos ng huli. Kilala niya ang matandang kausap ni JL kanina. That was Robert Sandejas, ang taong pinakaiiwas-iwasan ng Chairman na makasalamuha ng anak nito. Hindi alam ni Marco kung ano ang totoong istorya sa likod ng pagharang ng Chairman sa pagkikita ng dalawa ngunit tiyak niyang may kinalaman ito tungkol sa dalaga. At mukhang malalim ang pinag-ugatan nito. To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD