JL and Marco ended up at the Chairman’s office. Kung hindi nagkakamali ang dalaga ito palang ang pangatlong beses niyang magawi sa opisina ng ama.
The room is as exquisite as the first time she entered. No wonder it is the Chairman’s office. Hinayaan niyang mauna sa paglalakad ang kanyang daddy at ang secretary nito. Si Marco naman ay tahimik lang na nakasunod sa likod niya.
Nakita niya ang amang nakaupo sa gitnang sofa sa receiving area ng opisina nito. Sumunod siya dito at umupo sa kaliwang bahagi. Nanatili namang nakatayo si Marco at ang sekretarya ng ama sa kani kanilang likod.
“How are you hija?” malamlam ang mga matang tanong ng Chairman sa anak.
JL looked at her dad’s face. When did his hair turned into gray? Sa isip niya ay naka-ukit ang matipuno nitong pigura gaya noong dinadalaw siya nito sa America.
Way back then, she would stare dreamily at him. Silently wishing to marry someone like her father when she grows up. How she adores him so much.
Marahil nga totoo ang sinasabi nila. The person you love the most can inflict the worst pain in you.
Hindi niya mapigilang magbalik tanaw sa araw na nawasak ang puso niya dahil sa ama.
***********************************************************************
Few years ago ...
“Miss Pedralvez, here we are,” untag kay Irea ng empleyado ng ama na naghatid sa kanya sa kanilang bahay. She silently stared outside the car window within the duration of their trip.
Ni hindi niya namalayang nakapasok na pala sila sa property ng daddy niya. Hindi na bago sa kanya ang makakita ng mala-palasyong bahay dahil madami niyon sa US. In fact, they used to live in one when she was at middle school.
Nginitian niya ang unipormadong driver nang pinagbuksan siya nito ng pinto. Namiss niya din bigla ang driver nila noon who used to drive them around.
Pinagmasadan niya ang magarbong bahay na nakatayo sa harap niya. The house speaks of history and elegance, it’s like a modern castle. It looks old and yet timeless. Gawa sa kulay kremang marmol ang maluwang na entrance nito.
There is a fountain situated at the middle of the driveway na nakadagadag sa regal aura ng bahay. If they owned this house. Why would her mom leave and never returned until she died? Iyon ang tanong na nabuo sa isipan ng dalaga.
Why did her mom choose to stay abroad when she can live here like a queen? At bakit wala man lang itong nabanggit na kahit ano sa kanya noong nabubuhay pa ito.
Her attention was caught by the large door. Bumukas ito at iniluwa ang isang unipormadong staff. Magiliw na nakangiti sa kanya ang matandang babae. She looks like she's in her late fifties.
“Senyorita, pumasok na po kayo. Inaantay na po kayo ng Ma’am Katrina,” magalang na sabi nito.
‘Senyorita?’ She’s aware of their Spanish descent pero hindi niya alam na isinasabuhay ito sa bahay nila. It sounds so foreign to her ears.
But something made her think twice.
‘Ma’am Katrina?’ Someone is living here apart from her dad. It couldn’t be her grandparents because according to her mom. Matagal nang patay ang mga magulang ng daddy niya bago pa siya maisilang.
To whom is the staff referring to?
Puno ng katanungang sumunod ang dalaga sa matanda.
Napanganga siya pagkapasok sa mansyon. The exterior is nothing compared to what’s inside the house. Malalaki at nagkikinangang chandeliers ang nakasabit sa mataas na ceiling. Anywhere you look screams wealth!
Sa sobrang kinis ng sahig tila sinasalamin nito ang mga ilaw na nakasabit kaya sobrang liwanag sa loob. The ivory-colored staircase was extended until the third floor. Maliban doon ay may nakita din siyang elevator malapit sa entrance door.
“Senyorita, doon po tayo sa library. Inaantay ka na po nila. Nasabi na po ng Chairman na parating kayo.”
Naexcite ang dalaga sa sinabi ng matandang staff. Does it mean na madami silang kamag-anak na nakatira dito?
Magagaan ang hakbang niyang sumunod dito.
Huminto sila sa tapat ng malaking pinto na kulay mahogany. Marahan nitong itinulak at iminuwestrang pumasok siya sa loob.
Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Kung iisipin this will be her first time meeting their relatives. Paano ba naman, wala namang bumibisita sa kanila sa US maliban sa daddy niya noon. And she wonders why.
She held her breathe while she stepped inside. Ano kaya ang sasabihin niya sa mga ito? Sino sino kaya nag mga nasa loob ng kwarto.
Sinalubong ng amoy ng mga libro ang ilong niya. Unlike outside, the temperature inside is different. JL scanned the room. At one corner, there were five large bookshelves that were built from floor to ceiling. Aside from that meron ding built in shelves na nakadikit sa dingding. She was amazed.
The books were carefully arranged. She noticed that most of the large and hardbound books were situated at the top shelf. There was also a wooden ladder on one of the shelves.
Parallel from the bookshelves was an elongated oval table with several chairs. Sa gitna nito ay mayroon ding mga lampshades.
‘Ang sarap namang magbasa dito,’ anang dalaga sa isip.
She was busy examining the room kaya hindi niya napansin ang paglapit ng isang pigura.
Isang tikhim ang nagpabalik sa kamalyan ni JL. Nalingunan niya ang isang babaeng hindi nalalayo sa edad ng yumaong ina. Napakaganda nito. She’s giving her a kind and welcoming smile. JL did the same. Although hindi niya alam kung nahalata nito ang pagiging hesitatnt niya.
“Welcome home hija. Come, we’ve been waiting for you. Mabuti nalang at naitawag kaagad ni Antonio na nakauwi ka na. I’m so sorry to hear about your mom” malamyos na sabi nito habang ginagap ang kanyang isang kamay.
She looks and sounds like an angel kaya hindi na sorpresang tila magaan ang loob niya dito.
“You can call me Tita Katrina,” magiliw na sabi nito at masuyong pinisil ang kanyang kamay. Pagkatapos ay hinila siya nito patungo sa likod ng dulong shelf. There was a set of brown sofas na bumagay sa interior ng kwarto.
Sa pinakamahabang sofa ay may tatlong taong nakaupo na nakatalikod sa kanila.
“Guys!” Tawag ni Katrina sa mga ito at sabay sabay naman silang lumingon. “Here she is! Finally, you get to meet your sister Juliana Lorisse!”
Tuloy tuloy sila sa katapat na sofa ng mga ito.
Kung gaano kakalmado ang mga ito ay siya namang parang may bombang sumabog sa kamalayan ng dalaga.
Sister! Parang naninikip ang dibdib niya. Kelan pa siya nagkaroon ng mga kapatid?
Isa isa itong ipinakilala ng babaeng nagpakilalang Tita Katrina na sa tantiya ni JL ay malamang ina ng mga ito dahil may hawig siya sa mga ito.
“Glad to finally meet you sis. Tagal ka naming inantay,” nakangiting sabi ng pinakilalang Kuya Nicolo niya. He looks about 6 years older than her.
She glanced at the girl in between who was mentioned as Danica whom she thinks wasyounger than her by maybe 2 to 3 years. Tahimik lang din itong nakatingin sa kanya. She has a face of angel like her mom. Though her deep set eyes came from their dad.
Lastly, her eyes landed at the youngest – Timothy. Timothy looks like both their dad and his mom. While Nicolo looks exactly like their dad.
Hindi na naiintindihan ni JL ang mga kinukwento ng mga ito. Litong lito ang isip niya. She can't even remember if she even smiled while they were being introduced to each other. Her vison and thinking were blurry the whole time.
She feels suffocated. She needs to speak with her dad. She needs him to explain everything in details.
They were talking about a party when JL suddenly stood up. Nagulat ang mga kasama niya.
“Where is my room?” she managed to asked.
To be continued ...