Family 3

1138 Words
HINDI na kinaya ng dalaga ang bigat ng tila sasabog niyang dibdib. Madaming tanong ang nabuo sa kanyang isip. Does her mom know about this? How can they look so composed about this? Ibig bang sabihin nito mula noong umpisa alam na nila ang tungkol sa kanilang mag-ina? Sila ba ang dahilan kung bakit dumalang nang dumalang ang pagdalaw ng daddy niya sa kanila noon? Madaming pangako ang amang hindi nito tinupad, kagaya nalang ng pagpunta nila sa beach nang minsang umungot siya dito bago ang kanyang kaarawan. JL felt betrayed. Biglang nag-init ang magkabilang sulok ng mata niya. Unti-unting may bumabangong hinanakit sa puso niya para sa ama at sa mga taong nasa harap niya. Ilang beses siyang lumunok at kumurap para pigilan ang mga nagbabadyang luha. Napakislot siya nang maramdaman ang kamay ni Katrina sa balikat niya. “Hija, are you alright?” may halong pag-aalalang tanong nito. Nilingon ni JL ang ginang. She felt her heart slowly hardened while staring at her serene face. JL remembered her mom’s pale face while she’s on her death bed. Pain started to haunt her eyes. “I-it’s jet lag. I’m sorry. I need to rest.” Halos pabulong na usal niya. Natatakot siyang lakasan ang kanyang boses dahil baka pumiyok siya. “No, no, I’ts alright hija. I should be the one apologizing, pasensya ka na masyado lang kaming na-excite na ma-meet ka. Gusto mo bang kumain muna bago magpahinga?” “I want to sleep first,” matipid niyang sagot. “I see. Sige pero ipapagising kita mamayang dinner pagdating ng daddy nyo ha,” she said in a very gentle voice. Hinahaplos haplos pa nito ang likod niya. Tango lang ang itinugon niya. Nanatili siyang nakatayo. Pagkatapos ay dumukwang ang ginang at dinampot ang kwadradong tila remote na nakapatong sa ibabaw ng center table. Pinindot nito ang pulang button sa gitna ng device. Wala pang isang minuto ay may dumating nang isang unipormadong middle aged na babae. “Ester samahan mo si Juliana sa kwarto niya. Magpapahinga muna siya. Pagdating ni Antonio ipapagising ko ulit siya sayo,” utos nito sa kasambahay. “Opo Ma’am. Senyorita tara na po,” nakangiting sabi nito sa akin. “Bago kayo umalis. Tell me hija, do you have anything that you would like to eat?” She’s got no choice kundi muli itong lingunin. “No, I don’t. Thanks.” Ngumiti siya ngunit hindi umabot sa kanyang mga mata. Ewan niya kung napainsin ito ng kuya niya pero nakita niyang medyo nagbago ang itsura nito. Ipinagkibit balikat nalang iyon ng dalaga. Dire-diretso siyang naglakad kasunod ni Manang Ester. Hindi na siya nag-abala pang tapunan ng tingin ang mga kapatid niya. Bago sila tuluyang makalabas ng library ay naulinigan niyang nagsalita si Danica. “She obviously hates us! Ewan ko ba kasi kay Daddy kung bakit dito pa niya gustong patuluyin ang anak niya. Hindi ba niya naisip na magiging awkward yung sitwasyon!” may halong pag-kainis na sabi nito. Tila ba sinadya nitong marinig niya ang sasabihin nito dahil obvious naman na hindi pa sila nakakalabas. Napaismid ang dalaga. Tila siya pa ngayon ang lumalabas na sampid. “Shut your mouth, Danica! And just to remind you kapatid din natin siya!” dumagundong ang boses ng kuya nila sa loob ng library. Kaagad na niyang ipininid ang pinto dahil ayaw na niyang marinig ang iba pang pag-uusapan ng mga ito. JL remained silent as she followed Manang Ester. Lumulan sila sa elevator. Ayon dito, sa third floor ang kinarororonan ng kwarto niya. Halos magkalapit lang daw sila ng kwarto ni Danica. Kahit naman ayaw niya ay wala din naman siyang magagawa. But one thing is for sure. Hindi siya magtatagal sa bahay na ito. She just needs to talk to her dad first and then she will move out. Bahala na kung saan siya mapadpad. May pera naman siyang pang-upa ng condo. “Senyorita, nanadito na po tayo,” ani Manang Ester nang marating nila ang dulo ng pasilyo. Nasa harap nila ang isang malaking kulay puting pinto. “Thank you,” sambit niya. Ngayon siya nakaramdam ng pagod. Pinihit ng kasambahay ang seradura at hinila ang pinto. “Nasa loob na din po ang mga gamit ninyo, Senyorita. Nakasalanasan na po sa closet. Kapag may kailangan po kayo may buzzer po sa tabi ng kama ninyo. Pindutin nyo lang po iyon.” “Salamat Manang. Ok na ako. Just wake me up when dad arrives.” anang dalaga. Hinayaan na niyang ang kasabahay ang magsara ng pinto. Magbababad muna siya bago matulog. The room is elegant, it really fits for a princess. Surprisingly, shade of peach ang interior nito – her favorite color. The bed is large, nilapitan niya ang bed side table dahil may nakita siyang picture frame. It was her, taken on her 5th birthday. Who put this here? Hindi na iyon masayadong pinagtuunan ng pansin ng dalaga. Bagkus nagtungo na sa banyao at lumabas din after almost an hour. Sumampa si JL sa kama. Ramdam niya ang pagod sa katawan ngunit gising na gising ang diwa niya. Gayun pa man ipinikit parin niya ang kanyang mga mata. She needs to sleep to have a clear mind para makapag-usap sila ng maayos ng ama. ********************************************* Present … “Anak, I told you to stay away from that man. Makinig ka naman sa akin,” puno ng pakiusap na sabi ni Mr. Pedralvez sa anak. His gentle voice pulled her out from reminiscing the past. “From whom?” “I saw you speaking with Robert Sandejas earlier. Whatever that man told you, please don’t believe him,” he said with a soft expression. Tumaas ang kabilang dulo ng labi ni JL. ‘So that was him,’ she said inwardly. “I see. Actually, he didn’t get the chance to introduce himself because your timing is impeccable. But thanks for letting me know.” She smirked. Mas lalong naging uneasy ang matanda sa sinabi niya. It seems like he just got caught up on his own trap. “And you didn’t tell me na kilala pala niya si mommy. Is that the reason kung bakit ayaw mo kaming magkita? Care to tell me why? Do I need to know anything?” may himig ng pagdududa ang boses ng dalaga. Nabalot ng tensyon ang matanda sa tinuring ng anak. “Nothing, I just want you to stay away from that man,” diretso ang mukhang sabi ng daddy niya. “Dad, if we are going to talk about this again, I’d better leave. It’s not making any sense. If there is really something that you don’t want me to know I will eventually find out!” Tumayo siya at tuluyang nagmartsa palabas ng opisina ng ama. She really hates being left in the dark! To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD