Chapter 26 Bawat minuto kong chine-check ang phone ko para tignan kung may text o tawag man lang si Drake pero ni isa ay wala akong natanggap sa kaniya simula nitong nag away kami. Wala sa loob akong napakagat sa ibabang labi ko at napasandal sa bangko. Pagkatapos ko siyang paalisin ay hindi pa ulit siya nag paparamdam at na g-guilty ako sa naging reaksyon ko. I shouldn't slap him, dapat inintindi ko iyong nararamdaman niya. May mali rin ako at hindi ko dapat sinabayan iyong galit niya. Hindi sana ako nag padala sa emosyon ko gayong alam kong may karapatan siya na magalit at ayoko na masira iyong pinag samahan namin dahil lang sa hindi kami nagkakaintindihan. Alam kong mahal ako ni Drake at iyon ang pinanghahawakan ko at dapat kong panigan. Napag desisyunan ko na ipagluto siya ng pabor

