Chapter 25 Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito. Nalulutang ako sa ginawa at inakto ni Gian pero agad din akong napabalik sa reyalidad ng makita kong sinugod ni Drake si Gian. Mabilis ang pangyayari at 'di ko alam kung paano pipigilan si Drake. Hindi nanlalaban si Gian mula sa suntok ni Drake at alam kong dahil alam niyang may mali siya sa ginawa niya. Kilala ko si Gian, hindi siya mananakit o manlalaban pag alam niyang wala siya sa katwiran pero hindi ko yata kayang tagalan makitang hinahayaan niya lang na suntukin siya ni Drake. Mali isipin na sana lumaban siya pero mas gusto kong gawin niya iyon at nasisiraan na ako ng bait kung sino sa kanila ang kakampihan o kung tama bang may panigan ako sa kanilang dalawa. "Tama na, Drake!" Pilit kong hinila si Drake pero na tabig lang ako ni

