Chapter 35 Napahalik ako sa noo ni Xavvy at napangiti ng matamis. Halos mabunggo kami ni Gian kanina ng sabihin ni auntie na nag aagaw buhay ito at iyong kabog ng dibdib ko-- sobrang lakas. Kaya buong puso ako ngayon na nag papasalamat na ligtas na ito. Hindi ko na nga naabutan iyong pag aagaw buhay niya at na ilipat na ito sa isang kwarto ng makarating kami dahil hindi ko rin kayang tignan si Xavvy sa ganoong pagkakataon. "Sabrina..." Nag angat ako ng tingin sa pinag mulan ng boses at pinilit kong ngumiti kay Tammy. Ang totoo masama ang loob ko sa kaniya. Ilang beses ko na siyang pinilit na sabihin sa amin kung sino ang tatay ni Xavvy and I even ask her to reunite with Xavvy's father but she keep on refusing me. Alam kong mahirap iyong hinihiling ko para sa kaniya pero hindi ba mali

