Chapter 34 The sun kisses my skin and I lazily and irritatedly cover my head with pillows. Antok na antok at sobrang bigat ng katawan ko. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang bumangon sa mga oras na 'to pero mabilis akong napatakbo ng banyo ng bumaliktad ang sikmura ko. Agad akong napasubsob sa bowl at doon sumuka ng wala. Nahihilo kong ini-angat ang ulo ko pero muli lang ako na duwal. Nanlalambot akong napa upo sa may sahig ng banyo at doon pinahid ang bibig ko gamit ang braso ko. Napapikit akong hinilot ang ulo ko at mabigat ang bawat pag hinga. Nanghihina ako at nahihilo, masyado na ata akong kulang sa tulog. Ilang araw na rin kasi akong hindi nakakatulog ng maayos ng dahil sa kakahanap ng paraan para sa kalagayan ni Xavvy. "Sabrina, bumangon ka na diyan. Ipinag luto kita ng paborito

