Chapter 46 Nahirapan akong bumangon sa sobrang sakit ng katawan ko. Inalalayan ako ni Chase sa pag upo at seryoso namang nakamasid sa amin si Dark. "Si Sab? Si Xavvy? Nakuha niyo ba sila?" I asked as I remember what happened. Wala akong naging laban sa kanila kanina dahil ang daming tao ni Drake at dalawa lang kami ni Chase. "No. Tinutukan nila ako ng baril, dude. Ayoko pang mamatay sayang lahi namin kaya tinawagan ko na si Dark. Tatawag na rin sana ako ng pulis kaso pinigilan ako ni Dark." "Hindi tayo matutulungan ng mga pulis. Ma-impluwensyang tao ang Montemayor sa lugar na 'to." "Eh anong gusto mong gawin natin? Tumunganga? Dark, nasa peligro ang mag iina ko. Halatang tinatago at kinukulong niya sila Sabrina." Pinag aalis ko na lahat ng nakakabit sa aking mga aparatos. Hindi ako

