Chapter 43 "H-hindi na p-po.. Hindi ko po sinasadya.." Mabilis akong napatakbo papuntang sala ng marinig ko ang malakas na pag hiyaw ni Xavvy sa sakit. Pag dating ko ay nadatnan kong pingot pingot ni señora ang tainga nito. Umakyat lahat ng dugo sa ulo ko at sa isang iglap ay na itulak ko siya na halos ikatumba nito sa lapag. "Wala kang karapatan saktan ang anak ko! Huwag mong subukan at kahit nanay ka ni Drake hindi ako mangingiming patulan ka!" Galit na galit kong sigaw kay señora. Kahit minsan ay hindi ko pinalo o kinanti man lang si Xavvy tapos pipingutin niya lang? Aba! Magkakasubukan kaming dalawa at wala akong pake kahit na sa loob pa kami ng pamamahay nila. "Pwes pag sabihan mo 'yang anak mong na huwag malikot, binasag niya ang mga antique kong vase. Hindi niyo ba alam na mas

