AN: Maraming flashback ito and sana maalala niyo pa kung saang part iyon. This is a long chapter. Chapter 44 Pinagmasdan ko lang ang pag agos ng dugo sa ulo ni Tammy habang nakatali pa ang mga kamay at paa nito sa may bangko at nanatiling walang malay. Basag na rin ang nahulog nitong salamin at hindi ko mapigilang mapailing habang nanghihinayang sa kaniya. Maganda sana ito kaso medyo tanga lang at naging sunod sunuran kay Elise, ito tuloy ang ending niya.. ang madamay sa gulong pinasok ng kaibigan. Narinig ko ng bumukas ang pinto at napangisi ako ng makita ko kung sino ang dumating. Seryoso itong napatingin sa babae at walang awa niya pang tinapik ng malakas ang mukha nito bago ako binalingan ng tingin. "Buhay pa ba?" "Oo, sinaksakan ko lang ng pampatulog kaya mukhang patay." Biro

