Prologue
Sakay ng bus papuntang Lucena sina Ronn at Friday Friday.Iniintay na lang na mapuno ang bus upang itoy magsimula nang bumiyahe. Hawak hawak ni Ronn ans mga kamay ni Friday na may pag suyo. Panay ang pisil nya rito habang bumubulong ng paulit ulit. "Des, dont worry. Matutupad din ang mga dreams natin. Please trust me. I love you and I will take care of you. Just trust me." Ramdam siguro ng binata ang kanyang pag dadalwang isip.
Eighteen pa lang sila. Parehong mag te- third year sila sa kolehiyo. Both of them dreams to become doctors. Paano ba sila napunta sa ganitong sitwasyon? Magtatanan sila. Mahal niya si Ronn, pero tama ba ang gagawin nila? maraming katanungan ang nasa isip niya. Will she trust Ronn's word?Paano na ang mga pangarap nila. Makakaya ba nila? Ngunit ang lalong gumugulo sa kanilang isipan ay kung magiging ligtas ba sila lalo na ang lalaking minamahal kapagka sila ay natagpuan ng kaniyang pamilya?
Kaninang umaga ay ok pa naman ang lahat. Ordinary day lang yun para sa kanila. Pumasok pa sila sa lahat ng klase nila. Maliban sa kapansin pansin na pananahimik ng binata. Unusual ito dahil likas na mabiro at pala kwento ito. Hindi na niya ito pinansin baka nabuburyo na sa kaiisip dun s scholarship na nakuha nito nito at ang kagustuhan ng mga magulang nito na doon na mag aral at manirahan. Matagal na rin itong alam ni Friday. First year pa lang sila alam na niya na mayroon itong nakabinbing aplikasyon at kailan lamang ay nakapasa ito sa entrance at scholarship exam sa isang kilalang university sa California. Natuwa naman siya para rito at sa magandang opportunity na dumating sa binata. nagbiro pa nga siya na ginalingan ito ng binata upang makatakas sa kanya. Sa huli ay naisip nyang wrong move yun sapagkat hindi ito nagustuhan ng binata at isang buong araw nya itong sinusuyo.
Pagkatapos ng huling klase nila ng araw na iyon ay seryoso siyang kinausap ni Ronn. Hinintay muna nilang mag alisan ang kanilang mga blockmates bago nagsalita si Ronn. "Des, ayaw kong umalis. Ayaw kong mag aral abroad. Ayaw kong sumama sa kanila... dito lang ako sayo." maluha luhang confession nito sa dalaga.
Nalungkot naman si Friday sa kanyang narinig. " Ayaw mo rin na mawalay sayo. Kailan ba daw?" tanong nito sa binata.
" Sa July pa naman." Pabulong nitong sagot."But I dont want to take chances. Let's elope!" Sabay hila sa kanyang kaliwang kamay. At ang isang kamay nman nito ay hinablot ang kanilang mga backpack.
Gulong gulo ang buong sistema niya. Nagtatalo ang kanyang puso at isipan.
Natagpuan na lang niya ang sarili na naka upo na sila sa bus at nag iintay na lang na ito ay magsimula ng byahe. Wala siyang idea kung san sila patungo. Napansin lang niya ang malaking signboard sa windshield na Lucena. Patungo silang Lucena.... sino ang pupuntahan nila sa Lucena?
Pareho silang naka suot ng puting uniporme. Walang dalang gamit maliban ang kanilang mga gamit sa paaralan. "Des, do you love me?" muling tanong sa kanya ni Ronn. Tumango nman siya. Pero lamig na lamig ang kanyang mga kamay ngunit pawis na pawis sa hindi niya malamang dahilan. "Do you trust me?"Puro tanggo na lang ang kanyang naisasagot. Walang tunog na nalabas sa kanyang mga labi.
"Hoy! Anong ginagawa ninyo? Tila hapong bosess ang aming narinig at nakikaka ang may ari ng boses na iyon, sabay silang nagtaas ng kanilang mga paningin.
"Joy? What are you doing here? Si Ronn na halatang nagulat.
"Saving the two of you?"
"What the....." gulat na tanong ni Ronn. Joy is their closest friend.
"I overheard you guys, ang I am telling you both.. it is not a good idea!"
Walang makaimik sa kanilang dalawa. Namayani ang katahimikan at nabasag na lang ito ng sigaw ng kundoktor ng bus."Limang minuto na lang po at aalis na tayo." paalala nito sa mga pasahero.
Biglang yumakap si Dey kay Ronn. Sabay sambit ang mga salitang... "I love you." Pagkatapos sabihin yun ay bigla itong tumayo ay patakbong bumaba ng bus. Walang lingon lingon kasi alam nya na kapagka lumingon siya at nakita nya ang mga mata ng binata ay muli siyang babalik sa tabi nito. Alam ni Dey na iyon ang pinakamasakit na desisyon na ginawa niya, but deep in her heart, iyon ang makakabuti sa kanila... higit sa lalaking labis niyang minamahal.Hilam ang mga mata ng mga luha sumakay siya ng nagdaang taxi at doon ibinuhos ang lahat ng emosyon na meron siya.
This is a work of fiction any similarities in the actual events, people living or dead is purely coincidental.