"The most important part of you is what on the inside, you make mistakes, everyone does, but That's why pencils have erasers"-Amy Hughes "Xander anak, bakit pag siya lagi ang napasok sa buhay mo laging nagugulo." Akala ba nila sa para sa kanya lang yun? Hindi nila alam ilang beses ng nangyari sa akin iyon. Ilang beses kong binuo, ngunit nasisira pag pumapasok siya sa buhay ko! Matapos kong bisitahin muli si Lessie sa loob ng ICU ay niyaya na ako ni Ronn na mag hapunan. Nasa dinning table na ang pagkain na nakalagay sa paper box. Naamoy ko ito ay kumalam ang aking tiyan. Hindi ako nakakain ng tanghalian kanina dahil sa sama ng loob ko sa nangyari sa pagitan namin ng mga magulang ni Ronn. Masakit lahat sa akin ang narinig ko, lalong lalo na ang huling sinabi ni dokto

