KATORCE Paglitaw ng malaki at bilog na buwan ay naramdaman ni Zevyl ang kakaibang enerhiyang pumapasok sa kanyang katawan. Totoo nga ang sinabi ni Caiden, ramdam niya ang kakaibang lakas na bumabalot ngayon sa katawan niya. “Ready?” narinig niyang tanong ni Caiden sa kanya. Huminga siya ng malalim bago tumango. Kailangan niyang magpokus dahil kung hindi, isang maling galaw niya lang ay puwede niya iyong ikapahamak. “Remember, if you can do it. Kaya mo ring magbagong anyo kahit nasa ilalim ka ng tubig,” sabi pa nito sa kanya. Nagtama ang mga mata nila, kahit papaano ay nakaramdam siya ng kapanatagan nang mabasa niya sa mga mata nito ang pangako nitong hindi siya pababayaan. Lumayo ito sa kanya ngunit hindi ganoon kalayo upang kung may mangyari man sa kanya ay madali siya nitong malala

