NUEBE “Mystic!” sigaw ulit ni Ur ngunit wala pa ring lumalabas. Ang tanging nakikita niya lang na nadoon ay ang munting seahorse na panay ang sunod sa kanya. “Baka wala talaga siya dito ngayon,” sabi niyang nakatingin sa buong paligid. “Imposible iyon dahil madali tayong nakapasok sa loob ng bahay niya. Kung wala siya rito ay malamang na kanina pa tayo tumalsik palabas o nakulong sa isang patibong,” paliwanag nito. Napatingin ito sa nakasunod sa kanyang seahorse, nagsalubong ang kilay nito at nanlaki ang mga mata niya nang ikumpas nito ang isang kamay at may nabuo doong tubig. “Wow! Kaya ko rin bang gawin iyan?” namamanghang tanong niya rito. “Zevyl, lumapit ka sa akin ngayon din,” utos nito sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa seahorse. Nagtataka man ay sinunod niya ito, lu

