**** “Oh my God!” bulalas na sabi niya habang nakikita ang bolang apoy na tila nagawa niyang kontrolin. Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkabigla ay may isang pang mas malaking bolang apoy ang papunta sa kanya. “Ur, tulungan mo ako!” sigaw niya sa nakatayo lang na sirena. “Kailangan mong matutong matutunang ipagtanggol ang sarili mo, Zevyl. Hindi lahat ng oras ay nasa tabi mo kami lagi,” sabi ni Mystic na naglabas ulit ng bolang apoy sa dalawang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na nag-isip ng paraan para matigil ito sa pag-atake sa kanya. “Puwede naman akong matuto pero hindi sa ganitong paraan, ‘di ba?” sabi niya rito. “Mystic, tama si Zevyl, may ibang paraan para turuan natin siyang lumaban,” pangungumbinsi ni Ur dito. Ngunit parang hindi ito narinig ni Mystic at

