DIEZ Pagkatapos ng nangyari ay sinamahan siya ni Ur sa magiging tirahan niya pansamantal ngunit bago pa man sila makalabas ay tinawag ito ni Mystic. “Ur, kailangan nating mag-usap,” sabi nito at sumulyap sa kanya. “Hintayin na lang kita sa labas,” nakangiting sabi niya kay Ur. Pipigilan sana siya ni Ur ngunit mabilis na nagsalita si Mystic. “Walang sinumang mangangahas na pumasok sa teritoryo ko kaya ligtas siya sa labas,” sabi nito at muling tumingin sa kanya. “Huwag kang lalayo, Zevyl, saglit lang kaming mag-uusap ni Ur.” Tumango siya at tumingin muna kay Ur bago lumangoy papunta sa pinto at tuluyang lumabas ng bahay ni Mystic. Marahas siyang napabuntonghininga at muling naalala ang muntik na niyang pagpatay kay Mystic sa kanya, kung hindi dahil sa boses na iyon ay posibleng napatay

