" Mabuti naman anak at naisipan mo'ng sumama at hindi ka na nagmatigas!" masayang wika ng mama niya habang papunta sila sa kaarawan ng mama ni Kendra. " I told you, I'll try!" wika niya sa mama niya habang nagmamaneho. Ang kulit talaga nito sa totoo lang. Ilang beses na siyang pimipilit nitong isama kapag may selebrasyon ang amiga nito pero naghahanap siya ng dahilan para makaiwas. Ayaw niya. Ayaw pa niya.Sa panahon ring iyon ay napaka busy niya sa mga ongoing projects na sunod-sunod na dumating. Mas priority niya syempre ang trabaho niya kumpara sa good time. " Malapit na sana akong mawalan ng pag-asa anak but now you gave me another hope! Subukan mo anak, I'm sure magugustuhan mo rin siya atsaka bagay na bagay kayo ." dagdag pa nito. Halos memorisado na niya ang litanya nito sa tuwing

