Hindi maikumpara ang excitement nia Grey at Zeus sa oras na iyon. Maaga pa ngang nagising ang dalawa kaysa sa kan'ya.Family Day ngayon sa school at hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihing hindi dapat si Sir Damien ang kasama nila. Ang amo naman niya ay nagpromise pa sa dalawang kambal na sasama ngayon kaya naman hindi na 'ata nakatulog ang dalawa dahil sasama ang Papa D ng mga ito sa school. Ano kaya ang konsepto ng mga ito kapag tinatawag na Papa D ang lalake? Napailing na lamang siya sa isipang 'yon.Hindi na talaga mapipigilan pa ang dalawang bata sa sobrang kasabikan ng mga ito.Kunsabagay ay first time ng dalawa sa school. Pagkatapos niyang bihisan ang dalawa ay hinanda na niya ang dadalhin nilang pagkain. Gumawa na rin siya ng cake dahil may salu-salo raw umano pagkatapos ng

