MELTING BARRIERS #CHAPTER 57 Theo's POV "Akala ko ba farewell party ko ito? Bakit parang ikaw naman ang namatayan sa itsura mong ‘yan," ngisi ng sino pa ba? "Get lost Adam," I said and continued drinking. "Hahaha! I will be lost for two months so don't miss me that much!" sabi pa nito. "Ano ba kasi ang nakain mo at dalawang buwan pa ang bakasyon mo doon?" ani Yuri. "Alam niyo mga utol, pangarap ko nang bisitahin ang Italy noon pa man ‘di ba? I just didn't push my plans through dahil sa trabaho." "Ulol mo! If there is this someone who worked less in the family, ikaw ‘yon! Puro ka lakwatsa." hasik ko at tumungga ulit ng alak. "I have other businesses to attend to! And mind you, ganyan na rin ang mangyayari sa iyo once dumami ang businesses mo!" sagot ni Adam sa akin. "Tama na nga ‘

