CHAPTER 1
MELTING BARRIERS
#CHAPTER 1
Bumuntong hininga ako at napatingin sa gusaling nasa harap ko. 'Gomez Tower 2' ang nakasulat sa karatula ng building.
Scheduled ako for interview as assistant to the secretary today. OO assistant to the secretary hindi secretary mismo. Saklap ng kapalaran ko, kung ano-anong trabaho na lang ang pinapatos ko. Pero wala eh kailangan ko ng pera kaya mainam ng magtiyaga.
Pumasok na ako sa gusali at nagtungo sa elevator.
''Kuya sa 10th floor po, '' ang sabi ko sa elevator boy.
Sana lang ay di malasin ang araw ko. Pasukan na naman next month. Kailangan ko na ng pang-enrol.
Nakita kong bumukas ang elevator at tumambad sa akin ang glass separator at pintuan. 'Engineering Department' ang nakasulat.
Inayos ko muna ang dress kong tag-180 bago ko tuluyang tinulak ang glass door.
''Good morning po, '' bati ko sa babaeng nasa reception area.
''Good morning! How may I help you?'' nakangiti pero pormal na sabi ng receptionist.
''I have an appointment with Miss Rina.''
''You are?''
''Honeylet Ortiz po.''
''Ok, follow me,'' ang sabi ng babae matapos basahin ang isang journal.
Sinundan ko ang babae na grabe ang kembot nito sa high-heels na suot. Tinungo namin ang parang waiting area kasi may walo pang babaeng nakaupo doon.
''Just wait here, you will be called,'' aniya at pakembot na umalis ulit.
Tumango ako at naupo kahilera ang walong babae.
Mukhang applicants din ang mga ito, mukhang matatalino pa, ‘wala na akong chance’ naisip ko.
Mabilis lang naman akong naghintay sa labas. Hindi ko alam kung bakit. At dumating na rin ang oras kong ma-interview.
Pagkapasok ko ay nakita ko ang babaeng nasa mid 40's.
''Good Morning po!'' nahihiyang bati ko.
''Good morning Ms Ortiz, sit down,'' sabi nito at di man lang tumingin sa akin.
''I am Rina,'' sabi nito habang nakayuko pa.
Umupo ako at naghintay na balingan ako ng atensiyon, mukhang binabasa ang aking Resumè.
''So you worked with the Fontanilla group?'' tanong agad nito sa akin nang nag-angat ng mukha.
''Y-Yes Miss,'' medyo alangan kong sagot.
''Why did you leave?''
“Sir Luke and Ma'am Pepper are great people but at times in your life you feel the need to change your environment because it's the right thing to do,” sagot ko.
Hindi ko na sinabing dahil sa nahihiya na ako sa magasawang Fontanilla kaya ako nagresign.
''That is?''
“I want to practice what I've learned in school Miss. I am a secretarial graduate but also pursuing a course in Business Economics. If I remain there as a messenger, I will never mature my learnings hence I decided to leave them even if it's difficult to start over.”
''You are studying again!'' she exclaimed.
Hindi ko alam kung tamang nasabi kong tinuloy ko ang pag-aaral ko. Pero nasabi ko na kaya bahala na.
''Sa gabi po Miss, graduating na ako ng Business Economics but I assure you if I get this job hindi po ito hadlang sa trabaho ko dito.''
Tinitigan ako ng matagal ni Miss Rina. Saka tinignan ang OTR ko.
''I need an assistant who has a flexible time,'' sabi nito.
''I don't think there will be a problem Miss because I go to school at night.''
''Let me review your documents. You will be called tomorrow for you to know if you got the job, do you have an ID pic?''
Tumango ako kahit na nararamdaman kong hindi ako pumasa. Inilabas ko mula sa wallet ko ang ID pic na hinihingi nito saka ko muling isinalansan ang wallet ko sa bag kong nakapatong sa katabing upuan.
''If given the chance to be your secretary I promise you I will be the best,'' sabi ko at saka na ako tumayo.
Nakita kong ngumiti si Ma'am Rina sa akin pero saglit lang yun. Hindi man lang ako tinanong ng mga skills ko etc. Sigurado na akong di ako pumasa.
Pababa na ako ng building na lupaypay ang mga balikat.
'Paano na ito?' Tanong ko sa sarili ko habang patungo ako sa sakayan ng jeep. Huminto muna ako sa harap ng building saka naupo sa tabi ng hagdanan na nasa tapat ng entrance.
Somebody whistled, isang lalakeng nadaan. '
Lintek! Nakalimutan kong nakadress pala ako! Makabukaka pa ako ng upo wagas'
''Unggoy!'' inis na turan ko saka ko inayos ang upo ko.
Naisipan ko nang kumuha ng pamasahe ko para sa jeep mula sa wallet ko nang di ko makita sa loob ng bag ko ang wallet ko.
''s**t, naiwan ko yata sa office ni Miss Rina!'' usal ko.
Napatayo na ako mula sa pagkakaupo at tumalilis papunta sa elevator.
''Excuse me! Excuse me!'' singit at pakiusap ko sa mga nakasiksik na sa elevator.
Pero parang ilang naman ang mga itong nagsilabasan.
'Anong nangyayari? Mabaho ba ako?’ Sabay amoy pa sa kili kili ko.
'Hindi naman ah?'
Mga praning! Gusto kong isigaw sa mga taong nagsilabasan.
''Miss, di ka ba lalabas?'' tanong ng elevator boy.
''Huh?'' takang tanong ko.
Hindi ito sumagot at tumingin ito sa dalawang lalakeng nasa labas ng elevator.
''Ano bang problema niyo? Wala akong putok ok!'' inis na turan ko.
''Kayo? Aakyat ba kayo?''bBaling ko sa dalawang lalakeng pirming nakahinto sa labas ng elevator.
Natutop ng elevator boy ang labi niya saka ako pinanlakihan ng mata.
''Saan kayo? Sa 10th floor ako! Sasabay ba kayo?'' tanong ko ulit. Nag umpisa na naman ang bulung-bulungan sa mga tao sa labas ng elevator.
''10th floor!'' tipid lang na sagot ng lalakeng nasa kanan kaya naman hinila ko na sila sa kamay at padarag na dinala sa loob ng elevator.
''Tabi ka nga dyan Kuya!'' Sabi ko sa elevator boy na nakayuko na, para bang naengkanto at di na nagalaw pa saka ko pinindot ang 10th floor.
Pagkapindot ko ng 10th floor ay pumwesto ako sa likod. Sanay na kasi ako sa likod lagi dahil messenger ako dati at mas gusto ko rin kasing ako ang mag obserba ng kasabayan sa elavator kaysa ako ang inoobserba.
Parehong naka-jeans ang dalawang lalake. Pero parehong may Jacket at sigurado akong well built ang mga katawan ng mga ito kahit na di ko pa nakikita.
'As if makikita mo naman Honey' saway ko sa sarili ko.
Pareho silang mabango at may hitsura. Mas matangkad yung isa at seryoso ang mukha, samantalang yung isa naman ay seryoso din pero mukhang di suplado.
''Ting'' Narinig kong tunog ng elevator.
Naunang lumabas ang dalawang lalake para lang bigyan daan ako papasok sa loob.
'Gentlemen kahit papaano' nausal ko sa sarili ko.
Hindi ko na sila tinapunan ng tingin dahil iniisip ko yung wallet ko.
Dire-diretso ako sa reception at nakasunod lang naman sila sa akin
''Miss,Miss!'' agaw pansin ko sa receptionist na para bang sinisilihan ang singit sa ngiting sumisilay sa kanyang labi.
''Good Morning Sir,'' bati nito na agad ko namang tinaasan ng kilay.
''Mukha ba akong lalake?'' inis na turan ko sa kanya.
''Huh? Hindi ikaw!'' irap niya sa akin at nakita ko namang nakatingin siya sa may likuran ko.
Napalingon ako at ang lalakeng kasabay ko pala ang tinatawag niya ng sir niya. Ito yung mas matangkad sa dalawa na seryoso ang mukha. Samantalang yung kasama niya kanina na seryoso din ang mukha na di suplado ay may kausap sa celphone at nasa tapat pa ng elevator.
I gasped. I smelled I was in trouble. SIR daw ito so ibig sabihin may posisyon ang lalakeng ito sa kompanya.
''Ahhhh eh,'' sabi ko habang napapakamot ng ulo.
''I think I forgot something in Ms Rina's Office,'' sabi ko nang napapahiya sa kaharap ko lalo na at nakatitig pa sa akin ang lalakeng Sir kung tawagin ng receptionist.
''Your Wallet?'' sabi ng Receptionist.
Tumango ako at para namang nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang makita kong iabot nito ang wallet ko.
''Thank you,'' pasalamat ko sa Receptionist at agad kong hinalugad ang wallet ko.
''Wala akong kinuha dyan!'' she said.
Tinaasan ko na naman siya ng kilay. ''Wala namang laman ito Miss, kundi ang picture ng pamilya ko. So huwag kang mag alala dahil kung pera ang tinutukoy mo, sa wallet ko'y WALEEEEEEYY,” sabi ko.
Sasagot pa sana ang Receptionist nang magsalita ang lalake. ''May iniwan ba si Babe dito?''
''Ah Yes Sir, '' malanding sagot nito sabay abot ng isang envelope.
''Taken na pala nilalandi pa,'' nausal ko saka ako tumalikod sa kanila.
''Excuse me?'' narinig kong sabi ng lalake.
Huminto naman ako at lumingon.
''She's obviously swooning over your charms and you are not doing anything about it!'' Diretso kong sabi.
Nakita kong namula ang pisngi ng receptionist. And I saw him crossed his arms infront of me.
''And what do you want me to do about it?'' he asked me.
''Have atleast the decency to act like you are taken!'' I said then I turned my back, only to bump onto something hard.
''Watch out!'' sabi ng nabunggo ko.
''S-sorry!'' agad kong sabi pagkakita ko sa lalakeng kasabay nung isa pa kanina.
''In a rush? Sweetheart?'' tanong nito ng nakakaloko.
''Sweetheart doesn't apply to me. I'm a Honey,'' pilosopo kong sagot saka ako tumalikod.
Nagmamadali kong tinungo ang elevator at narinig ko pa ang tawanan nila.
'KAINIS!' I silently uttered.
Theo's POV
''Who was that?'' tanong ko kay Janice ang receptionist namin.
''An applicant Sir,'' nahihiyang sagot nito
“What was she doing in Engineering Dept?” tanong naman ni Adam, isa sa mga kapatid ko.
''Dito po kasi nag-interview si Miss Rina.''
Tumango na lang ako at humakbang patungo ng office ko. At nakasunod naman si Adam sa akin.
''Have at least the decency to act like you are taken Theo!'' ulit nito sa sinabi ng applicant sa akin.
''She's a Honey not your sweetheart, Adam!” ganting asar ko.
Nagtawanan na lang kami bago naghiwalay papunta sa kanya-kanyang office.
Then we separated ways. Nagtungo na rin siya sa office niya. May office kaming magkakapatid sa 10th floor maliban kay Mandy. Mayroon din sa 13th floor kung saan ay ang GOMEZ floor kung tawagin namin na inookupa ni Mandy most of the time.
'Tok tok tok' I heard someone is knocking at my door.
''Come in,'' sabi ko at nilabas ko ang mga dokumentong nakasilid sa envelope na iniwan ng kapatid kong si Mandy kay Janice.
''Sir Theo!'' bati ni Rina.
''Rina!''
''I've finished interviewing! Do you want to interview them first before ko i-hire?''
''Is it necessary?'' I asked.
''Kung gusto ninyo pong magkakapatid kasi in case na umabsent po ako sila ang magiging secretary ninyo.''
''I have talked to my brothers and Babe. Si Babe na daw ang mag-screen sa kanila. And you Rina will stick to Babe. So hindi na assistant secretary ang hinahanap. Secretary na mismo.”
''Really? That's good news! Pero dapat pala tinaasan ko ang standards kung Executive Secretary pala ang magiging positions nila,” aniya.
''It doesn't really matter, magaling ka namang magturo, besides we need fresh people dito para naman bumata ang surroundings.''
''Pasalamat ka at mukha akong bata Sir Theo,'' I heard her say pero pinapasaringan ako.
''Hahaha! That was a joke Rina. We believe in your expertise to train. That's all,'' ngiti ko sa kanya.
''Here, take a look,” sabi ni Rina sa akin na nakangiti na.
Naisip ko naman yung babae kanina sa elevator. Kaya ayaw ko mang pakialaman ang hiring, I browsed the folder kung saan nakasalansan ang mga applicants.
''Sino diyan ang bet mo?'' tanong niya sa akin.
''I don't know. Ikaw kaya ang nag-interview,'' sabi ko na hindi man lang binabasa ang mga folders but I was looking for the pic of the girl from the elevator.
''Hahaha right! Anyway yung bet ko as your secretary eh itong dalawang ito.'' sabay bigay ng dalawang curriculum sa akin.
''Isang engineering graduate pero di nakapag board at Isang Business Economics student,'' saad pa niya.
''Business Economics? Ano naman ang kinalaman niya sa Engineering Department?'' I asked.
''So you are telling me yung Engineering graduate ang i-aasign ko sa iyo?''
''Oh bakit parang di ka convinced?'' tanong ko sa kanya.
''Remember Sir Theo that I am not also an Engineering graduate but here I am at naging secretary ninyo akong limang magkakapatid. Do not under estimate the other candidates.''
Napaisip ako, may point siya.
''Ano ang pinagkaiba nila?''
“The other one is naive but has extra ordinary wit! The other one is persistent and determined.''
Napaisip ako. At tinignan muli ang dalawang curriculum.
''Nasaan ang picture nito?'' tanong ko kay Rina.
''Ay wait,'' sabi nito at iilabas mula sa bulsa ang picture.
Then I smiled upon seeing it.
''What's so funny?'' she asked.
''She's the naive and witty right?'' I asked Rina showing the picture of the girl I encountered from the elevator.
''How did you know?'' she asked, surprised.
''I want her,'' sabi ko na lang kay Rina without explanations.
''Ok,'' sabi nito. Saka akma nang tatalikod.
''What's her name again?'' tanong ko na nagpahinto sa kanya.
''Honeylet.''
''Ok,'' I smiled to dismiss Rina
''Sweetheart doesn't apply to me, I'm a HONEY' Bumalik sa isipan ko ang sinabi ng babaeng applicant. I smiled with the thought. She's literally a Honey!
''When do you want her?'' Rina asked me.
“ASAP but It's up to you, may orientation pa di ba?”
''That fast?'' takang tanong ni Rina.
''Yes! That fast!'' sabi ko pero sa cellphone na ako nakatingin.
''But all will depend to Mandy. Sabi mo siya mag i-screen di ba?'' narinig kong sabi ni Rina.
''Yes, but I want her. Just notify Babe.''
''Alright!'' narining kong sabi ni Rina at saka lumabas na.
___________________
Kinabukasan ay nasa bahay lang ako. Dahil sa hindi maganda ang pakiramdam ko. Lalagnatin yata ako.
Isang buwan na rin nang magresign ako sa dating company na pinag-tatrabahuan ko. Ayoko sanang mag-resign dahil ang babait ng mga katrabaho ko at pati sina Sir Luke at Ma'am Pepper pero feeling ko I need to change my environment to move on and to gather myself.
Ako ang messenger nila doon kasama ko sina Mang Julio at Mang Oscar. Hindi naman mahirap ang trabaho ko kasi baby naman ako nung dalawang matanda. Hinahayaan nila akong sa building lang maglagi at sila na ang gumagawa sa mga transactions ng kumpanya sa labas. Secretarial graduate ako pero pinatos ko na rin ang pagiging messenger dahil kailangan ko ng trabaho.
Kinailangan kong mag-resign dahil nahiya na ako kina Sir Luke. Ang dami ko ng absent gawa nang pagkakasakit at pagpanaw ng Nanay.
Mahirap lang kami. At ako ang nagtutustos ng pag-aaral ko. Tinuloy ko na kasi sa Business Economics ang course ko at sa gabi ako nag-aaral at trabaho sa araw.
Mataas ang pangarap ko. Pero dahil nga sa kapos sa pera pasensiya.
Ang naiwan lang sa akin ay ang bahay naming di kalakihan sa Taguig. Kahit papaano ay may naipundar ang mga magulang ko. Bawasin na rin sa alalahanin ko ang tirahan.
Kasama ko si JB sa bahay, siya ang bestfriend ko s***h bodyguard kahit na mas babae pa siya sa akin sa totoong buhay. Simula nang maulila ako ay dumito na siya sa bahay ko dahil na rin sa mag-isa lang ako at babae pa. Wala naman akong reklamo dahil mainam na rin na may kasama ako pero hindi halos kami magkita dahil sa trabaho niya.
Wala na akong pamilya. Kung meron man sa mother side na lang pero nasa Ilocos sila at hindi ko rin sila kilala masyado. Samantalang ang father side ko wala akong alam at balak alamin pa. Ang kwento lang ni Nanay noon ay hindi siya gusto ng pamilya ni Tatay kaya tinalikuran sila, at itinakwil si Tatay.