MELTING BARRIERS
CHAPTER# 2
''Hoy Bakla! gumising ka diyan! May text ka!''
I rubbed my eyes with my knuckles when I saw JB in my room.
''Sino daw?'' kakamot-kamot ulo kong tanong.
''Sa HR ng Gomez Constructions''
Pagkarinig ko ng sabi ni JB ay tumalon ako papunta sa kanya at inagaw ang cellphone niya.
''ARRAAAAYY! Baklita ka! Yung ingrown ko naapakan mo!'' he whined.
Binasa ko ang message ng HR pero kahapon pa pala yung message.
''Hoy JB bakit ngayon mo lang pinabasa ito?'' maktol ko sa kanya.
''Nawala ka kaya ateng? And actually 2 calls pa sila kaso nasa work aketch di ko nasagot sorryness Hon!
''Naghanap ako ng trabaho kahapon!''
''Oo nga pero now lang tayo nag see-through! And waley ka naman cellphone papaano ko sasabihin sa iyo aber?'' maarteng sabi nito.
''Patawag,'' sabi ko.
''Gora! And ready na ang lafang!'' he said and left me.
Mabilis kong tinawagan ang numero ng text.
After few rings...
''HR,'' sagot ng nasa kabilang linya.
''Good morning po,'' bungad ko.
''Yes, how may I help you?'' magalang na sagot ng babae.
''Ahmm, I received a text and I missed 2 calls from your office yesterday,'' sabi ko.
''Your name please?''
''Honeylet Ortiz''
''Hold on! I'll connect your call''
Naghintay pa ako ng mga 10 seconds before may sumagot.
''Rina here''
''M-Miss Rina?'' nauutal kong sagot.
''Yes, who's this?''
''H-honey-Honeylet Ortiz''
Patlang.
''Hello?'' Sabi ko ulit.
''Yes Miss Ortiz. We are actually expecting you today.''
''Po?'' sagot ko.
''You're late''
''I wasn't informed,'' mabilis kong sagot
''It was your duty to call back and send a reply when we weren't able to contact you.''
''Ma'am Rina nasa bahay pa po ako. Hahabol po ako.''
''Be quick, today is your orientation.''
''S-sige po. Darating na ako.''
''Ok,'' sabi nito at nawala na siya sa linya.
___________________________________________
''JB,'' nagtatalon kong tawag sa bestfriend ko.
''Ano ba? Ang aga-aga nakakabulahaw ka!''
''Orientation ko na daw! Pero late na ako. Diyan ka na bakla,'' sabi ko at nagmamadaling nagbihis, wala ng ligo-ligo.
''EWWWWWW! Di ka naligo?'' puna ni JB sa akin pagkalabas ko ng kwarto.
''Psssss! late na ako wala ng oras! Mamya na.''
''Eh bakit maputla ka? Uso ang blush on!''
''Wala ito, may sinat yata ako kasi naulanan ako kahapon.''
''Oh heto 500,'' abot niya.
''Gagawin ko diyan?''
''Singkwenta lang laman ng wallet mo, nakita ko.''
''Hoy James! Pakialamera ka talaga ano?''
''Alam ko kaya huwag ka ng maarte, eto rin breakfast mo,'' sabi nito na inabot ang sandwich at bottled water.
''And wait ka lang dyan kuhanan kita ng Neozep''
''Salamat Bakla,'' sabi ko na lang sa kanya at saka ko siya niyakap at umalis na.
Si James Bading ang bestfriend ko, ''JB'' Sa aming mga close friends niya. Ulila na rin siya kaya naisipan naming magsama na lang kasi kami ang pamilya. At dahil mas malaki ng konti ang bahay namin ay sa akin na siya tumira. Kasama siya sa federasyon pero hindi siya nagbibihis bakla kasi aspirant model siya kaya puro lifts and dumbels ang kasama niya. Gwapo siya actually, like most gays are. Pero juicecolored mas babae pa siya sa akin. Konti nga lang ang may alam.
Alas 10 na nang makarating ako sa Gomez Towers.
Nahihiyang kumatok pa ako sa Orientation Room.
Nakita ko si Miss Rina at isa pang babae sa tabi niya.
''G-good Morning po,'' nakatungong bati ko.
''Ms Ortiz! Join the group!'' rinig kong utos ni Miss Rina.
Tumabi ako sa nakahilerang tatlo. Pare-pareho kaming babae.
''Alright, as I was saying. Kayo ang magiging secretaries ng mga big boss.''
''Po?'' tanong ko nang nababahala kasi assistant to the secretary lang naman ang inaplyan ko.
''Any problem with that Ms Ortiz?''
Sasagot na sana ako nang may pumasok na buntis. 'Si Miss Mandy' Nausal ko sa sarili ko. Kilala ko siya kasi isa siya sa mga bestfriend ni Ma'am Pepper yung asawa ng dati kong boss.
''Ma'am Mandy,'' bati ni Miss Rina sa kanya.
''Rina!'' nakangiting sagot nito.
''Sila na ba yung mga selected?'' tanong nito at tinignan kami isa-isa.
Nakayuko lang ako.
''Yes.''
''Ang babata naman?'' I heard her say.
''Yes they are all 25 years old and a 21.''
''Ok! I believe in your expertise to train them well. You know my boys!''
''Hahaha! Definitely Ma'am Mandy,'' nakangiting sabi ni Ma'am Rina.
''Ok ladies, She's Amanda Gomez. The Queen of the GOMEZes.''
''Good morning Ma'am!'' sabay-sabay naming bati.
''Where were we earlier?'' sabi ni Miss Rina na ikinakaba ko ng husto.
''Ah yes, Ms Ortiz are you having a problem being assigned as a secretary?'' she asked.
''Y-yes Ma'am!'' I stammered. Nakita kong kumunot ang noo ni Miss Mandy.
''Why?'' tanong ni Miss Rina.
''I applied for assistant to the secretary Miss Rina. The job description of an Executive Secretary is way too demanding than that of an assistant to the secretary position. Not that I can't do it but you may have learned also that I study at night so I don't want to compromise the efficiency of my work nor to sacrifice my studies.'' mahabang litanya ko.
''I understand.'' sabi ni Miss Rina.
''What can you say about this Ma'am Mandy?''
''Why do you hire someone not prepared for the job Rina?'' sabi ni Ma'am Mandy with a serious face.
Napangiwi si Miss Rina sa akin.
'Naku po di pa man ako nag uumpisa fired na agad? Juicecolored Honeylet ang bunganga mo.'
''She has the potential Ma'am Mandy,'' narinig kong sabi ni Ma'am Rina.
''Honeylet!'' tawag ni Miss Mandy sa akin at napatingin ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata. 'Hala nakilala niya ako?'
''Do you know her Ma'am?'' Miss Rina asked her.
''Yes, nakita ko na siya sa Fontanilla group.''
''Po?'' nahihiyang tanong ko kay Miss Mandy.
''Are you willing to give up your studies for the job?'' nang-aarok na tanong nito.
For the first time in my life I couldn't answer right away. But I needed to calm down and fix my thoughts.
''NO Mrs. Castelli. I'm sorry!'' sabi ko na ikinalaki ng mata ng mga kasama kong secretaries.
I heard Miss Rina sighed.
''Ok be the secretary of Theo!'' narinig kong sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
“1-3-4” sabi pa niya habang nakaturo sa mga katabi ko isa-isa. At nagpagulo lalo ng utak ko.
''Noted,'' sabi ni Rina
Kita kong gulong- gulo kaming mga secretarya sa 1-3-4 ni Miss Mandy.
''All problems regarding the health of my boys shall be reported to me. I don't need the details of their whereabouts. Sabihan niyo lang ako kung nasaan sila lalo na kung biglaan.''
Tumango naman kami.
''I have to go ladies! Rina sumunod ka na lang sa office ko later!'' sabi ni Miss Mandy at umalis na ito.
Nagpatuloy naman kami sa orientation at doon na namin nalaman ang 1-3-4 na yun. 1 is for Yuri Benjamin Gomez, 3 is for Richard Carl Gomez, 4 is for John Adam Gomez at yung 2 ay si Theo Sebastian Gomez - na magiging boss ko. Na ngayon pa lang ay kinakabahala ko na dahil alam kong siya yung hinila ko sa elevator noon.
I saw the faces of the Gomez siblings sa history sheet na binigay ni Miss Rina sa amin kasama na ang information ng mga magiging boss namin.
'Damn!' Usal ko pagkatapos ng orientation. Gulong-gulo na ako. Bakit sa dami ng kapatid ni Miss Mandy kay Theo na yun ako maa-assign?
Hindi ko rin akalain na matatanggap pa rin ako kahit na sinabi kong may problema ako sa pagiging Executive Secretary.
Minabuti kong puntahan si Miss Rina sa office niya. Kahit lantang-lanta na ako dahil sa di ako ok physically. Mabuti na lang at may Neozep akong na-take kanina.
''Miss Rina!'' nahihiya kong umpisa sa sasabihin ko sa kanya.
''Miss Ortiz! Are you ok?'' pansin nito sa akin.
''Medyo may lagnat lang po.''
''Do you need anything?''
''Mawalang galang na ho Miss Rina pero di ko maintindihan eh'.'
''Ang alin?''
''I wasn't ok with the Job description.''
Nakita kong ngumiti ito. ''I know! But you heard Mrs. Castelli, kay Sir Theo ka na lang daw.”
''Po?'' nagugulauhan pa rin talaga ako.
''Si Sir Theo, morning person yan. Nasa office sa umaga tapos nasa site sa hapon so hindi niya kailangan ng Secretary lagi.''
''I see'' Sabi ko na lang at tumango.
''So halfday po ako?'' tanong ko ulit.
''No, you will still work from 8 to 5. Pero nasa amo mo na kung ano ang gagawin mo.''
''Ah, ok sige po!'' sabi ko saka ako nakahinga ng malalim.
''Be early tomorrow for your training.''
''Yes Miss.'' sabi ko at nagpaalam na ako.
Alas sais na ng hapon nang papalabas ako ng HR. Lantang-lanta na talaga pakiramdam ko. Ganunpaman ay masaya ako at may trabaho na ako.
''Going down?'' tanong ko ng pasigaw sa papasarang elavator door.
Bumukas naman ito nang maiharang ng kung sino mula sa loob ang kamay niya.
''Yes! Going down!'' malamig na sabi ng isang boses.
Lumaki ang mata ko. Si Sir Theo ito.
''Anong floor ka miss?'' tanong ng elevator boy.
''GF,'' sabi ko tapos saka ako yumuko. Ano naman kaya ginagawa ni Sir Theo dito eh hapon na? Akala ko ba laging nasa site ito ng hapon?
Ramdam kong pinagpapawisan ang likod ko pero batid kong hindi dahil sa presensiya ng lalakeng katabi ko ang dahilan kundi dahil sa init ng aking katawan. 'Sana lang makapasok ako bukas' taimtim kong dasal.
Hindi ko alam kung magpapakilala ba ako sa kanya bilang sekretarya niya o hindi. Ang alam ko lang ay umuurong ang dila kong magsalita.
Parang ang sikip ng elevator ng mga oras na iyon mabuti na lang nakarating din agad sa Ground Floor. Hinayaan kong makalabas muna si Sir Theo kahit na pati siya ay naghihintay na gumalaw ako.
''Aren't you going to move?'' tanong nito sa akin.
''Mauna na ho kayo,'' sabi ko.
He looked at me, nagtama ang mga mata namin and he frowned before leaving the elevator.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang lumabas ito.
''So nakilala mo na si Sir Theo?'' ngisi ng elevator boy sa akin.
Tumango lang ako.''Siya ang magiging boss ko,'' mahinang usal ko.
''Hala ka!'' pang iinis nito sa akin na feeling close kami.
Hindi ko na siya inimikan at para akong estatwa nang maglakad palabas ng elevator. I saw Sir Theo talking to somebody just outside the building.
Nilagpasan ko na lang sila at nagulat ako nang makita ko si JB sa tapat ng building.
''Hon!'' salubong nito sa akin.
''JB? Ginagawa mo dito?''
''Hinihintay kita ano pa ba! Kita mo mukha mo kulang na lang sa iyo bulak sa ilong.'' sabi nito. Sinapo pa nito ang forehead ko.
Niyakap ko naman si JB dahil nanghihina na talaga ako. ''Uwi na tayo bakla,'' bulong ko.
Bumuntong hininga siya. ''Mag-taxi na tayo.''
''Sayang pamasahe JB, jeep na lang.''
''Jombag gusto mo?'' narinig kong sabi niya bago ako inakbayan at inalalayan paalis.
Nang makarating kami sa bahay ay agad niya akong inasikaso. ''Hilata ka na lang d’yan Hon! Magpahinga ka dahil kung hindi, bukas di ka makakapasok.''
Huminga ako ng malalim. “Salamat JB,” sabi ko.
Dinalhan pa ako ng mainit na sabaw sa kama.
''Dinner in bed?'' ngisi ko.
''Sige kiligin ka, nang magkakulay naman ‘yang mukha mo!''
''JB, sayang ka!'' sabi ko na nakangisi pa rin.
''Tsehhhh! Maghunus dili ka Honey! Kinikilabutan ako sa iyo,'' bara niya agad sa akin.
Natawa na lang ako sa kanya. Gwapo si JB, lalake kung magbihis at may 8 packs. Nag-uumpisa pa lang ang kanyang career bilang model. Hindi pa siya masyadong nadidiskubre pero hindi naman ako nagdududa na may kalalagyan siya sa mundo ng modeling.
''Ano’ng nangyari today?'' tanong niya sa akin na naupo na sa kama.
''Ok lang. Executive Secretary pala ang posisyon ko.''
''Ayyyyy may ganern? Akala ko ba assistant to the Secretary?''
''Akala ko din eh.''
''Promoted agad? Iba ang alindog mo Hon''
''Tseh! Sana lang di sagabal sa pag -aaral ko ito.''
''Sana nga! Nakilala mo na ba boss mo?'' mamaya ay tanong nito sa akin.
''Konti.''
''Ano’ng konti?''
Naikwento ko sa kanya ang nangyari at pinagtawanan lang ako. ''Iba kasi ang bunganga mo kung makatira eh,'' saad niya.
''Malay ko bang boss ‘yun?''
''Hahaha! Patay ka Hon!'' inis pa nito sa akin bago ako iniwanang makapahinga.
_______________________________________________________
''Bakla gumising ka na r’yan, hatid na kita bago ako pumasok.''
''Ay may ganon?'' Sabi ko
''Kung ok ka at walang lagnat kagabi, hindi kita pag aaksayahan ng oras!''
''HAHAHA! Ang harsh mo sa sa’ken!'' tawa ko sa kanya.
''Anong oras ba ang out mo mamya?''
''Kaya ko ng umuwi bakla,'' sabi ko at niyakap ko siya.
''Kayanin mo waley ka choice!'' aniya, saka din niya ako niyakap.
''’Wag ka na magpapaulan akala mo dahon ka ng gabi? Waterproof?''
Natawa ako sa kanya pero ramdam ko ang malasakit niya sa akin.
''Birthday ni Phei mamaya! Dumeretso ka na lang sa bahay nila.''
''Luh, hindi naman ako invited.''
''Sinasabi ko na nga di ba? Wala kang cellphone! Papaano ka sasabihan, tok-tok,'' sabi pa nito at kumatok literally sa noo ko.
''So invited ako?''
''Ang kulit mo.''
''Hehehe. Sige-sige libre ang dinner kung gan’on,'' tawa ko.
''Oo pero pwede ba ikaw na bumili ng wine?''
''Wine? Ulit ko.''
''Nasaan ba ang utak mo Hon?'' sabi nito sa akin.
''Bakit Wine?'' sabi ko sa kanya.
''Gusto niya wine eh, dumaan ka sa grocery!'' sabi nito at inabutan ako ng pera.
''Whatever JB,'' sabi ko sabay kuha sa pera.
''Magbihis ka na rin before ka umalis ng office ninyo, huwag ganyan na ang manang- manang mo.''
''Corporate attire ang tawag dito,'' turo ko sa damit ko na naka-ready na sa hanger.
''Corporate attire my face!''
''Ano’ng mali sa damit ko JB?'' kunot-noong tanong ko.
''Secretary ka di ba? Bakit ganyan? Kulang na lang may nameplate ka na ang nakasulat VIRGIN.''
''Ewan ko sa iyo! Bakit ba pati damit ko pinag iinitan mo!''
''Naku girl kung ako may boobs at baywang na kagaya mo, nungkang magbabalot ako ng ganyan.''
''Kaya nga puro muscles binigay sa iyo ni Lord kasi malandi ka!'' I smirked.
''I know right! Sabi nito saka kami nag-apiran''
Pagkahatid ni JB sa akin ay 7:50 na. May 10 minutes pa akong grace period.
''Ingat ka Hon! Goodluck!'' kaway ni JB sa akin bago umalis.
''Salamat! See you later!'' kaway ko saka ako pumasok sa building.
Heto na naman elevator na naman, napabuntong-hininga ako. Papasok na sana ako sa elevator nang nagsilabasan na naman mga pasahero and I know why. 'kanis' usal ko sa sarili ko sa ganitong practice nila dito na mag-give way sa mga GOMEZes.
I turned my back and I saw 2 of the Gomez brothers. Yung ADAM at yung YURI na nakilala ko lang sa picture sa history sheet ng company.
I stepped outside to give way.
''Why moving out now Sweetheart?'' Nakakalokong sabi nung ADAM sa akin.
''PO?'' sabi ko.
''Sabay ka na sa amin.''
''Hindi na po sir!'' sabi ko sabay lihis.
''I insist Sweetheart!'' sabi nito nang nakakaloko.
''What are you up to Adam?'' I heard Yuri's cold voice.
Tumawa lang ito at hinila ako papasok ng elevator na agad naman hinarang ng isa pang kamay bago tuluyang magsara.
Lumaki ang mata ko pagkakita kay Sir Theo.
''What is she doing here?'' he asked in an irritated voice.
''Nakatingin lang sina Yuri at Theo sa kapatid nilang si Adam na hawak-hawak pa rin ang kamay ko.
''I asked her to join us in the lift,'' kaswal na sabi nito.
I saw how Theo's serious face turned dark. Siya na ang pumindot ng 9th floor-HR at 13th floor-GOMEZ Floor sa elevator dahil mukha na namang naengkanto ang elevator boy.
Walang imikan ang magkakapatid.
''Let go off my wrist Sir!'' I said with authority.
I heard Yuri laugh at hindi ko maintindihan.
''Sure Sweetheart!'' nakangising sabi ni Adam.
''I told you I am a HONEY,'' sabi ko na ikinatawa lalo ni Adam.
''What's going on here?'' curious na tanong ni Yuri.
''Ting'' salamat Lord usal ko sa tunog ng elevator, hudyat na nasa 9th floor na kami.
Nang bumukas ang elevator ay lumabas ang magkakapatid to give way to me. 'ugali ba nilang maging gentlemen? I wonder' pero of course di ko na isinatinig ‘yon.
''See you around sweetheart!'' umpisa ulit ni Adam.
''She's not your sweetheart Adam! Stop calling her that!'' sabi ni Theo pero di ko na sila pinansin at halos takbuhin ko ang daan patalikod sa kanila.