MELTING BARRIERS
#CHAPTER 3
''Hey! What was that all about?'' tanong ni Yuri nang lulan na ulit kami ng elevator papuntang 13TH floor, ang GOMEZ FLOOR.
Hindi ako kumibo dahil alam ko namang si Adam ang magku- kwento but he didn't. Tahimik lang din ito na nakangisi.
''Hoy! May kausap ba ako?'' ulit ni Yuri.
''Mind your own business!'' sabi ko at nauna nang lumabas ng elevator pagkarating namin sa 13th floor. Narinig ko pang humagalpak ng tawa si Adam.
''Bakit nagsusungit ‘yon?'' tanong ni Yuri habang nasa likuran ko sila nakasunod papuntang conference room.
''I don't know,'' patay malisyang sabi ni Adam.
I rolled my eyes kahit hindi naman nila ito nakikita.
Pagkarating namin ng conference room ay nandoon na si Rina at na-set na rin ang conference room.
''Good morning big bosses!'' ngiti nito sa amin.
''Good morning,'' ganti ni Yuri.
''Mainit ang ulo natin ah’’ puna ni Rina sa akin.
And the s**t of Adam laughed hard.
''What's funny?'' iritang tanong ko sa kanya.
''I'm inspired! Bawal ba'ng matawa?'' sabi nito.
Maya- maya pa ay dumating na rin si Caloy.
''Ang aga ninyo ah?” He said saka nakipag-fist bump sa amin.
''Si Babe lang naman laging late,” tawa ni Yuri
''Buntis eh! Mas lalong kumupad,'' Adam said laughing.
''Miss Aura will be presenting your secretaries later,'' singit ni Rina.
Tumango lang sina Caloy at Yuri.
''I'll leave you guys for a while.'' paalam ni Rina saka lumabas ng conference room.
Honey's POV
Halos liparin ko na ang daan papuntang training room. Hindi pa ako late but I couldn't help myself but to run away from those monkeys from the elevator.
''Good morning!'' hingal kong bati sa mga ka-training ko.
''Napaano ka Honey?'' tanong agad ni Sasha ang magiging secretary ni Sir Yuri. She's tall, mga 5'6'' siguro ito. Morena nga lang hindi gaya kong kulang sa araw.
''Para kang may tinatakasan,'' puna naman ni Rhea, ang magiging secretary ni Sir Carl. She's chubby pero makinis ang mukha at kita mong maalaga sa kutis.
''Ah eh, akala ko late na ako,'' matipid kong sagot.
''Hindi pa sis!'' nakangiting sabi naman ni Bea, ang magiging secretary ni Sir Adam. Magaganda ang mata ni Bea na kulay brown. Mga 5'4'' siguro ito at katamtaman ang katawan.
Naupo ako at parang nauupos na sigarilyo nang sumandal sa silya.
''Ayusin mo nga ang upo mo,'' sita ni Bea sa akin.
Naka slacks naman ako Bea! Mainit,'' sabi ko pa.
''Para ka talagang lalakeng magbihis!'' sabi ni Rhea.
''Hindi ah, kayo lang talaga sobrang makapagbihis!'' ngisi ko.
Lahat sila ay naka A- Line skirt at heels. Ako lang ang naka slacks at jacket kahit na sabihin pa nating pormal yung damit ko ay wala itong binatbat sa mga damit nila.
''Sabagay di mo naman kailangan mag-heels dahil over ka na sa height,'' sabi ni Sasha.
5'7'' ako. I got it from my pale father. Si Nanay naman ay morena at sa kanya ko nakuha ang kulot-kulot kong buhok. Mahaba ang buhok ko at laging nakapusod. I don't really hang it loose dahil nag ji-jeep ako. Ayoko namang matabunan ng buhok ko ang mukha ng katabi ko if ever nililipad na ng hangin ang buhok ko di ba?
I am slender pero di ako pinagkaitan ng boobs, I also watch my food intake. Dahil tabain ako but I love candies ang chocolates. ALL FORMS and SIZES yun nga lang ang chocolate I eat it when I feel like to. Pero ang candies? They are my comfort food.
''Nakita na ba ninyo ang mga boss natin sa personal?'' mam’ya ay tanong ni Rhea.
''Oo',' sabi ko kahit na di ko alam kung papano ko sa kanila i-eexplain.
''’Yung boss na lang ni Rhea ang di ko pa nakikita,'' dugtong ko pa.
''Gwapo ba sila in person baka kasi na-photoshop yung nasa History Sheet?'' ani Bea.
''Hindi naman sila masagwa,'' tipid kong sagot.
''Anong masagwa?'' si Bea ulit.
''’Di sila masagwang tignan!'' sabi ko nang nakangisi.
''Ewan ko sa iyo Honey!'' nnatatawang sabi ni Sasha.
Mam’ya pang konti ay pumasok na si Miss Aura, ang nagte- train sa amin.
''Good morning girls!'' nakangiting bati nito.
''Good morning Miss Au,'' halos sabay-sabay naming bati.
''I'll give you 5 minutes to freshen up! Aakyat tayo sa 13th floor!''
''Sa Gomez floor? WEEEEEEEEEEEE'' tili ni Rhea.
''Yes, sa Gomez floor! May closed door meeting ang mga big bosses. Makikilala na ninyo ang mga amo ninyo today.''
''Wahhhhhh! Kinakabahan ako!'' tili ni Bea.
Ako din naman kinakabahan, bakit hindi? Nangangatog na ang tuhod ko ngayon pa lang.
''Go,” utos ni Miss Au sa amin papuntang powder room.
Parang may hinihilang pison naman ang mga paa ko dahil hindi halos ako makalakad dahil sa bigat nito.
''Hoy honey!'' 5 minutes lang bigay sa atin hindi 5 hours! Hinatak na ako ni Bea pasunod sa kanila.
Nagsilabasan sila ng mga colorete nila at kung ano-ano pa. Pahid dito pahid doon. Samantalang ako juicy fruit- sugar free ang nilabas ko. Dalawa para bongga saka ako ngumuya.
''Di ka ba mag-aayos Honey?'' puna ni Sasha.
''Wala naman akong mga ganyan!'' tawa ko.
''Ni lipstick?'' namilog ang mga matang tanong ni Bea.
''Saang tribu ka ba nagmula?'' banat ni Sasha na ikinatawa ko lang.
Hinablot ni Rhea ang bag ko at tinignan ang laman.
''Ano ito Honey? Candy mint? Lollypop? Mentos? Halls?Juicy fruit?'' basa niya sa mga candies ko.
''Nagbebenta ka ba?'' napapantastikuhang sabi ni Bea.
''’Di ah, past time kong kumain n’yan!'' ngisi ko.
''Mabuti di sira ang mga ngipin mo?'' ani Rhea.
''’Di ah, I chew sugarless gum because it has been shown to increase the flow of saliva, thereby reducing plaque acid, strengthening the teeth and reducing tooth decay,'' I said smartly.
''Talaga?'' tanong ni Rhea.
''Yep,'' I said and I flashed my shining white teeth.
''Oh heto! Magsuklay ka man lang!'' abot ni Sasha sa akin ng suklay niya.
''Huwag na! Nakapusod naman buhok ko di naman magulo,” sabi ko sabay tingin sa salamin ng banyo.
''Hay nako Honey! Magpasalamat ka maganda ka dahil kung hindi ewan ko na lang!'' bawi ni Sasha sa suklay na ‘di ko kinuha.
''Let's go ladies!'' bungad ni Miss Au sa amin sa pintuan ng banyo.
''Iwanan na lang ninyo mga gamit ninyo dito!'' sabi pa nito bago tuluyang lumabas ng training room.
''Bakit ba may paper bag kang dala?'' tanong ni Bea nang isiniksik ko ang paperbag ko sa upuan.
''Makikibirthday ako mamaya, mga pampalit ko ‘yan!'' bored kong sagot.
Tumango naman siya saka kami sumunod sa mga kasama namin patungong elevator.
Tanging mga purse lang namin, ballpens at papel na nasa isang chartboard ang dala namin,
Purse ng mga kolorete sa kanila samantalang ako purse ng mga candies ko.
''Hi miss Au!'' bati ng nasa elevator.
''Hi Grey,'' balik bati ni Miss Au.
''Grey?'' taas kilay ko at inulit ang pangalan na narinig ko.
''Hahahaha. Christian kasi name niya!'' sabi ni Miss Au
''AHHHHHHHHH! Feeling Christian Grey?'' ismid ko.
''Ang sungit mo naman miss,'' baling ni Grey sa akin.
''Hindi ako masungit!'' tipid na sagot ko.
''Honey, pagpasensiyahan mo na si Grey, madaldal talaga ‘yan!'' ani Miss Au.
''Madaldal? Pero nae-engkanto ‘pag sina Big boss ang kasabay!'' walang preno ang bunganga kong sagot.
''Paano mo nalaman?'' taas kilay na tanong ni Miss Au sa akin.
''Hehehe, maliban sa akin Miss Au, favorite ‘yan kasabayan ng mga Big Boss!'' ngisi ni Grey.
''What? Really?'' Miss Au was in awe.
''Ano ang mali dun sa kasabayan?'' maang ko sa kanila.
''No one dares to join them pag nasa lift sila! Oh well, maliban kay Grey kasi dito naman siya nakapirmi.''
''Ang taray mo 'te,'' bungisngis ni Bea.
''Hindi ko alam ok! Malay ko ba na sila ‘yong dinarag ko noong isang araw?''
Nagtawanan sila and I got furious all the more.
''Ting'' tunog ng elevator. ''13th floor,'' sabi ni GREY
Ok girls. Iikot muna tayo sa buong 13th floor. Ipapakita ko sa inyo ang mga offices ng mga boss natin.
Tumango lang kami bago tinulak ang glass doors na may nakasulat na 'GOMEZ OFFICES'
Parquet ang flooring at pagbungad mo pa lang ay nandoon na ang reception area na wala namang tao.
''Dito naglalagi si Miss Rina sa reception. Siya kasi dati ang Executive Secretary ng lima nating mga boss. Pero ngayon ay kay Miss Mandy na siya maa-assign.''
Tumango lang kami. At nakasunod pa rin. Nadaanan namin ang receiving area or waiting area. Anim na magkakaharap na executive couches ang naroroon. Kulay dark blue ito. At sa bawat kanto ay may mga lamp shades na bumagay sa sala. Sa gitna ay isang glass low table at may di kalakihang Fisherman's hook na cactus sa gitna.
May tinulak pang isang glass door si Miss Au. Blurred ito kaya di mo alam kung ano ang nasa kabila. Bumungad sa amin ang isang hall na paikot. At may walong pintuan ang naroon. Round shape ang hall kaya parang magkakatapat lang ang mga pintuan.
''Ok, the first door to the right is the conference room. Dito lagi ang meetings ng mga big boss at mga directors and heads.''
Hindi ito binuksan ni Miss Au, Tumuloy kami sa next door.
Ito ang office ni Miss Mandy. Binuksan niya ito at nandoon si Miss Rina na nakaupo sa harap ng isang mesa sa unahan ng isa pang pintuan, batid kong ‘yon ang office talaga ni Miss Mandy. Light Purple ang kulay ng opisina.
''Good morning Ladies,'' bati ni miss Rina.
''Good morning Miss Rina,'' bati namin.
''Ito ang office ni Miss Mandy,'' nakangiting sabi nito.
Tumango- tango kami bago sumunod ulit kay Miss Au na patungo naman sa isa pang pintuan.
''This is Sir Theo's office,'' sabi nito bago binuksan ang pinto.
''Honey,'' baling sa akin ni Miss Au.
''Po?'' tanong ko.
''Dito ang office ng boss mo.''
Maingat kong iginala ang aking mga mata.
''Hospital.'' naibulong ko.
Tumawa si Miss Au. ''Your boss like white colour Honey,'' sabi nito.
''And black,'' dugtong ko na ikinatawa nila.
Black and white ang office. Makikitaan mong lalake ang may office nito. Malamig, hindi homey gaya ng office ni Miss Mandy.
May Isang painting sa ginta at yun lang ang makikitaan mo ng kulay. Puti ang couch, puti ang ding-ding! Maliban sa swivel chair at mesa niyang black.
Pati mga pens and accessories sa mesa niya ay black.
''Ok let's move to the next room!''
''Ito ang File room,'' sabi ni Miss Au, nandoon lahat ng mga bagay na may kinalaman sa papel pati xerox machine.
''Ito naman ang Kitchenette,'' sabi ni Miss Au sa next door. Kulay crema ang maliit na kusina pero maganda ito. May 6 seaters na mesa at nandoon din ang toilettes.
“Mahilig magbonding ang mga boss natin. Si Miss Mandy lagi ang cook. Dito ninyo gagawan ng kape at kung ano-ano pang makakain ang mga boss ninyo.”
''Next room is Sir Adam's Office. Bea look around,'' utos ni Miss Au na agad naman ginawa ni Bea. Puro brown naman ang makikita mo sa office na ito at green. Magaan sa mata.
''Mahilig maglakwatsa si Sir Adam. He adores art and nature,'' explain ni Miss Au.
''Kaya pala parang gubat,'' sabi ko
Nagtawanan sila. Actually hindi naman gubat pero nakakatuwa lang talaga ang colour na trip ni Sir Adam.
''OK next room is Sir Carl's Office.''
Nakita kong iginala ni Rhea ang ulo niya, at tumango-tango doon pagkapasok namin. Puro navy blue naman ang makikita mo dito. Pero may mga ibang kulay din hindi gaya ng offices nina Sir Theo at Adam. Ang linis nito at mukhang hindi binibisita ni Sir Carl.
''Si Sir Caloy ang laging wala dito. Laging nasa labas ito. Kaya Rhea humanda ka.''
Napakamot ng ulo si Rhea. ''Obligado po ba akong sumama sa field Miss Au?'' tanong niya dito.
''Depende sa amo mo,'' sagot lang ni Miss Au at tinungo ang huling office.
''Ito ang office ni Sir Yuri, Sasha,'' baling ni Miss Au sa kanya.
Kakaiba ang office ni Sir Yuri, parang studio lang ito maraming nagkalat na papel pero di naman magulo.
''Architect si Sir Yuri kaya marami kayong blue prints at tracing papers na makikita everywhere,'' expain ni Miss Au.
Hindi ko na iginala ang mga mata ko dahil di naman ako interesado. Hinayaan ko na lang sila at nauna akong lumabas. Katapat ng pintuan ng office ni Sir Yuri ay ang Conference room na nilagpasan namin kanina. Dahil pabilog ang hall, umikot lang talaga kami.
''Ok ladies, are you ready to meet the bosses?”
Ngumiti lang kami lahat pero I was sure nangangatog na ang mga binti namin. Wala na ring lasa ang juicy fruit ko but I don't want to throw it just yet. Tension reliever ko kumbaga. Di pa rin ok ang pakiramdam ko buhat sa lagnat ko kagabi kaya laging tuyo ang lalamunan ko.
Nakita naming lumabas si Miss Rina sa office ni Miss Mandy at nilapitan kami.
''Let's go inside?'' tanong nito habang may mga hawak na papel.
She walked towards the door of the conference room. Kasunod si Miss Au. Naghintay muna kami sa labas.
Theo's POV
Nag-aasaran kami ng mga kapatid ko habang hinihintay si Mandy nang may kumatok sa pintuan at agad din bumukas iyon.
Pumasok sina Rina at Au.
''Good morning po,'' bati ni Au.
''Aura,'' Yuri nodded to greet her.
''I have your secretaries with me,'' masayang sabi nito.
I straightened and leaned my back on my chair.
''Let them in'' ngisi ni Adam.
''Ladies,'' tawag ni Au sa labas.
Sunod-sunod pumasok ang mga secretary all in skirts except her.
''Gentlemen, these are Bea, Sasha, Rhea and-,''
''-sweetheart!''I heard ADAM say.
Kumulo agad ang dugo ko.
Tumawa si Yuri, nakakunot si Caloy and all the ladies laughed except her. She frowned and rolled her eyes and she's chewing like a goat. Maputla siya parang may sakit.
And I swear I was stern.
''She's Honeylet,'' sabi ni Aura.
''I know, but I prefer her as Sweetheart!” Adam said.
''Stop drooling and annoying her ADAM!'' sabi ko
''I am nobody's sweetheart, SIR!'' pinagkadiinan na sabi ni Honeylet.
Yuri and Caloy were entertained. They were laughing hard.
''Gentlemen! Gentlemen!'' putol ni Rina.
We looked at her.
''Sir Yuri, Si Sasha po ang secretary ninyo.''
''Sir Caloy, Si Rhea''
''Sir Adam, Si Bea''
''and Sir Theo, si Honey po.''
''Nice meeting you ladies!'' lahad ni Caloy sa palad niya sa kanila. Gumaya rin si Yuri at si Adam na tuwang-tuwa.
I extended my hands to all but not to her. And everybody almost raised their brows.
Honey's POV.
Nakipag-shakehands ang mga boss sa aming lahat. But my monkey of a boss didn't even bother to extend his hand to me.
Tinaasan ko siya ng kilay. I was still chewing my gum and I extended my hand to him.
'Ako na ang magkusa, nyeta siya'
''No need, we already met in the elevator, right Miss Ortiz?'' he said.
''Nuh.uh!'' I said. At di ko binaba ang nakalahad kong kamay.
'Ayaw kong mapahiya for God's sake, shake my hand' taimtim kong dasal.
Tinignan niya ako. All were looking at us. I felt my back was sweating. At inaamin kong nanlalamig na ang palad ko sa ere.
Hindi ko tinantanan ang mga mata niya.
'Makuha ka sa tingin please' dugtong ko sa dasal kong nauna.
Then he shook my hands. ''THEO SEBASTIAN GOMEZ, happy now?'' he said mockingly. Ramdam ko ng bahagya ang riin ng kanyang kamay, para naman akong pinaso ng isang sakong nag-aalab na uling. Pero saglit lang ‘yon at agad siyang bumitiw.
''Nice meeting you Mr. Gomez,'' pormal kong sabi saka ko tinanggal ang tingin ko sa kanya.
Tila naman nakahinga ng maluwag ang mga tao na naroon.
''Ok ladies, grab a chair. Stay at the back of your bosses and do the minutes of the meeting later,'' instruction ni Miss Au sa amin. Kaya pala may dala dala kaming papel na nasa chart board. Training pa rin pala ito.
Bumukas ang pinto at nakita ko kung paano nagliwanag ang mga mukha ng mga GOMEZ pagkakita kay Miss Mandy.
''Babe!'' sabay na sabi nina Sir Yuri at Sir Caloy.
Isa-isa silang lumapit at niyakap si Miss Mandy. ''Dahan-dahan naman at buntis ako,'' sita niya sa mga ito.
''Yumakap si Sir Theo sa kanya at hinalikan naman ni Sir Adam sa pisngi.
''I see that you met the ladies,'' sabi nito after a while habang pinapasadahan kami ng tingin.
''Yes,'' sagot ni Yuri.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Mattia Castelli. Kilala ko na siya dahil madalas dumadalaw ito sa Fontanilla group. Kaibigan kasi siya ni Sir Luke.
''Bayaw',' sabi ni Adam na naki fist bump.
''Sorry we are late! inayos ko pa ang mga dala namin sa kitchenette,'' ngisi nito.
''Ano’ng dala mo Babe?'' tanong ni Sir Theo sa kanya.
''Secret,'' sagot naman nito.
''Shall we start?'' sabi ni Sir Matt bago kami binalingan na nakamasid.
''Honeylet?'' kunot-noong tanong nito.
Tumango lang ako sa kanya sabay sabi ng ''Sir Matt''
''What are you doing here?'' magiliw na tanong nito sa akin.
''Uh huh, I got hired?'' tila wala sa sarili kong sagot.
''Seems like you are Miss Friendly here,'' narinig kong sabi ni Sir Theo.
''She is!'' ngiting aso na naman na sabi ni Adam.
Tumawa si Matt at ngumiti ulit sa akin. It's nice you didn't apply somewhere else.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
''Luke was disappointed you resigned.''
Yumuko ako. “I needed to grow,” sabi ko sa mahinang boses.
''He knew that! Mamimiss ka lang niya. Alam mo namang adik siya sa ginagawa mo.''
Ngumiti naman ako sa sinabi niya.
''And that is?'' iritang sabat ni Sir Theo.
''Nothing, maybe you'll discover it later,'' ngisi ni Sir Matt.
Natatawa na rin si Miss Mandy at na we-weirduhan na ako sa mundo.
''Excuse me po,'' sabi ko saka ako tumayo.
''Stay!'' utos ni Sir Theo na ikinagimbal ng balun balunan ko.
''I need to go to the toilet Sir,'' protesta ko.
Tumawa si Sir Adam.
''You may go sweetheart!'' hindi pa naman nag i-start ang meeting, sabi nito.
''I am her Boss ang she obeys only me!'' tumaas ang boses ni Sir Theo.
Everybody was stunned.
'Lintik na ito, ihian ko kaya mukha mo' gusto kong sabihin pero kinimkim ko na lang din sa sarili ko at saka ako napa de-kuatrong pambabae na upo. Maipit man lang ang pantog ko.
Matapos lumabas sina Miss Au at Miss Rina ay nag umpisa nang mag usap- usap ang mga magkakapatid kasama ni Sir Matt. Nag-usap sila sa updates ng kompanya at sa mga pending projects nila.
Alas-onse na nang matapos sila.
Matapos ay bumalik na si Miss Aura at Miss Rina. Tumayo ako agad at nagpaalam nang pabulong
''Miss Rina, nawiwiwi na talaga ako,” sabi ko sa kanya.
''Sige na! Alis kana, sumunod ka na lang mamaya sa training room,” sambit nito.
Tumango ako at agad kong tinungo ang toilet sa kitchenette.
Nang nasa banyo ako ay agad kong tinapon ang juicy fruit ko na tatlong oras na sa bunganga ko saka ako nagwiwi. Naghugas ako ng kamay saka ako kumuha ng lollypop sa purse ko.
Palabas na ako ng banyo nang marinig kong papasok sila sa kitchenette. Nagbaba ako ng tingin at itinago ko ang lollypop na nakasalansan sa bunganga ko kanina sa may likuran ko.
''Balik na po ako sa training room. Nakigamit lang po ako ng toilet!'' magalang kong sabi sa kanila nanang ang tingin nila ay lahat nasa akin naka-focus.
''Oh Honey, nandito ka pala! Why don't you join us for snacks?'' paanyaya ni Sir Matt
Ngumiwi ako. ''Ok na po ako sa lolly ko,'' sabi ko saka ipinakita ang lollypop kong nakatago sa may likuran ko.
''Sige ho, may training pa ako!'' sabi ko sabay bow sa kanila at muli ko nang nilagay ang lollypop sa bibig ko para mabuksan ang pintuan.
''Miss Ortiz,” gulat ako sa narinig na boses.
Lumingon ako, my eyes were asking. My mouth sucking my lolly and my heart trembling.
''Throw that lolly! You are in an Office!'' mariing sabi ni Sir Theo.
Sir Caloy and Sir Yuri were giggling like two idiots.
Tinignan ko si sir Theo sa mata, he was furious mad.
'Nainggit sa lolly ko?'
''Do you want it Sir?'' maang kong offer.
Then Adam and Matt laughed hard this time.
'What is wrong with these people?'
Mas lalo namang dumilim ang mukha ni sir Theo, ibinalik ko sa bunganga ko ang lollypop saka ako nagkibit balikat na tumalikod..
''Stop it guys!'' narinig kong sabi ni Miss Mandy bago ko tuluyang naisara ang pintuan.