MELTING BARRIERS
#CHAPTER 4
Honey’s POV
‘Nek-nek mo kung itatapon ko ito!’ sabi ko sa sarili ko.
‘Pati ba naman lollypop ko pag-iinitan mong unggoy ka?’ Bulong-bulong ko pa sa sarili ko kahit alam kong ‘di naman ako naririnig ni Sir Theo.
“Miss Honey!” ngisi ni Grey pagpasok ko sa elevator.
“Grey,” bati ko naman sa kanya.
“Nahuli ka yata?”
“Ah eh, nag-CR pa kasi ako.”
“Akala ko pinagalitan ka na ng boss mo!” wika nito.
“Hindi pa pero baka malapit na!” biro ko sa kanya.
“Masungit ‘yon!” sabi nito.
“Parang ako lang din!” sabi ko sa kanya kaya nagtatawanan kami bago ako lumabas ng elevator.
Mabilis na lang dumating ang alas-singko. Nagmamadali na akong nagpunta sa toilet para magbihis. Nauna nang umalis ang mga kasamahan kong trainees dahil napag-alaman nila na may birthday nga akong dadaluhan.
Nagbihis ako ng pleated shorts and a halter top with a tie back na medyo maikli din. Parehong kulay puti. Ayoko namang kantyawan na naman ako ni JB mamaya kaya iniksihan ko na ang suot ko. Nagpalit din ako ng sapatos. Isinuot ko ang converse shoes na iniregalo ni JB sa akin. Di ko feel mag-heels or wedges. Sariling fashion statement ako ganern.
Kumuha ulit ako ng lollypop at saka tinungo ang elevator. Nasa 14th floor pa ang indicator ng elevator kaya nagbasa-basa muna ako ng mga paskil sa ding-ding habang kumakain ng lollypop.
‘Ting,’ narinig ko na ang pamilyar na tunog. Nagbukas ito at papasok na sana ako nang makita ko si Sir Theo sa loob.
“Oopsss!” I said saka ko ini-atras ang paa kong ready nang pumasok.
“Miss Honey,” bati ni Grey sa akin.
“Hi Grey!” ngisi ko before I stepped a leg backwards. Saka ko binalingan ng tingin si Sir Theo.
His eyes met mine. Pagkatapos ay tinapunan niya ng tingin ang suot ko bago sumara ang elevator.
Ang lakas ng t***k ng puso ko, minabuti ko na lang mag-stairs. Baka kung sinong boss pa ang makasabayan ko.
Dahil sa sanay naman ako maglakad at pababa naman ang hagdan ay inenjoy ko na lang ang lakad.
Pagkarating ko ng ground floor ay nakita kong nasa lobby pa si Sir Theo. ‘Di ko siya pinansin, nagkunwari akong may hinahanap sa bag ko habang naglalakad.
Pagkalabas ko ng building ay kumaripas ako ng takbo papuntang sakayan.
Natatawa ako sa pinaggagawa ko dahil tumatakas ako nang walang dahilan.
Dumaan ako sa mall at nagpunta agad sa grocery para mabili ang wine para kay Phei.
Sa dami ng wine na mapagpipilian ay nalilito ako kung ano ang bibilhin. Syempre pa tinitignan ko ang presyo baka naman kulang ang pambayad kong bigay ni JB.
Hanggang sa nakita ko ang wine na nakasalansan sa may pinakataas. Pilit ko itong ina-abot. Matangkad ako pero dahil sa bote ito ay doble ingat ako baka makabasag ako ng wala sa oras.
Theo's POV
I thought of buying a beer somewhere. Ubos na ang stock ko sa condo. Naisip ko na munang dumaan sa grocery kasi wala na rin laman ang fridge ko.
May tinapos akong trabaho kaya di na ako nag-field kinahapunan pagkatapos ng meeting naming magkakapatid. I went to the lift at magalang naman akong binati ni Grey.
Bumukas sa 12th floor ang lift but of course nobody dared to enter when they saw me.
Next is 10th floor. Everybody let the lift pass.
Then 9th floor. And my interest was caught. She was there. Busy sa lollypop niya at iba na ang damit.
“Ooops!” I heard her say saka ‘di tinuloy ang hakbang niya papasok. Pinasadahan ko siya ng tingin and I refrained myself from dragging her in.
“Miss Honey,” narinig kong sabi ni Grey.
“Hi Grey!” she answered saka ako tinapunan ng tingin.
Kinalma ko ang sarili ko at alam kong binigyan ko siya ng masamang tingin bago nagsara ang elevator.
Nang makarating ako ng ground floor I saw George, isa ring Engineer namin. I stayed to talk to him so I could wait for that damn girl to arrive. Tatlong beses nang bumukas ang elevator at ‘di pa siya lumalabas.
‘Where the f**k is she?’ tanong ko sa sarili ko at pilit iniintindi ang sinasabi ni George.
Then after a while I saw her come out from the exit doors sa may stairs.
Hindi nga ako nagkamali. Hanging din ang blouse nito. I think she didn't see me. Busy ito sa paghalugad ng bag niya habang palabas.
Nagpaalam na ako kay George at sumunod palabas. I saw her run away.
‘Anak ng―? Saan pupunta ‘yon?’
Wala na akong nagawa. I went to get my car and drove to the grocery.
Minumura ko ang sarili ko habang nasa sasakyan ako.
'And when did you learn stalking Theo?' pangaral ko sa sarili ko.
I forced myself not to think of that girl pagkapasok ko sa grocery. Tumuloy ako kung nasaan ang mga canned beer at kumuha ako ng isang dosena, tumungo ako sa wine section and there I saw a girl with loose curly hair, struggling to reach a wine. Nakita kong ingat na ingat siyang kinukuha ang isang wine at batid kong takot makabasag. I stared at her clothes and my blood rushed into my veins.
I saw a thing shining, bahagya siyang nakatagilid dahil may boxes sa sahig kaya nakaiwas ang mga paa niya.
Napagtanto kong piercing ang nasa pusod niya.
'Damn her,' nausal ko.
Nilapitan ko siya at walang atubiling kinuha ang wine na inaabot niya.
“Let me,” sabi ko na nagpahinto sa kanya.
''S-sir Theo!'' she stammered.
Honey's POV
Sa dinami-dami ng tao sa grocery bakit siya pa ang nakakita sa akin?
“Thank you Sir,” sabi ko saka ako yumuko at tumalikod.
“Where are you going dressed like that?” tanong nito na nagpahinto sa akin.
Bumaling ako sa kanya. I saw his perfect jaw clenched, his eyes looking straight to my eyes.
‘Siryoso talaga ang unggoy na ito at Diyos ko para naman akong may utang dito kung makausig ng tingin.’
Hindi ko siya sinagot. Nagkibit lang ako ng balikat saka ngumisi at tumalikod hawak pa rin ang wine.
Bastos na kung bastos but I have my barriers set. I don't have any obligation to answer his question anyway.
Nang makarating ako sa cashier ay nagulat na lang ako na kasunod ko siya.
Nilapag din niya ang mga bilihin niya.
“Are you together Sir?” tanong ng cashier.
“Yes,” sabi niya na ikinataas ko ng kilay.
“No miss! Nagjo-joke lang siya!'' sabi ko sa cashier.
“Let me pay for that stupid wine or I'll fire you!” narinig kong sabi niya.
Natameme ako and my blood started to simmer at 80 degrees!
He paid for it at nagpasalamat na lang ako after saka ako muling tumalikod.
“Where are you going dressed like that with a wine?” tanong nito sa akin ulit.
“Birthday!” sabi ko na hindi siya linilingon.
“Who's birthday?” tanong nito na nakasunod pa rin.
Huminto na ako at binalingan siya ng tingin.
“Why are you so interested Sir?” hasik ko sa kanya.
“Just answer or I'll fire you!”
‘Aba at nagpopower trip? 90 percent boiling point na ang dugo ko.’ sabi ko sa sarili ko saka ako pilit ngumiti.
“My friend Phei!” tipid na sagot ko.
“Hatid na kita!” he said na ikinataas na talaga ng kilay ko at umabot na ng 100 celcius ang boiling point ko.
“What are you up to Mr. Gomez?” hindi ko na napigilang tanungin.
“I'm just offering, don't put a meaning into it.”
“Feeling close ka Sir?” I raised my right brow at pinauyam ko ang himig ko.
“I only offered once!” sabi nito.
“You did twice! First, you offered to pay the wine then a hitch. So you didn't offer only once!” humalikipkip ako sa harap niya matapos kong ilagay sa bag ko ang wine.
Kumunot naman ang noo nito at ‘di na ako sinagot.
“Umayos ka Sir! Nakakahalata na ako!” I teased before I turned my back from him.
Nang makatalikod ako ay hindi ko mapigilang magmura sa oozing kayabangan ko.
“Nakakahalata my ass? Ano ba ‘yong sinabi ko?”
Nang makarating ako kina Phei ay marami ng tao pero wala pa si JB.
“Hon,” bati ni Phei nang makita ako.
“Happy Birthday Pheiffer,” bati ko sa kanya sabay yakap at bigay ng wine.
“Wala ng balot-balot pero gift ni JB yan,” bigay ko ng wine sa kanya.
“Sira ulo talaga ‘yon! Sabi nang ayoko ng wine. Pang-beer lang ang sikmura ko,” sabi nito pero nakangiti naman.
“Alam mo naman ‘yon baliktad ang sikmura,'' I laughed.
“Waley ako gift sayo Phei,'' nag-ala push in boots eyes pa ako.
'Paawa effect!’
“Ok lang ‘yon Hon basta sa Friday sama ka sa amin sa Valkyrie.”
“Oh No No No No No,” agad kong tanggi.
Nakaramdam naman ako ng batok mula sa likuran ko.
“Aray,” sabi ko at akmang jo-jombag sa kung sino mang bumatok sa akin.
‘Si JB,’ nakangisi ang letse.
“Naalog ang brain cells ko baklita ka,” inis kong turan sa kanya.
“Ano hindi ka sasama sa Valkyrie?”
“Hindi nga! Waley ako datung at waley akong damit pang-mayaman.''
“Sagot na namin,” chorus pa ni Phei at JB.
“Eh madali naman akong kausap. Libre pala eh,” ngisi ko sa kanila.
Mga alas-dos na kami nakauwi ni JB at lantang-lanta na talaga ako.
“Lanta na ako JB! May pasok pa ako bukas,” sabi ko habang nakasandal sa balikat niya nang nasa jeep na kami.
“Magpadilig ka! Lanta ka pala eh,” he abnoxiously anwered.
“Kung ikaw ba ang magdidilig eh!” patol ko sa walang kwenta niyang biro.
As usual napikon. “Yuck!” he said and I laughed.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
“JB!” tawag ko the next morning.
Nakailang tawag pa ako bago bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
“Napapaano ka?” mataray na sabi ng bakla.
Tinitigan ko siya at agad niya naman nakuha. Dumulog siya sa tabi ko at sinapo ang noo ko.
Tumirik ang mga mata niya. “Kahapon ba nag-take ka ng gamot?”
I shook my head guiltily.
Tinampal niya ako sa noo. “Tigas ulo,” he sneered saka ako iniwanan.
Pagbalik nito ay may dala na itong basang bimpo, thermometer at gamot.
“Ang lamig naman ng pakikitungo mo sa akin bakla,” puna ko.
“Tsheeee! Umayos ka! Galit ako sa iyo,” sabi nito at alam ko na kung bakit.
“Ok na ako kahapon JB kaya di na ako nag-take ng gamot.”
Hindi siya umimik. “Bakit ganyan up ang down ang lagnat mo?” he asked after a while.
“Nabinat ako kahapon, nahamugan siguro ako kaninang madaling araw,” sabi ko.
Tinignan ni JB ang thermometer na nilagay sa kili-kili ko
“39.5,” sabi nito.
Tumayo siya at itinabi ang thermorter at tinanggal ang kumot ko.
“Ano ba?” singhal ko sa kanya.
“Ang init mo. Hindi bababa ang lagnat mo kung ganyan na nagtatago ka sa kumot mo.”
“Hindi ka rin papasok today! Ayan tawagan mo ang opisina mo, magsabi kang nagbabaga ka ng lagnat!”
Kinuha ko naman ang cellphone niya at tumawag ako sa direct line ng HR. Alas-otso na kaya alam kong may tao na doon.
“HR,” sagot ng isang boses. Napagtanto kong si Eula ito.
''G-goodmorning Miss Eula this is Honeylet Ortiz. Pwede po makausap si Miss Au?”
“Ay wala siya sa office niya Honey.”
“Ganon ba? Pa-connect na lang po ako kay miss Rina.” pakiusap ko.
“Ok!” sabi nito.
“Salamat,” sabi ko at nawala na siya sa linya pagkatapos ay nakarinig ako ng tugtog ng lyrical music.
“Rina here! Good Morning.”
“Miss Rina,” umpisa ko.
“Yes, who's this?”
“Si Honey po.”
“Oh Honey, ikaw na lang ang wala dito? Nasaan ka?”
“Anong nasaan po?” nakuha ko pang itanong.
“Sa Gomez floor,” tipid nitong sagot.
Hindi ko na tinanong kung ano ba dapat ang gagawin ko sa Gomez Floor. Sayang lang ang laway ko, useless din naman kasi absent naman ako.
“Miss Rina ano ho kasi, 39.5 ang lagnat ko,” paliwanag ko
“I see! Sige ako na magsasabi kay Au at Sir Theo. Pahinga ka!”
“Sige ho, salamat.”
Matapos kong ibaba ang telepono ni JB ay nakabalik na ito mula sa kusina at may dala itong kape.
“Hindi pa ako nakakaluto. Inumin mo muna ito para magkalaman iyang sikmura mo,'' masungit pa rin niyang sabi.
“Wala ka bang pasok?”
“Mayroon,” sabi nito.
“Eh ano pa ang ginagawa mo dito?” taray ko sa kanya.
“Sa tingin mo iiwanan kitang tigas-uło ka sa kaluray-luray mong kondisyon?'' balik tanong nito.
“JB!” inis kong sabi sa kanya.
“Oo Hon! Papasok ako halfday! Mamayang hapon na. Umayos ka muna!'' sungit muna nito sa akin.
Hindi na ako umimik pa kasi di naman ito papatalo.