MELTING BARRIERS
#CHAPTER 5
Theo's POV
I saw the new secretaries on their stations. Nilagay sila ni Aura sa mga desks just before our office doors. May mga mesa na sila doon at kung ano-ano pang gamit.
“Good morning Sir!” bati ni Sasha sa akin. Siya kasi ang malapit sa may entrance naka station.
Tumango lang ako at dumeretso sa office ko. Honey isn't there yet sa desk na naka-assign sa kanya.
Huminto ako sa pagpihit ng door knob at tinapunan ko ng tingin si Bea ang secretary ni Adam.
“Where's Miss Ortiz?” pormal kong tanong.
Tumayo naman agad ito. “Ah Sir hindi pa po namin siya nakikita,” she said.
Hindi na ako sumagot at pumasok na ako sa office ko.
‘Late!’ I muttered to myself.
Mamaya pang konti ay may kumatok. “Come in,” sabi ko.
“Good morning,” ngiti ni Rina at nag-angat ako ng tingin.
“Your secretary is―,”
“―Where is she?” I sounded irritated.
“Absent. 39.5 daw ang lagnat,”
Tumango na lang ako sa nalaman ko kay Rina.
“Ring me if you need anything,” sabi nito saka tumuloy sa pintuan ko.
Pagkalabas nito ay napasandal ako sa swivel chair ko.
The next day ay ganon pa rin even Friday. She's still absent.
'Papasok pa ba iyon?’
Honey's POV
3 days na akong absent. Ok na ako kahapon pero ‘di ako pinayagan ni JB pumasok.
Nasa sala lang ako nakahilata at nanonood ng TV nang bumukas ang pinto.
“Ang aga mo yata?” tapon ko ng tingin kay JB mula sa pinto.
“Friday eh, sleep muna ako. Valkyrie mamaya remember?” he said.
“Hindi na ako sasama! Pakisabi na lang kay Phei.”
“Eh di hindi na rin ako sasama then,” sabi nito.
“Jb, wala ka namang sakit!”
“Ikaw din naman wala ka ng sakit diba?” he asked.
“Baka mabinat na naman ako!” protesta ko.
“Uwi tayo ng maaga!” sabi nito.
“Magtampo pa si Phei, ikaw din di ka papansinin ng isang taon!”
Bumuntong hininga na lang ako.
“Ayan damit mo,” sabi pa nito.
“Saan galing ito?” halungkat ko sa mga damit na dala niya.
“Kay Phei, sabi kailangan mo daw ‘yan sa office! Dinagdagan din niya ng dress para sa Valkyrie mamya. Kaya magpakita ka sa kanya para makapagpasalamat man lang.”
“May dresscode ba talaga doon?”
“Yeah, dress to impress!” sabi ni JB saka humalakhak at tinungo ang kwarto niya.
Dinala ko naman ang paperbag sa kwarto ko at natulog lang din ako gaya ni JB.
“Hoy bakla! Bihis na!” utos nito sa akin.
Umupo ako mula sa pagkakahiga. At tinignan ang relo ko.
“Alas-nueve,” usal ko. “Hindi ba tayo kakain muna bago umalis?” tanong ko.
“Gutom ka ba?” balik tanong niya.
Umiling ako.
“See? Galaw-galaw! Doon ka na kumain kung magutom ka man.”
“Mahal doon ‘di ba?”
“Sagot ni Phei kaya huwag ka ng magdrama sa pera!”
Tumayo na ako at nagbihis
Napapangiwi na lang ako sa pinahiram na damit Phei. Isang liitle black dress na V- cut sa harap at likod. Stretch ito kaya hapit sa mga kasuluk-sulokan ko.
“Ay ang tarush! Mukha ka naman pa lang tao kung gugustuhin mo.”
“Jb kapag ako nabastos dito, kakalbuhin kita!” I warned him.
“Wala ka bang tiwala sa mga muscles ko?” nag-flex pang sabi nito.
“Sa kaharutan mo ako walang tiwala! Baka iwanan mo ako doon ha?”
“Huwag kang humiwalay sa akin lalo na sa dancefloor!” bilin niya kaya tumango na lang ako.
Hirap na hirap ako sa pumps na suot ko. Galing din ito kay Phei. Pareho kami ng size ng paa na size 10. Lagi niya akong pinapahiraman ng shoes eversince.
“Hindi ba ako mukhang pokpok ha?” tanong ko kay Jb na abala sa ga-bundok kong buhok. Itinaas niya ito at hinayaang malaglag ang ilang hibla malapit sa tainga ko. Revealing my exposed neckline.
“Ang ganda mo talaga Hon! Mana ka sa akin,” sabi nito na ‘di naman sinagot ang tanong ko.
“Ang sabi ko, hindi ba ako mukhang pokpok?” ulit ko.
“Ang ganda mo namang pokpok!” ngisi nito.
Binatukan ko siya saka ako tumayo. Nilagyan niya ako ng nude lipstick dahil kinapalan niya ang make up sa mga mata ko.
“Ang sexy ng mata ko bakla!” ngiting sabi ko.
“I know right?” sabi nito saka inilahad ang kamay niya.
“Kinikilig ako JB! Para kitang boyfriend. Ang kisig mo,” tili ko matapos ko siyang pasadahan ng tingin! Ang taray ng porma niya nakaka-laglag panga. ‘Di talaga siya mukhang bakla.
“Bakit ba holding hands pa tayo?” tanong ko sa kanya pagkalabas namin ng taxi.
“Para ‘di halatang ‘di ka marunong maglakad sa pumps mo!” bulong nito sa akin.
Tinodo ko naman ang kapit ko sa kanya, ipinulupot ko ang kamay ko sa baywang niya at inakbayan niya naman ako bago kami pumasok.
“Naiilang ako Jb. Ang daming nakatingin!” ang sabi ko.
“Ako ang tinitignan, hindi ikaw!” bara nito sa akin na ikinatawa ko.
Theo's POV.
Nasa Valkyrie kami. Pakana ni Caloy at nagdala pa ng mga babae niya to complete the fun.
“Nasaan si Matt?” tanong ni Adam.
“Gigilitan ‘yon sa leeg ni Mandy kapag nalaman na sumama sa atin.” ani Yuri.
Katabi ko si Lora, isang common friend na game sa lahat ng bagay. Masaya kaming nagtatawanan. After a week of stressful work, we deserved a night out.
Well lagi naman kapag kompleto kaming magkakapatid.
“Sayaw tayo,” anyaya ni Lora na pinagbigyan ko naman. Nakisiksik kami sa dance floor. At dahil punuan ang dance floor nage-enjoy lang ako. Lora's an expert. She knows where to grind her 'asset'. Matapos ang dalawang sayaw ay bumalik na kami sa upuan at nagpahinga.
“Toilets lang ako,” bulong ni Lora sa akin sabay kagat sa aking tainga, tumango lang ako at nilagok ang inumin ko. Then I looked around to spot some wild ladies. Nakita ko ang mga kapatid kong nasa dancefloor din. Then I saw 2 people passing by. Tumingin ako sa lalakeng mukhang familiar pero hindi ko alam kung saan ko nakita ang pagmumukha niya. Not until I saw her.
Kumunot ang noo ko. At unti-unti kong naikuyom ang kamay ko sa baso. I looked at her. She's different and hot! ‘God damn hot!’
Lalong kumulo ang dugo ko when I saw how she clings to that man!
'Boyfriend ba niya ito?’
Nakita ko na sila one afternoon. Sinundo siya nito. And I know they are close.
‘But to what extent?’ tanong ko ulit sa sarili ko. Sinundan ko sila ng tingin at kita kong patungo sila sa isang grupo. Tawanan sila ng tawanan but to hell with those stares men are giving her. Kumunot lalo ang noo ko when she removed her see through topper. Kita kung papaano pinag pe-pyestahan ang likod niyang lantad pati ang dibdib niyang nagmumura.
'What the f**k are you doing woman?' I was cursing her in my thoughts.
“Theo! Theo!” tawag ni Adam sa akin na nakabalik na pala mula sa dancefloor
“What?” angil ko sa kanya. “Where is Etna?” tanong ko sa kanya nang ‘di makita ang partner niya for tonight.
“Sa toilets,” ngisi nito.
Tumungga ulit ako. 2 shots straight ng Jack Daniels,
“Have you spotted a new prey?” nakakalokong tanong nito.
“Not a prey! But my faking naivè of a secretary!” busangot ko.
“Si Sweetheart? Where?” tumayo pang sabi ni Adam.
“Sweetheart who?” tanong ni Caloy nang makaupo na sila ni Gretchen , ang date niya for the night.
“Theo said my sweetheart's here!” excited na sabi ni Adam.
“Ah si Honey?” parang nage-gets na sabi naman ni Caloy.
“Where?” tanong din nya sa akin but I did not answer.
“There she is!” turo ni Adam kay Caloy.
“Will you two leave her alone!” pahasik kong sabi.
“Talk to your ass Theo!” sabi ni Adam at sumigaw.
“SWEETHEART OVER HERE,” pang-aagaw niya ng atensiyon ni Ortiz.
Honey’s POV
Hindi ko alam kung papaano ako naka-adjust sa pumps na suot ko.
''Ang taray mo Hon!'' bulong ni Jb sa akin.
''Huh?'' tanong ko sa kanya.
''Iba na indayog ng balakang mo,'' puna nito sa akin.
''I know right?'' ngisi ko.
Nakita na namin sina Phei at mga kaibigan namin. Agad kaming inabutan ng drinks. At wala na akong nagawa kundi tunggain ito.
Agad kong naramdaman ang init ng alak na naglandas sa aking esophagus.
'Burned'
''Dahan-dahan ka bakla!'' bulong ni Jb sa akin
Tumango ako pero nainitan na ako bigla kaya nagtanggal na ako ng topper.
''Sexy!'' sipol ni Dylan ang kapatid ni Phei.
''Alam ko na ‘yan! Tulo laway ka naman!'' sabi ko saka kami nag-apiran,
Mamaya pang konti ay nakarinig ako ng sigaw.
''SWEETHEART OVER HERE,” ang sabi.
'Over naman yun maka-eskandalo,' naisip ko. Pero dahil familiar ang boses nito ay nilingon ko.
Inaninag ko ng mabuti kung sino ‘yong kumakaway sa banda namin.
''Anak ng sampung sirena, si Sir Adam,'' nasambit ko.
''Ano?'' inilapit ni Jb ang tainga niya sa akin.
''Tinatawag ako ng isa sa mga boss ko,'' sabi ko sabay nguso sa table nila.
''Saan?'' curious na tanong ni Jb sabay sunod sa mata kong natingin sa kanila.
''Gora ka na Hon! Mukha ka namang tao huwag ka nang mahiya!''
''Ayaw ko!” ang sabi ko.
''Kabastusan kung dedmahin mo,'' sabi nito sa akin
''Samahan mo ako Jb,'' sabi ko.
''Moment to shine mo itey, punta lang ako sa bar. Sunduin kita pabalik.''
''Go,” sabi nito saka ako iniwanan.
''Phei, tinatawag ako ng mga boss ko. Saglit lang ako doon,'' paalam ko sa mga friends ko.
''Sige,'' sagot naman nito sa akin.
I started to walk like a cat. Hindi naman ako lasing but I got the courage to flaunt whatever I have. Ramdam ko ang mga tingin sa akin at naiilang ako.
''Mga boss,'' ngiting bati ko sa kanila kahit na pinagpapawisan na ang singit ko.
''Sweetheart!'' Sir Adam's endearment was starting to sink in me. Nasasanay na ako.
''Ladies this is Honeylet Ortiz. Pakilala nito sa akin sa mga dates nila. Naglahad naman ng kamay ang mga ito sa akin kahit ni-laser look nila ako pataas at baba.
I relaxed my stiffed legs at bahagya kong inaawang ang mga hita ko dahil pinagpapawisan na talaga ang singit ko.
''I didn't recognize you Honey,'' ngiting sabi ni Sir Yuri.
''Just my dark side Sir,'' sabi ko kahit ‘di ko alam kung may ibig sabihin ‘yon.
Tumawa si Sir Caloy.
''I can't believe you're here! Akala ko ba may sakit ka?'' I heard Sir Theo's accusing voice.
''I was, but we get healed right? Maliban na lang kung cancer ang sakit ko ‘di ba ho?'' I said sharply.
''What do you do Honey?'' narinig kong tanong ng date ni Sir Theo.
Gusto kong ‘di sagutin pero dahil mabait ako ay sinagot ko na rin.
''I have to go mga boss! And by the way I'm your date's absentee secretary!'' sabi ko as I winked at her.
''Who's with you?'' tila galing sa kalawakang tanong ni Sir Theo
''You don't know them Sir, it's useless to elaborate!'' sabi ko sabay talikod.
''See you around sweetheart!'' habol ni Sir Adam pero ‘di na ako lumingon pa.
Sinalubong ako ni Jb at binigyan ng drink. Tinungga ko ito at hinila sa dance floor.
''Sayaw na tayo Jb tapos sibat na tayo,'' sabi ko.
''Wala pang alas-dose! Ano ka si Cinderella?” tanong nito habang sumasayaw kami.
Rock naman ang tugtog pero nag-wo-waltz kami at ini-ikot pa ako.
Inikot ako patalikod ni JB at sumayaw kami habang nakasandal ako sa dibdib niya. Nag-uusap kami ng pabulong.
''Kasi naman pinuna ni Sir Theo yung absent ko tapos makikita ako dito nag-paparty,'' sabi ko habang nag-sesway ang balakang namin.
''May gano’n?'' tanong niya sa akin at inikot ako paharap. Nagpalit ang music sa isang rock ballad kaya nahimasmasan kami sa pagwo-waltz.
''Dalian mo na, last na ito! Paalam na tayo kay Phei,'' sabi ko.
Naramdaman ko ang isang lalake sa likod ko na malapit na malapit. Dahil siksikan at madilim ‘di ko na lang pinansin. But to my terror ay bumulong.
''Go home,'' ang sabi nito.
I know who it was, boses pa lang kilala ko na. ‘Di ko pinansin at yumakap ako kay Jb bigla. Na-out of balance tuloy ang bakla kaya kami natumba at pumatong ako sa kanya.
''Jesus ORTIZ!'' bulahaw ni Sir Theo.
Salamat naman at madilim kung hindi kita na ang buong kuyukot ko.
Hinaklit ako sa braso patayo. Madilim ang mukha nito.
''Ah eh, thank you?'' ang sabi ko kahit ramdam ko na ang kuko niya sa braso ko,
''Hon! Ok ka lang?'' nakabawing tanong ni Jb sa akin pagkatayo nito.
Tumango ako kahit na pilit kong binabalewala ang talim ng tingin ni Sir Theo sa akin.
His glares in the dim light made him attractive all the more pero wala sa lugar ang paghanga ko ngayon sa itsura niya.
Hinila pababa ni Jb ang damit kong bahagyang umangat at pinagpag ang tuhod ko.
''Salamat pare!'' lalakeng-lalakeng sabi nito kay Sir Theo na hawak pa rin ang braso ko.
Hinila ko naman ang braso ko at lumapit ako kay Jb.
''Theo Gomez! Her Boss, you are?” pormal na tanong at lahad ni Sir ng kamay niya kay Jb.
Tinignan ako ni Jb bago inabot ang kamay ni Sir Theo
''JAMES, JAMES BAD-,''
''BOND,'' putol ko sa sasabihin ni Jb.
''James what?'' naiinis na tanong ni Sir Theo,
Nasa mukha nito ang inis at inakalang pinagloloko ko.
'Alangan naman na sabihin kong James Bading ang date ko? No way!''
''James Bond Montes,'' tuloy ko, sana kagatin ang pangalang inimbento ko.
Naubo si Jb sa sinabi ko kaya hinagod ko ang likod niya.
''Diyan ka na Sir!'' sabi ko saka ko hinila si Jb pabalik kina Phei.
''Walang hiya ka Hon!'' umpisa ni Jb sa akin pagkaupo namin
''Ginawa mo akong zero-zero-seven/007!''
Tumawa ako ng malakas. Panindigan mo muna Jb. Mukha naman akong kaladkarin sa suot ko nito kung mag-isa lang ako sa ganitong bar ‘di ba?''
''Anong kaladkarin! Ang ganda-ganda mo kaya!''
''Uwi na tayo! Nakita na kuyukot ko dito,'' sabi ko.
''Ano ba kasing nakain mo at napayakap ka bigla kanina?'' tanong nito sa akin.
''Ah eh nahihilo na kasi ako,'' palusot ko.
''Oh sige-sige! Uwi na tayo baka mabinat ka ulit. Paalam na tayo kina Phei.'' he agreed.
Matapos namin magpaalam ay holding hands kaming lumabas ng Valkyrie ni Jb.