CHAPTER 6

1544 Words
MELTING BARRIERS #CHAPTER 6 Honey’s POV Monday ''Good morning Miss Honey! Ang ganda natin today ah!'' bati sa akin ni Grey ''Morning Grey! Salamat!'' ngiti ko. ''13th floor ka na ‘di ba?'' ''Ah yata?'' sabi ko. “Oo doon na napunta sina Miss Bea eh, hindi na sa 9th floor.” ani niya. Tumango ako. ''Bakit po ba kayo nawala ng 3 days?'' usisa nito. ''Nagkasakit kasi ako,'' sabi ko. ''Ting,'' sabi ng elevator. ''13th floor,'' sabi ni Grey sa akin nang nakangiti. ''Salamat Grey,'' sabi ko saka ako tumulak papasok ng Gomez Office. Maaga akong nakarating. Inagahan ko talaga ng pasok dahil iniiwasan kong makasabayan ang mga Gomez sa elevator. Napangiti ako sa mga mesang nakita ko para sa aming mga secretary. Nasa labas ito before ng pintuan ng bawat office, maliban kay Miss Rina na nasa loob ng office ni Miss Mandy ang mesa niya. Pinuntahan ko agad ang mesa kong puro bago ang laman. Naisipan kong pasukin ang loob ng opisina ni Sir Theo para ma-check kung ayos ang mesa nito. Pinihit ko ang doorknob saka ako pumasok. Halos mapatalon ako nang makita kong nandoon na si Sir Theo at subsob sa binabasa niya. Nag-angat siya ng matalim na tingin sa akin. ''Er.. sorry Sir! I Didn't know you came in early.” Hindi niya ako inimik. 'Ang barumbado?' ''Would you like some coffee Sir?'' magalang na tanong ko. ''Why are you early?'' tanong nito. 'Aba ibang klase din ito ah? Masungit kung maaga ang empleyado?' ''Next question please,'' sabi ko at ‘di ko na naman alam kung saan nagmula ang walang kwenta kong sagot. ''Get out!'' sabi nito ''Luh? Galit?'' I pouted my lips and I went out. Naupo ako sa upuan ko. Tinignan ko ang relo ko at 7:30 pa lang. Naisipan kong pumunta sa canteen para kumain. ''Canteen Grey,'' sabi ko kay Grey at agad naman akong nakarating doon. Kumain ako ng arroz with egg sa canteen saka ako nag-toothbrush sa toilet at pumanhik na ako sa 13th floor. “Hoy Honey, mainit ang ulo ng boss mo, kanina ka pa hinahanap!'' bungad sa akin ni Bea. ''Gan’on ba?'' tanong ko at kinabahan na naman ako, Kumatok ako at pinihit pabukas ang pintuan. I saw sir Theo looking outside the glass window. Nakatayo ito at nakabulsa ang kamay sa amerikana niya. ''Do you need anything Sir?'' tanong ko. ''Where have you been?'' bumaling siya sa akin at kulang na lang ay magdikit ang mga kilay niyang perfect. Bumuntong-hininga muna ako. ''Why did you go out?'' sunod na tanong niya. ''Sabi mo po get out di ba? Wala pa namang alas-otso kaya pwede pa akong gumala kanina Sir,'' I said with boredom. ''Saan ka galing?'' ''Somewhere I am entitled not to tell Sir.'' ''I am your boss so pay respect!'' ''Ano bang ikinagagalit mo Sir? Maaga na nga akong pumasok pero pinalabas mo ako. Nang umalis ako galit ka pa rin! May regla ka ba?'' himutok ko. ''Get out and do not leave your station until I said so!'' ''Ewan ko sayo!'' sabi ko pero di ko na isinatinig. ''Nangyari?'' tanong ni Bea paglabas ko ng office. ''May regla yata,” sabi ko na ikinahagigik niya. ''Good morning ladies!'' bati ni Sir Adam na agad ibinigay kay Bea ang mga gamit. ''Good morning Sir'' bati ko saka ako tumalikod sa kanila at naupo sa upuan ko. Pinindot ko ang direct line ni Sir Theo. ''What?'' padarag na tanong nito. ''Iced coffee sir?'' tanong ko. ''Miss Ortiz kung wala kang magawa umuwi ka na!'' sabi nito saka ibinaba ang telepono. Ngumuso ako sa sinabi ng hinayupak kong boss. 'Malala ang dysmenorrhea niya malamang.' Naglagay ako ng post it sa may screen ng computer ko. “Hehe sarap mang-inis!” sabi ko nang nakangisi. Matapos kong ipaskil yun ay kinuha ko na ang mga gamit ko at nagpaalam sa mga kasama ko. ''Uwi na ako,'' sabi ko sa kanila. ''Huh? Undertime ka?'' tanong ni Rhea. Nasa akin na rin ang tingin ng mga iba pa. ''Hindi, pinapauwi ako ni Sir Theo,'' I informed them indifferently. Naguguluhan man sila ay di na sila nagtanong. Minabuti kong magtungo sa school at mag-inquire para sa night subjects. Pagkauwi ko ng bahay ay nagluto na ako agad, pagkauwi ni Jb ay ibinigay niya agad ang cellphone niya. ''Sagutin mo ‘yang boss mo!'' sabi nito saka pumasok sa kwarto niya. Message 1 Where in the world are you?-Theo Gomez Message 2 Are you f*****g playing Ortiz? Nasaan ka? Message 3 You are in trouble if you don't show your stupid self here! 4 missed calls Message 5 You're FIRED! Napakamot ako ng ulo sa nabasa. ''Jb patext!” sigaw ko sa bestfriend ko. ''Gora!” sagot nito na batid ko ay nasa banyo. To: 0906******* SLR: now ko lang po nabasa ito! Wala akong cp! Kay James po itong number. FIRE ME TOMORROW! Dadaan ako sa office niyo. Professional ako. Gusto ko formal firing!-Honeylet Ortiz. Pakatapos ay ni-save ko na ang number niya doon sa cellphone ni Jb. From: THEO GOMEZ YOU ARE IMPOSSIBLE! ''Bakla salamat sa text!'' sabi ko kay Jb pagkabasa ko sa reply ng boss ko. ''Ano ba ang nangyari? Bakit hinahanap ka niyan?'' he asked. Kinuwento ko ang nangyari at nagtawanan kami ni Jb. ''Ibang klase ka Hon. Hala sige hanap ka na ng ibang work! Mag-model ka na lang kaya?'' offer niya sa akin. ''Alam mo na ang sagot ko diyan Jb.'' ''Patay naman na si Tita eh, hindi na niya malalaman ‘yan'' ''Eh kung multuhin ako?'' ''Di na uso ‘yan! Sayang ka, mas malaki ang kita sa modeling.'' ''Tseh! Huwag mo akong demonyohin,'' sabi ko na lang at saka kami nag-dinner. ------------------------------------------------------------------------------------------------------- ''Good morning miss Honey,'' Si Grey ulit the next day. ''Honey na lang Grey!'' ngiti ko. ''Ok Honey! Ang sweet!'' halakhak nito. ''Bakit ka naka-jeans?” ''Mahabang kwento Grey! Kwento ko na lang mamaya.'' sabi ko kasi nahihiya akong sabihing last day ko na ito. Nang makarating ako sa 13th floor ay agad akong pumunta sa upuan ko, wala pang tao kaya tahimik lang akong yumuko at pinatong ang ulo ko sa desk ko. Pinikit ko muna ang mata ko habang nginunguya ang bubble gum ko. Napamulat ako sa isang kalabit. ''Honey,'' ani Bea. ''Bea!'' ngiti ko sabay angat ng ulo ko. ''Ang aga mo naman? At bakit ganyan suot mo?'' Napalingon ako sa suot kong skinny ripped jeans at peasant boat neck blouse na bahagyang nakalaylay sa isang balikat ko. ''I was fired,'' sabi ko sabay tapon ng tipid na ngiti sa kanya. ''Ano’ng nangyari?” nabiglang sabi nito. ''Get in the office!'' nakakahumindik na sabi ng isang boses mula sa likuran ko. ''G-good morning Sir!” utal na sabi ni Bea. Nilingon ko si Sir Theo habang nilalagpasan ako patungo sa office niya. Ngumiwi na lang ako dahil nasobrahan ng sungit ang isang ito. ''Goodluck!'' sabi ni Bea sa akin bago ako pikit matang pumasok sa office ng boss ko. THEO’S POV Agad-agad akong tumungo sa swivel chair ko at ihinagis ko ang briefcase ko doon. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Galit ba o inis? O pagkasabik? ''Fuck.'' Narinig ko ang mga yapak ni Honeylet. Agad akong lumapit sa kanya at isinara ang pintuan. ''I came to say ciao permanently!'' I heard her say. Tinitigan ko siya. Unti-unti ko siyang nilalapitan. Habang palapit ako ay pinasadahan ko ng tingin ang suot niya. Naka-ripped tight jeans ito at mukha ngang tinanggap niya ang pagkaka-lisensiya ko sa kanya sa text. Unti-unti siyang umatras. ''Stay there!'' harang niya sa kamay niya. ''Get your things! We're going out!'' sabi ko sa kanya pagkapigil niya sa dibdib ko. ''E??!'' nanlalaki ang magaganda niyang mata. Her eyes are black as the precious black pearl. Ang mga pilik-mata niya ay mahahaba. She has this pointed nose. Napapaisip ako kung may lahi itong banyaga. Her curls made her face more attractive. kahit pa siguro nakalugay ito maganda pa rin itong tignan. ''You heard me!'' Nakita ko siyang umupo sa couch. ''Explain yourself in 1 paragraph!'' she said crossing her arms. I was caught off guard. Ako pa talaga ang mag-eexplain? This woman is getting into my nerves, ''I don't need to explain anything! Ikaw ang umalis kahapon! Look at your silly note!'' Pakita ko sa kanya ng note niyang nakasulat sa post it. ''Sir ang sabi mo kung wala akong magawa ay umuwi na ako ‘di ba? Masunurin na nga ako, fired pa? Nasaan ang hustisya?'' ''Read between the lines Miss Ortiz,'' nagpupuyos kong sabi. ''What lines?'' maang nito. ''Enough! Get your things because we are going out!'' ''Hindi ka kasama sa planadong lakad ko today Sir! Nandito lang ako para magpaalam ng maayos!” “Gagalaw ka ba o kakaladkarin kita?'' ''Sino’ng tinakot mo? Ako?” sabi niya sabay turo sa sarili niya. Nilapitan ko siya! I ravaged her talkative mouth with my punishing kiss. ''Damn Honeylet Ortiz ! OBEY!'' sabi ko matapos ko siyang hagkan at magkadikit pa ang noo namin. I can sense her breathing. Nakakatakam ang minty scent nito. Her eyes were hugely opened with shock. Hindi na siya gumagalaw. Tinapik ko ang pisngi niya ng tatlong beses. Kumurap-kurap naman siya pero ‘di pa rin gumagalaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD