MELTING BARRIERS CHAPTER 55 Theo's POV Maayos kaming nakabalik from Palawan. The mine is in good shape at ayon na rin sa mga experts na isinama ni Kaye, hindi kami lugi sa 100 million dollars. Lumapag ang helicopter ni Kaye sa isang maluwag na bakuran. Gabi na rin kasi kaya ‘di ko maaninag masyado ang lugar. "Where are we?" I asked. "Madrigal Mansion," tipid na sabi nito at saka nagpatiuna nang bumaba. "Hindi ka nagsabing uuwi ka dito anak," salubong ng isang matanda sa amin. "Hindi naman kami magtatagal ‘nay," sagot ni Kaye at saka nagmano sa matanda. "Nakakain na ba kayo? Sino ba itong kasama mo?" "Si Theo po! Business partner namin ni Eve." "Theo, si Nanay Nena, katiwala namin dito sa mansion." pakilala ni Kaye sa akin. "Magandang gabi ho." bati ko at tinanguhan lang ako. "

