MELTING BARRIERS #CHAPTER 38 Honey’s POV Nagising nalang ako sa katok sa pintuan ko. ''Come in,'' English ko kasi baka naman mga katulong na inglisero ang kasalukuyang kumakatok. Hindi nga ako nagkamali at si Dorotha ito at may kasamang brunette. Good evening heiress,'' bati ni Dorotha. ''This is Miss China Reed your personal stylist.'' 'Ano daw?' Oo nga pala may stylist ako at nasabi na ito ni Pierre noong nasa Pilipinas pa kami. ''Nice meeting you heiress,'' narinig kong sabi nito at naglahad ng kamay. ''Call me Honey,'' sambit ko sa kanya. 'Not appropriate heiress, I can't.'' sabi nito at ‘di ko na siya kinontra dahil wala na akong ganang kumontra pa. Nakita kong pumasok ito sa isang walk-in closet na two doors. ''I've seen your photos and studied your frame so I already hav

