MELTING BARRIERS #CHAPTER 25 Monday Pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse ni Mang Darwin. Hindi ko na hihindian ang service ko after all advantage na rin ito sa akin. Sangkaterbang damit ang dumating sa bahay kahapon galing kay Pia. I just thought you might want to try some new clothes cuz. See you soon-Pia Ito ang nakalagay sa note. Puro branded ang mga ito what do I expect? Pumili ako ng knee level printed tailored dress at isang blue pumps. Hindi naman siguro ako pagtataasan ni Sibb ng kilay sa suot kong ito ‘di ba? ''Good morning Honey,'' ngisi ni Grey sa akin. Mabuti pa itong si Grey laging nakangiti. ''Hi Grey,'' bati ko naman sa kanya. ''Gumaganda tayo lagi ah.'' ''Hahaha salamat,'' sabi ko na lang sa kanya. Marami rin kasi akong kasabay sa elevator at ayaw kong mas

