CHANTAL POV "Anak sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?" tanong sa akin ng Mommy ko habang yakap-yakap ako para mag paalam kami sa isa't-isa. Ngumiti ako, "Mommy masyado na akong nasasaktan dito, kaya mas mabuti pang sa America na lang ako tumira at mag simula ng bagong buhay kasama ng magiging anak ko" malungkot kong sabi. Tumingin sa akin si Daddy, "pero bakit pati sa amin ayaw mong ipaalam kung saan ka titira don para mabisita ka namin ng Mommy mo" seryosong sabi nito. "Dad hayaan niyo na muna akong mapag isa" huminga ako, "kapag tuluyan na akong na kapag move-on kay Eric ay ipapaalam ko din sa inyo." paliwanag ko. Hindi nagtagal ay oras na upang pumasok ako ng Airport, "Mommy, Dad, papasok na po ako sa loob baka maiwan ako ng eroplano" pagpapaalam ko sa kanila. "Oh sige anak pu

