CHANTAL POV Andito ako ngayon sa loob ng I.C.U kung asan si Eric na mahimbing na natutulog, "Baby ko gumising ka na" tumulo ang luha ko, "Baby ko magiging Daddy ka na" at hinaplos ko ito sa kanyang mukha. "Baby siya ang Daddy mo" sabi ko habang nakahawak sa aking puson, muling tumulo ang luha ko dahil hindi ko alam kung kailan gigising si Eric. AFTER 4 MONTHS Mabilis lumipas ang buwan at ang aking tiyan ay lumaki narin, pero ang lalaking mahal ko ay wala pa ring pagbabago, andito ako ngayon sa Hospital kasama ang barkadahan nila Kuya Ricky, Jay, Michael at Herwin, "Chantal panigurado matutuwa si Pareng Eric niyan kapag nalaman niyang magiging Daddy na siya" sabi ni Kuya Jay sa akin. Ngumiti ako, "Oo at alam kong sinadya niya akong buntisin" masayang tugon ko. "Ang swerte talaga sa'yo

