ERIC POV Simula ng kausapin ni Ricky ang kapatid ni Jonathan ay namalagi na kami dito sa Lucena Doctors Hospital kung saan papalabasin namin na critical ang kalagayan ngayon ni Tito Ricardo. Kaya kinakailangan namin na kasabwatin ang lahat ng staff dito sa hospital. Kasalukuyang andito kami ngayon sa I.C.U, kung saan isang linggo ng mahigit na nakahiga ang Tito Ricardo na may mga swero na naka-tape sa balat niya at walang karayom, at bubuhayin namin ang maliit na monitor kapag padating na si Chantal na inaabangan naman nina Jay sa lobby. "Ricky, sigurado ka bang uuwi ang kapatid mo? Baka naghihintay lang tayo sa wala!" reklamo ni Tito Ricardo. Napatawa ako dahil mukang kating-kati na ang balat nito gawa ng tape na nakakabit sa balat niya. Ngumiti si Ricky, "Dad, huwag kang mainip. Ba

